HINDI mawala ang lungkot ng nararamdaman ko dahil hindi nila ako pinayagaan dalawin sila mom at dad.
Dalawang araw na ang lumipas.
Nagpupumilit ako kay Elise na samahan niya ako pero tumanggi siya kaya naman nagkaroon ako ng sama ng loob hindi lang sa kaniya kundi sa kanilang lahat pati sa hari.
I miss you mom, dad.
Naramdaman kong uminit ang mata at doon ko namalayan tumulo na pala ang luha ko na agad ko rin pinunasan.
"Bakit ba kasi ayaw nila akong pumunta sa mortal world? Gusto ko lang naman sila makita. Pinagkakait ba nila ako sa kanila dahil isa akong prinsesa?"
Napatingin ako sa brunnygrid dahil patalon-talon itong nasa tabi ko, napangiti naman ako dahil alam kong gusto niyang buhatin ko siya.
Pagkabuhat ay hinimas-himas ko ang balahibo niya.
"Tiyaka ko lang naalala, hindi pa pala kita nabibigyan ng pangalan. Hmm. Ano ba ang itatawag ko sayo?" sabi ko at nag-isip ng ipapangalan sa alaga ko.
"Kung Yokai kaya? Hindi. Hmm. Halley? Tama. Halley ang itatawag ko sayo. Nagustuhan mo ba ang ba ang pangalan mo Halley?" Gumalay-galaw naman ang buntot nito na tila nagustuhan ang ibibigay kong pangalan niya.
Pagkababa ko ay napatingin ako sa pumasok sa pinto, isang kawal. Mukhang mag-uumpisa na ang kompetisiyon sa pakikipaglaban.
"Ipinapasabi ni pinuno na kailangan mo ng maghanda may tatlongpung minuto pa bago magsimula gawin mo na ang kailangan mong gawin at magtungo sa battlefield."
Matapos ay umalis na ang kawal.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Kailangan ko ba talagang manalo sa kompetisyong 'to?
Nagsimula na akong ayusin ang sarili ko at isinuot ang damit na ibinigay sa akin ni Elise. Napatingin ako sa salamin at tinignan ang sarili ko.
Mukha talaga akong makikipaglaban. Parang pang martial arts 'yung dating ng damit at kulay asul ang kulay.
Dumaan ang ilang minuto ay nagtungo na ako sa kompetisyon.
May sariling upuan ang mga kalahok sa harapan ng entablado kaya naman malayang makikita ang mga galaw ng mga sasali.Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsidatingan na ang mga kalahok, makikita talaga sa mga mata nila na gusto nilang mapasama sa pagiging mandirigma.
Kaya naman lalo akong kinabahan.
Nakita ko na may umupo sa tabi ko kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"Erlina?"
Ngumiti siya sa akin.
"Salamat."
Napangiti na lang ako at tumango.
"Wala 'yun."
Napatingin ang lahat sa nang dumating ang hari, ilang mga opisyal at mga royal guard. At umupo na ang mga 'to sa kaniyang upuan habang ang hari nasa malabakal na upuan sa gitna maliban lang sa royal na nakatayo lang.
Nagsimula ng magpatutog ng trumpeta at magtambol na huyat ay magsisimula na ang kompetisyon.
Nakita kong may tumayo sa gitna.
"Ngayon ang simula kung saan ipapakita ang bilis, lakas, diskarte at talino kung paano niyo matatalo ang isat-isat. Sa kompetisyong 'to hindi lamang lakas at bilis ang kailangan. Kailangan 'din ng talino upang makapag-isip at maging mahusay sa pagdedesisyon. Ang lahat ng mababangit ng pangalan ay kailangan tumayo at magpunta sa entablado upang kunin ang mga naayon na kasangkapan sa pagkikipaglaban."

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...