"HUWAG kang mag-alala, anak, madadalaw ka namin 'dun." Sabi ni mama.
"Pero mamimiss ko po kayo." Sabi ko sabay yakap kila mama at papa.
"Mamimiss ka rin namin, sige na." narito kami ngayon sa bahay. Pinasuot din ako ng kakaibang damit na galing mismo sa Fantrician city para hindi makaagaw ng atensyon na galing ako sa dito sa mortal world.
Nalulungkot ako, ito na ata ang pinaka-nakakalungkot na araw ko, first time kong mawawalay kila mom at dad. Nagdesisyon na akong sumama papunta sa Fantrician city, at handa na sa kakaharapin ko 'dun.
Pinipigilan kong tumulo 'yung luha ko para hindi makita nila mom nang hindi sila lalong malungkot.
Humarap ako kay Elise na malungkot na nakangiti, tipid lang din siya ngumiti. lumapit ako sa kaniya.
"Ready ka na?" tumango lang ako at ngumiti. Tumingin ako kay mom at dad, nakangiti lang din sila, alam kong sa likod niyan, ay malungkot sila.
Mabilis na binuksan ni Elise 'yung portal.
Napalunok ako, "Hindi kaya ako magkakapira-piraso d'yan pag pumasok ako?"
Natawa si Elise, "Portal 'yan, Hindi 'yan Carnival."
Napanguso ako, "Okay, sabi mo e." hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming hinigop ng portal.
Naramdaman ko naman may malamig na hangin na dumapo sa katawan ko kaya binuksan ko 'yung mga mata ko. Napanganga naman ako agad sa na kita ko at napa-wow bigla.
"Hindi mo sinabi na paradise pala 'tong napuntahan natin. Sayang hindi ko nadala 'yung cellphone ko para mag-selfie." Dismayado na sabi ko.
Pero okay lang, bubusugin ko na lang ang mata ko sa ganda ng paligid. Kitang-kita ko 'yung mga nagtataasang mga bundok, mga nagsasayawang mga puno, halaman, mga bulaklak, mga huni ibon, paru-paro na ibat-ibang kulay, dumadapo ito sa balikat namin, at ang dagat na payapa, sobrang kalmado.
"Saan ba ang next natin na pupuntahan?" tanong ko habang nilalaro yung malilit na ibon, mukhang tuwang-tuwa naman sila na makipaglaro sa akin. Ngayon lang ata ako nakakita na ibon na kusang lumalapit sa tao.
"Kay pinuno tayo pupunta, kailangan na rin malaman ng hari na narito ka na." sabi ni Elise.
"Ahh." Tumango kong sambit. Naramdaman kong naglakad na siya kaya sumabay na ako.
Inaliw ko ang sarili ko, sa nakikita ko. Nakapaligid ang mga puno sa daan na dinaraanan namin.
Marami akong gustong malaman tungkol dito, sa lugar na ito.
"Hmm. Curious lang ako, anong pinagkaiba nito sa mortal world?" tanong ko.
"Sabihin na natin dito ka lang makakakita ng mga bagay na imposible, pero nangyayari." Sabi niya.
Nakarating na kami dito sa loob ng palasyo halos matunaw ako dahil sa mga tingin na binibigay sa akin ng mga tao rito mapa-babae man o lalaki kaya napayuko ako.
"Siya na ba ang kapatid ng pinuno?"
"Siya na nga 'yon."
I signed. Anudaw? Ako ba 'yung tinutukoy nila?
Napansin naman ni Elise na nakakunot ang noo ko kaya nagsalita siya, "Mamaya muna isipin ang mga sinasabi nila. Magpapaliwanag kami sayo."
Tinignan ko ang mga nandito halos nagbubulungan, nairap na lang ako. Pati pala dito may mga tsismosa.
"Magpapaliwanag? Tungkol saan?" Meron na naman ba akong hindi alam?
.....
"What!?" sigaw ko agad naman napapikit ang mga tao dito sa loob ng silid, mga royal guard itong mga kasama ko. Sila 'yung nagpunta sa bahay noon. At isa pa, 'yung nagligtas pala sa akin dun sa playground siya pala 'yung pinuno nila.

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...