NAALIMPUNGATAN ako ng marinig ko 'yung alarm ko 6:00 o'clock. Agad ko itong pinatay, at nahiga pa ng limang minuto. Inaatok pa ako, kainis!
Pagkatapos ay tumayo na ako at nag-ayos na ng mga gamit baka magmadali akong kumilos mamaya, katulad ng nangyari kahapon. Nakakapagod kapag whole day lagi ang pasok.
Nang matapos ng lahat-lahat, ay nagpaalam na ako kay mom at dad tsaka umalis na.
Pagdating ko sa school, pinarada ko na 'yung sasakyan ko. Agad na ako pumunta ng room, pagdating ko ay may isang babae dun sa tapat ng pinto ba't di pa siya pumasok sa loob? ... t-teka? Si Kyla ba 'yun? Habang papalapit ako ay nakikilala ko kung sino 'yun. Si Kyla nga.
Mabilis akong naglakad at tinawag siya, "Kyla!"
Gulat niya akong tinignan at ngumiti rin agad, nakalapit na ako sa kaniya at pumasok na sa loob ng room.
"Saan ka ba nagpunta? Alam mo bang dalawang araw na kitang hinahanap? Nagtataka ako ng hindi ka na bumalik pagtapos ng break time natin, bigla ka na lang umalis ng hindi ka nagsasabi sa akin." Nagtatampo kong sabi.
"Sorry, may importante kasi akong ginawa, may gusto sana akong sabihin sayo kaso 'wag muna dito." Sabi niya.
Nacurious naman ako sa sasabihin niya.
"A-ano ba 'yun? Bakit hindi mo pa sabihin ngayon?" taka kong tanong.
"No! hindi pwede baka may ibang makarinig sa atin."
"At sino naman? May sari-sarili kayang mundo 'yung mga classmates natin."
"Basta, meron isang taong hindi pwede mapakinggan ang usapan natin."
Napanguso ako, "Hayst. Okay, fine. Kung kailan curious na curious ako."
Natawa siya, "Mamaya, malalaman mo 'yung totoo."
"Oo, na."
Naramdaman kong pumasok 'yung isa pa naming classmate na lalaki, 'yung palaging tahimik, ni hindi ko man lang ito narinig magsalita, wala rin akong nakikitang mga kaibigan niya.
Tinignan ko naman si Kyla, seryoso 'tong nakatitig sa lalaki habang umupo na sa upuan.
Kumaway ako sa harapan niya, napunta naman sa akin ang atensiyon niya.
"Titig na titig ka a, Ngayon lang kitang nakitang tumitig sa lalaki." Biro kong sabi.
"Tsk. Sira. Manahimik ka nga dyan." Masungit na sabi.
"Hoy! Pero seryosong tanong?" seryoso kong sabi.
Napakunot ang noo niya at tumingin sa akin, sandali akong natahimik.
Hindi ko maintindihan ang eskpresyon niya, mukha na kasi siyang namumutla e, natawa na lang ako sa isip ko.
"Aminin mo nga sa akin." Sabi ko.
"A-ang a-alin?" nautal na tanong niya.
"May crush ka ba sa kaniya?" nakangiti kong tanong.
Nakita kong napatanga siya sa sinabi ko.
"'Yun ba gusto mong sabihin sa akin kanina, kaya ayaw mong may makarinig sa atin, dahil nahihiya ka, noh? Ano, tama ba ako?"
Napaismid siya sa sinabi ko, "Anong pinagsasabi mo? Hayst! bahala ka nga kung anong gusto mo isipin."
Nakita niyang nakangiti pa rin ako, nakita ko naman reaksyon niya na naasar, pinili na lang niya manahimik.
Dumating na 'yung teacher naming sa math, hayst. First subject talaga math, pagkapasok ay nagdisscuss na siya pagtapos ng dalawang oras, kaya eto ako nirerecover 'yung sarili ko sa pag-solve kanina. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na nagsipasukan 'yung mga next subject.

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...