"WHAT are we going to do? She still not awake."
"Isang oras na lang magsisimula na ang huling pantas. Malalagot tayo sa hari na hindi natin siya masyadong nabantayan."
"Pwede ba tumahimik ka. Nakikita niyo naman na hindi maayos ang kalagayan niya di'ba? Pag lumaban pa siya, baka mas lalong mapahamak ang prinsesa."
"I know, but this is the best way to protect her. Mas mapapadali lang ang lahat kapag maging isa na siya sa atin. Dahil palagi na natin siya makakasama."
"Sige. Sabihin mo 'yan sa ganyang sitwasyon. Tignan natin kung hindi siya lalong mapapahamak sa mga pinagsasabi mo... We can still guard her kahit na hindi natin siya makakasama. Look at her, she need to rest."
"Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong mga bata... Tama si Clownie, isipin muna natin ang sitwasyon niya ngayon. Mas isa-alang-alang natin ang buhay ng prinsesa, dahil nabigo tayong proteksiyonan siya."
Nagising na lang ako may naririnig sa paligid ko na nag-aalitan. Napatigil lang dahil sa sinabi ni Elise.
Tuluyan na akong dumilat at napaungol kaya naagaw ko ang atensiyon nila at napatingin sa akin at lumapit sa akin, inalalayan akong makaupo ni Elise.
Nakita ko na narito ang pitong mga royal guard.
"A... anong nangyari?" pangbungad na tanong ko sa kanila, napatingin naman ako kay kuya Arteixec na nakatingin lang sa akin, katabi naman ito ni Elise.
Napatingin ako sa kabuuan ng silid, and realizing that this is my room.
"Kami ang dapat magtanong sayo, princess. Anong ginagawa mo sa Mindchasing maze? And what happened to you?" sabi ni kuya Arteixec.
Mindchasing, what?
I looked at him puzzle. Inalala ko naman 'yung nangyari sa akin sa loob ng maze, yung mga sanga na binalot ang buong katawan ko. and there is a stranger, came up, left and let me to die.
"You mean 'yung maze sa likod ng palasyo?" tanong ko.
Tumango naman ang ilan dito sa loob.
"Nakikita niyo 'yung maze na 'yon?" nagtataka kong tanong and again they all nodded.
"So. Totoo pala? Hindi pala ako nag-iilusyon?" I blurted out.
"Hindi ka nag-iilusyon, prinsesa. Ang lahat ng makikita dito sa palasyo, totoo. Kung napapansin mong mga ilan dito ang hindi pinapansin ang maze na 'yon. Ang ibig lang 'nun ay hindi nila nakikita kung ano man meron 'dun. Nakakabahala... humihina na ang hari at lahat ng nakatagong mga bagay sa loob ng palasyo ay hindi na matatago pa." Agad na saad ni Herya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin 'dun? At paanong hindi nila nakikita ang mga bagay na nandito?" tanong ko. Lahat ng mga bagay dito ay hindi na matatago, marami bang tinatago ang palasyong 'to.
"Pinili ng iyong amang hari na hindi ipakita sa mga naririto ang mga mahahalagang bagay sa palasyong 'to dahil mas marami ang aangkin dito. Maliban sa kapangyarihan ng korona ay may taglay din na lakas ang palasyong 'to, lakas na kayang dipensahan ang mga kalaban. Pero walang nakakaalam sa bagay na 'to kundi kami at ang hari at katiwala niya. Hindi pa nagagamit ang pandipensa ng palasyo because your father, the king. Blocked it. at hindi ko alam kung ano-ano ang mga bagay na kaya nitong gawin. Ang hari lang ang nakakaalaam ng lahat." Dagdag pa niya.
"Kung ganon bakit pa niya itatago kung kaya naman palang dipensahan ng ang mga kalaban? Mas lalakas ang palasyong 'to hindi ba?" tanong ko.
Umiiling sila. "Lalakas at magiging makapangyarihan pero ito rin ang magdadala ng panganib sa buong Ethereal World Kingdom. Mas mabuti ng wala ng ibang pang makakaalam dahil kapag nangyari 'yun everything in this world will become chaos." sabi ni kuya Arteixec at napahalukipkip.

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...