Chapter 29

34 1 2
                                    

NAGISING na lang akong may tumawag sa akin, pero hindi ko dinilat ang mga mata ko. Baka nananaginip lang ako.

"Anak." sabi ng malamyos na boses at naramdaman kong may tumabi sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

"Ang laki ng pinagbago niya." sabi ng lalaking boses, teka boses ni dad? Tsaka si mom?

"Huwag kang maingay Harnold baka magising natin siya." sabi ni mom na pabulong.

Tuluyan ko ng binuksan ang mata ko at nanlalaking tignan ang nandito sa kwarto. Hindi pa pumasok sa utak ko kung nanaginip lang ba ako.

"Mom? Dad?" I gasped in shooked, I can't believes this they are here.

Ngumiti lang sila sa akin at tumingin ng masama kay dad, "Ayan ginising mo ang anak mo."

"Sorry naman." sabi ni dad at tumawa lang.

Tumingin sila sa akin, and me still shooked for what I have seen.

"Nandito kayo." sabi ko at mabilis kong niyakap si mom dahil nasa kama ko siya.

"Wah. I really missed you, mom, dad. Akala ko hindi ko na kayo makikita ulit." I cried at lumapit sa amin si dad at yumakap ng mahigpit.

Nang humiwalay ay tinignan ako ni mom at sinuri ako, "Kumusta ka na? Oh God! we really miss you, anak. Hindi mo alam kung gaano kami nangungulila sayo."

"Maayos lang po, kayo po ba ayos lang po ba kayo?"

Tumango sila at hinawakan ni mom ang pisngi ko, hinawakan ko naman ito, at ngumiti sa kanila.

"Such a beautiful daughter, mas gumanda ka ata ngayon." natatawang sabi ni mom.

"Mom! Parang sinabi mo na rin na hindi ako maganda nung nasa mortal world ako." I grumbled and pouted.

"Oh! But You're still beautiful inside so don't complain." sabi ni dad.

Sumimangot na lang ako, "Yeah. Whatever."

"Anak, ano ng nangyari sayo dito? Hindi ka ba napapahamak?" tanong ni mom with caring tone.

"Ahm. Ayos lang naman po. Bakit ngayon niyo lang po ako pinuntahan?" sabi ko.

"Alam namin nagsasanay ka kaya naman, nagdesisyon muna kaming hindi ka puntahan." sabi ni mom. Pero mas maganda kung nakikita ko kayo araw-araw.

Napatingin sila sa kabuan ng kwarto ko, "Bakit dito ka natutulog, anak. Para sa mga royal guard ito hindi ba?" sabi ni dad.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya, "Mahabang salaysayin marami ang mga hindi ko inaasahan ng mapunta ako dito."

"Tulad ng?" kunot-noong sabi ni mom.

"Pagpapanggap po." sabi ko.

Lalo silang nagtaka dahil sa tingin na pinukol sa akin.

"Can you explain it, anak? Masyado mo kaming binibitin." sabi ni mom.

Napabuntong-hininga ako, "I'll explain it, pero kailangan muna natin kumain at malaman nila na nandito kayo."

Tatayo na sana ako ng pinigilan ako ni dad. Nagtataka akong napatingin sa kanila.

"Anak, hindi nila pwedeng malaman na nandito kami." sabi ni mom.

"Bakit po?"

"Ikaw lang pwede namin puntahan... yun ang sabi sa amin nila Herya. Wala dapat makakita sa amin kundi ikaw lang." What?

"Bakit naman? Kung sila ang nagsabi sa inyo, siguro naman may exception diba? Dahil alam din naman nilang pupunta kayo dito?" sabi ko.

Natahimik naman sila at napatingin sa isat-isa. Tsaka tumingin sa akin, "Mukhang may tama ka, anak."

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon