"KUMUSTA siya?" tanong ng hari.
"Kanina lang ay tinuruan ko siyang gumamit ng espada, ang masasabi ko ay mabilis niyang natutunan ang lahat ng 'yon kahit isang beses niya pa lang 'yun nagagawa. Malaki ang paniniwala kong kapag tumagal ang pagsasanay namin ay mas higit na mas malakas siya kung para sa atin."
Tumango ang hari.
"Tiyakin niyong nasasanay niyo siya ng maayos."
"Pero ang problema, hindi niya kayang basahin ang mga libro na ibinigay mo, kamahalan."
"Talagang mana sa kaniyang ina. Pero kailangan niyang malaman lahat ng 'yon, para hindi siya paghinalaan." saad ng hari at napailing.
"Huwag kayong mag-alala kamahalan, ituturo namin lahat sa kaniya ang lahat ng 'yon."
"Mabuti. Siguraduhin mong walang nanghihinala sa pagpapanggap niyo at tiyakin mong palaging ligtas ang prinsesa." Tumango si Arteicex.
"Nalalapit na ang kompetisyon, gusto kong isali mo ang anak ko at nang sagayon, ang kapatid mo ay magiging isa na sa mga mandirigma."
"Masusunod at Makakaasa po, kayo. Agaran ko na rin 'tong sasabihin sa kaniya."
======
Maingat na nagmatyag ang baguhang taga-ulat, si Erlina. Sa loob ng palasyo, sinigurado niyang walang ibang makakakita sa kaniya. Nang makapasok sa isang silid ay nadatnan niya ang nakaupong lalaki na hindi masyadong katandaan. Si ginoong Kimsoo
Napangisi ang lalaki nakatingin kay Erlina.
"Mabuti at narito kana."
"Nagawa ko na ang pinagawa mo na makapasok. Ano pa susunod na hakbang na ipapagawa mo sa akin?"
"Kunin mo ng loob ng mga taga-bantay ng palasyo, mga royal guard. Madali mo na lang 'yon magagawa dahil ikaw ang magiging mata at tenga nila sa loob at labas ng palasyong 'to. At alamin mo ang lahat ng plano nila ng mahulog sila mga bitag natin."
Napatango naman si Erlina at napangisi.
"Masusunod po."
========
Pagkarating ng hating gabi ay sandaling lumabas si Zia sa palasyo, iniwan niya muna ang kaniyang alaga kay Elise, para hindi ito magpumilit na sumama.
Pinaalalahan naman siya ni Elise na mag-ingat, nung una hindi ito pumayag na lumabas siyang mag-isa, dahil nga may tiwala 'to sa kaniya ay napapayag niya ito.
Naisip niya na kapag may nakabantay sa kaniya hindi niya magagawa ang pagpapangap, dahil maraming magtataka kapag palaging nakabuntot sa kaniya ang isa sa mga royal guard.
Kaya naman kailangan nilang magkaniya-kaniya para walang manghinala at maging normal lang ang lahat.
Sa paglalakad ay napansin niya si Erlina na nakatingala habang may bitbit na isang libro, nakatingin sa maliwanag na buwan. Saglit siyang napatigil at lumapit agad sa kaniya.
Narinig naman ni Erlina ang kaluskos sa kaniyang likuran kaya mabilis na nawala ang tingin niya sa buwan at tumingin sa kung sino man ang taong papalapit sa kaniya.
Nang makita kung sino 'to ay nanlaki ang mga mata sa pagkagulat.
"Zianna?"
Ngumiti sa kaniya si Zianna at nakalapit na sa tabi niya. Umupo ito sa malaking bato at tumingala upang tignan ang maliwanag na buwan, tumingin din agad sa kaniya.
"Masyadong ng gabi bakit hindi ka pa natutulog?"
Napabuntong-hininga siya, at payak na ngumiti. "Iniisip ko lang kung tama ang naging desisyon ko."

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...