Chapter 21

9 4 3
                                    

NAPAPIKIT na lang ako habang pinapalabas ko ang kapangyarihang meron ako, palihim ko lang ito ginagamit sa tagong lugar dito sa palasyo, hapon na at nandito pa rin ako para magsanay.

Madalas ko lamang ginagamit ang hiram na kapangyarihan ni kuya Arteixec na binabalik ko rin naman agad ito sa kaniya. Para hindi maghinala ang mga baguhan naming kasama.

Lalo na si Erlina, dahil nalaman namin na kaanib siya ng mga Garghol kaya naman maingat kami sa pakikitungo sa kaniya.

At gumagawa na kami ng hakbang para mahuli silang dalawa ni ginoong Kimsoo, na nakaharap ko kanina lang na nagpakaba sa akin, nasabi ko naman kay Arteixec ang lahat ng sinabi nito sa akin.

Matapos namin kumain ng almusal ay nagpaalam na ako para maglakad-lakad sa pasilyo. Sa paglalakad ay nakita ko ang may katandaan na lalaki habang may mga alipin na nakasunod sa kaniya.

Kilala ko siya, si ginoong Kimsoo nabasa ko sa mga talaan naroon ang kaniyang imahe.

Yumuko naman ako rito ng magkasalubong ko siya, tumigil siya at tinignan ako, "Ikaw ba ang kapatid ng pinunong Arteixec?" tanong niya at ngumisi.

I nodded, glanced at him, "O... opo."

"Nakakapagtaka naman yata na kasali ka sa mga mandirigma, hindi ikaw ang tipo ng taong sasali sa pagligsang 'yon."

"Paumanhin, pero nakakainsulto kayo, ginoo." sabi at pinipigilang mainis. Tumawa naman ito at pinaalis ang mga kasama niyang servant.

"Ikaw ba talaga 'yan? Sa pagkakalam ko kasi noong bata ka pa hindi ka mahilig sa ganiyan. Gusto pa naman kita turuan 'nun pero tinataboy mo ako, at hindi mo rin sinasabi ang pangalan mo." napangising sabi nito, at tinignan ako ng mapanuri, kinabahan naman ako bigla.

Anong alam niya? Ibig sabihin nakita na niya ang kapatid ni Arteixec noong bata pa ito? Nakaharap na niya.

"Nagbabago ang tao, ginoo. Kung noon nakita mo, ay bata pa lang ako 'nun. At walang kamuang-muang. At ngayon nakikita mo na ako bilang mandirigma." sabi ko, para mawala ang mga mapanuring tingin.

Tumango siya sa akin, "Marahil nga. Hindi ko tuloy lubos isipin na ang kapatid ng pinuno ay hinayaan na mapasama ang kaniyang 'kapatid' sa tungkulin na pwede niyang ipahamak." Napakunot-noo ako, what the hell! Anong pinagsasabi niya?

"Mawalang galang na pero hindi ko kayo naiintindihan kung bakit sinasabi mo ang bagay na 'yan sa akin. Narito ako para paglingkuran ang palasyo at mga mamamayan. Hindi desisyon ng kuya ko ang pagsali ko rito, ako ang nagdesisyon 'nun. At wala po kayong pakealam kung ano ako noon at ngayon." mahinahon na sabi ko rito at nagpipigil na ng inis, sana hindi ko na lang nakasalubong ang matandang 'to. Pasalamat siya at pinanganak ako may galang sa matatanda.

"Sa pananalita mo, naiinis ka na sa akin, tama ba? Pero hindi mo naman maalis sa akin dahil nagkita na tayo noon. At ang mukha mo ngayon ay magkaiba sa mukha mo noon... Naalala mo pa ako?" Nakaramdam naman ako ng tensiyon dahil sa sinabi niya, kung ganoon alam niya ang mukha ng kapatid ni kuya Arteixec, at hindi ako 'yun.

"Matagal na panahon na 'yun kaya wala na akong maalala." nasabi ko na lang.

Tumango lang ito at ngumisi sa akin, "Ganoon ba? Siguro dala 'yun ng pagkakabagok sa ulo mo. Akala ko kasi patay ka na nakita 'yun ng dalawang mata ko kung paano ka pinatay, hindi ko akalaing mabubuhay ka." saad niya at tumawa.

I looked at him, "E, ngayon nakita mo ng buhay ako, narito sa harapan mo. Nasasabi mo na bang patay ako?" I said, hoping he sensed my anger. Mukhang mauubusan na ako ng mga masasabi sa kaniya kapag nagtanong pa siya. Ano pang palusot ang pwede kong gawin?

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon