Chapter 1

130 9 3
                                    

NAKIKITA ko ang sarili kong tumatakbo sa madilim na kakahuyan habang hinahabol ako ng mga nakaitim na kapa, nakakatakot ang kanilang mukha, may mga sungay ito sa ulo, matatalim na tingin na mga mata at matatalas na mga pangil, may dala rin itong matatalas na espada. At hindi dahilan sa akin ang hindi matakot dahil na sa kakaibang itsura ng mga ito, hindi ordinaryong tao.

Pagod na ako at hinihingal, dinig ko malalalim na pagtawa nila, habang tumatakbo ay napapatingin ako sa likuran para siguraduhing 'di na sila nakakasunod sa akin, nanghina ako bigla ng 'di ko sila matakasan.

Hindi ko alam kung hanggang saan pa aabutin ng lakas ko para tumakbo, ngayon palang ay ramdam ko na ang pagod, sandali na lang ay hindi ko na kakayanin pang tumakbo.

Hindi ko na masyadong makita ang dinadaanan ko dahil natakpan na ng mga ulap ang liwanag ng buwan, wala na ang liwanag sa nagsisilbi kong ilaw para makakita sa madilim sa walang kabuhay-buhay na kakahuyan na ito. May nakikita rin akong mga paniking nagsisilaban. At tanging malalim na paghinga ko lamang at mga yapak ang naririnig ko.

Hanggang sa hindi ko napansin ang malaking bato sa dinaraanan ko, kaya nama'y sumadsad ako sa lupa, nahiyaw ako sa sakit ng maramdaman ko ang kirot sa binti ko.

Pinilit kong tumayo, at sumandal sa puno malapit sa akin. Sinubukan kong maglakad kahit na masakit ang binti ko, kahit na tumakbo ako ay wala na akong kawala dahil nandito na sila sa harapan ko.

“Wala ka nang kawala pa ngayon.”

“Anong kailangan niyo sa akin?” tanong ko.

Isang ngisi ang binigay nito sa akin. Kahit natatakot ay sinubukan kong hindi ipakita sa kanila. Lumapit ang isa sa kanila na ikinaatras ko at hinanda ang sarili ko sa kung anong gagawin nila.

“Ang mawala ka.” sambit nito at marahang tumawa.

Nagulat ako ng mapunta ito sa harapan ko, nakaramdam ako ng kakaiba, naramdaman ko na lang na hindi ako makahinga, agad akong napahawak ako sa dibdib ko at napaluhod. Naramdaman kong lumapit pa siya sa akin, napatingin ako sa kaniya, nakita kong papalapit niyang mga kamay sa mukha ko at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

*****

Nagising na lang akong hinihingal at pinagpapawisan. Agad akong napahawak sa ulo ng bigla itong sumakit.

“Panaginip.” sabi ko at napatingin sa alarm clock. Alas dos ng madaling araw.

Agad akong tumayo at pumunta sa kusina para uminom ng tubig para maibsan ang nararamdaman kong takot at kaba. Ilang gabi na ganito ang napapanagipan ko tungkol sa nilalang na papatay sa akin. Ilalang gabi na rin akong 'di nakakatulog ng maayos dahil sa bangungot na dumadalaw sa akin tuwing gabi. I don't know why I always dream about those creature, making me feel not wanting me to sleep at night.

Inilagay ko ang baso sa mesa at bumalik sa kwarto. Napapikit na lang ako at hindi ko na sinubukang matulog dahil baka mapanaginipan ko pa ulit ang ganoong klaseng mga nilalang. May isang bagay pa pumapasok sa isipan ko, ang mga matang tumitingin sa akin, 'di ko alam kung guni-guni ko lang iyon o alam ko lang parating may nakamasid sa mga ikinikilos ko. Ilang beses kong 'di pinansin ang mga nangyayari sa akin pero ngayon na mas lumalala na siya at malaki ang epekto nito sa kalusugan ko ay balak ko na itong sabihin kila mom at dad.

Kumuha ako ng jacket sa cabinet, at sinuot ito. Naisipan kong lumabas ng ganito kaaga para magpahangin sa palagi kong tinatambayan, ang playground. Hindi na ako gumawa pa ng ingay dahil baka magising pa sila mom at dad.

Nakarating ako agad sa playground, hindi naman ito kalayuan sa bahay kaya madali lang akong nakarating. Umupo na agad ako sa swing at dinama ang malamig na simoy hangin.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon