KH 12

1.2K 59 13
                                    

Yelena

Tatlong taon na mula nang makarating kami sa mundong kung saan kami talaga nabibilang. Isang mundo kung saan posible ang lahat, puno ng mahika, ang mundo ng mga imortal.

Pero ano nga bang tunay na nangyari noong araw na iyon bago kami makarating dito?

"Oo."

Pagkatapos ng pag-uusap namin, nakita kong tumayo si Ashley para maghanap ng libro kaya sinundan ko siya at naghanap na rin ng mababasa. Pero nagulat ako nang bigla na lang siyang bumagsak. Agad na tumakbo si Ace papunta sa kanya, kaya napapatakbo na rin ako.

"Ashley! Gumising ka! Naririnig mo ba ako?" sigaw ni Ace, bakas ang pag-aalala.

"Ashley-nee san!" sigaw ko rin, nag-aalala.

"Ashley, 'wag mo naman kaming paglaruan! Ano'ng nangyayari sa'yo?" sabi ni Mike, ngunit ramdam ang takot sa boses niya.

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!!" sigaw ng isa sa mga tao, at ang paligid ay nagkagulo.

Sa gitna ng kaguluhan, narinig ko ang boses ng isang babae, "'Yan ang librong hinahanap natin, ang History Book. 'Di kaya, isa siyang imortal kaya siya natablan ng kapangyarihan nito?"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita, at tila napansin niyang nakatingin ako kaya't tumingin din siya sa akin. Pati na rin ang iba pang kasama niya ay napalingon sa amin.

"N-narinig mo ba 'yung sinabi ko?" tanong niya, halatang kinakabahan.

"Oo. Anong ibig mong sabihin doon?" sagot ko.

Bago niya ituloy ang sasabihin, dumating na ang ambulansya.

"Yelena, dito muna kayo ni Mike. Ako na ang bahala kay Ashley," utos ni Ace.

"Sige," sagot ko, at tumango si Mike.

Pagkaalis nila, kinuha ni Mike ang libro at lumapit sa akin.

"Ito ba 'yong hinawakan niya?" tanong niya.

"Oo," sagot ko.

"'Di ba ito 'yong history book ng immortal world?" tanong niya muli.

"Oo," sagot ko ulit.

"Alam n'yo ang tungkol dito?"

Nagulat ako nang biglang magsalita ang babaeng kanina ko nakausap.

"Oo. At alam mo rin ba?" tanong ko, naguguluhan.

"Siyempre. Bahagi iyon ng aming misyon," sagot niya.

"Kung ganon isa kang immortal?" tanong ko.

"Oo," sagot niya nang walang alinlangan.

"Mga immortal din ba kayo, o may alam lang kayo tungkol sa libro?" tanong naman ng lalaking may puting buhok na lumapit sa amin.

"Mga immortal kami. Lahat ng miyembro ng club namin, maliban kay Ashley—yung nahimatay kanina," sagot ni Mike.

"So ibig mong sabihin, hindi n'yo alam kung immortal siya o hindi?" tanong ng lalaking may puting buhok.

"Sa totoo lang, hindi," sagot ni Mike.

"Pero nag-react ang katawan niya sa libro, ibig sabihin immortal siya," giit ng lalaki.

"Hindi pa natin iyon matutukoy," sagot ni Mike.

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon