NARITO ako sa silid at hinihintay na lang pagsisimula ng kompetisyon. Ito na kasi ang pangalawang beses at pangalawang araw na lalaban ako.
Napabuntong-hinga ako tumingin sa may bintana. Iniisip ko pa rin 'yung maze na nakita ko kahapon at biglang pagsulpot ni Erlina sa likod ko.
Sinabi ko sa kaniya 'yung nakita ko sa likod ng palasyo, pero ang sabi niya'y hindi niya 'to nakikita. Tinanong niya pa ako nasa tamang pag-iisip ako dahil kung ano-ano pinagsasabi ko.
Tinanong ko 'din siya kung bakit 'din siya nandon at ang sabi niya lang, nakita niya daw ako at sinundan.
Pero totoo talaga 'yung nakita ko.
Mamaya babalik ako kung totoo ba 'yung nakita o ilusyon lang. Baka lang nababaliw na ako.
Lumabas na ako sa silid at taas noo na naglakad.
Hindi pa man ako nakakalayo sa silid ay nakita ko naman si Kuya Arteixec na gagawi papunta sa akin. Sinalubong niya ako at tumigil sa harap ko.
"May ibibigay ako sayo." Napakunot-noo ako at tinignan siya na nagtataka.
"Alin?" tanong ko.
Hinila niya ako agad papunta ulit sa aking silid. Ni-lock na naman niya ang pinto at napabuntong-hiningang humarap sa akin.
"Makinig ka. Kailangan mong manalo at makarating sa pinakahuling pantas." sabi niya.
"Kahit hindi mo naman sabihin 'yan. Gagawin ko. Pero 'yung panghuling sinasabi mo, hindi ko alam kung mananalo ako 'dun kasi nga wala pa akong powers." Napasimangot na sagot ko.
Bakit kasi hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ko. Anong tanong meron nga ba? E, talagang matatalo ako sa panghuling kompetisyon.
"Hindi mo kailangan palabasin ang kapangyarihan mo dahil magtataka sila kung bakit mag-kaiba tayo ng kapangyarihan. Nakalimutan mo na ba na magkapatid tayo sa mga tingin nila?" Lalong napakunot-noo ko sa sinabi niya.
"O, tapos? Anong gagawin ko labanan sila gamit lang ang pisikal?" Umiling siya sa akin at may kinuha sa bulsa ng dibdib niya at inilabas ang isang singsing na kulay gold. Plain lang 'to at walang kahit anong disenyo.
Nagtatakang ako tumingin sa kaniya at napangisi ng may naisip ako.
"Don't tell me mag-proprose ka?...." Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw.
"Shut up!" Napalunok ako bigla at pinanlakihan siya ng mata.
Grabe nakakatakot magalit ang isang Lukki.
Nang makita niya 'yung reaksyon ko ay biglaang nanlambot 'yung hitsura niya at napaawang bibig.
Mas nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.
So, magproprose talaga si...?
"Princess, I'm sorry. Hindi ko sinasadya na masigawan ka. Hindi ako nag-iisip. Nakalimutan kong mas mataas ka at prinsesa ka ng Frantician City. Hindi dapat kita trinato ng ganito. Patawad."
Ilang beses ako napapikit at hinawakan ang braso niya para maitayo. Hindi ako makapaniwalang luluhod siya sa harapan ko.
"Tumayo ka d'yan! Ano bang ginagawa mo?" Nang maitayo ko siya ay humarap siya sa akin at umiwas ng tingin.
"'Yung tungkol sa singsing na sinasabi mong magproprose ako. Mali ka ng iniisip." Napansin kong namumula 'yung pisngi niya.
Hindi kaya galit pa siya sa akin?
"E, anong tawag mo 'dun? Sabi mo nga 'diba may ibibigay ka? At nang makita ko singsing, malamang na malamang naisip ko nag-propropose ka." Mas lalo pang namula 'yung mukha niya nakaiwas sa akin ng tingin.

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...