PAGDATING ng mga Garghol sa kanilang kuta, ay npatayo si Reia at nakangiting hinagkan niya ang kaniyang anak.
"Masaya ako at mabilis kayong nakarating. Nagawa niyo ba?" napaupo si Reia sa kaniyang pagkareyna.
Ngumisi lang ang anak at niyakap si Reia pabalik.
"Sinabi ko naman sayo, ina. Gagawin ko ang lahat para magkagulo sila. Susundin ko ang mga plano niyo." sabi ng anak at humiwalay sa pagkakayakap.
"Mabuti. Dahil ayoko ng maulit ang ginawa mo noon sa pagdiriwang ng mga kaaway." may diin na saad ni Reia.
"Huwag kang mag-alala, ina. May alam na akong paraan kung paano ko makukuha ang prinsesa. " napatingin naman si Reia sa anak at napakunot-noo.
"Anong binabalak mo? Hindi ba dapat dito mo na dinala ang prinsesa noon pa 'nung nakalaban niya ang ating mandirigma na pinakawalan mo at niligtas mo. Nagtataka ako kung bakit mo ginawa ang bagay na' yun at hanggang ngayon hindi mo pa rin ako sinasagot." masamang tumingin si Reia sa anak.
Sandaling natahimik ang anak niya, nakaroon agad ng pangamba si Reia sa pananahimik nito, she was dread about something what her son would have spoken. Kung totoo nga ang nasa isip niyang may pagtingin ito sa prinsesa kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi tuluyang mahulog ang loob ng kaniyang anak.
Hindi niya tinuruan ang kaniyang anak para magmahal. Isinilang niya ito para magamit laban sa mga kalaban, ng malaman niyang napakalas ang kapangyarihan ng kaniyang anak hindi na siya nagdalawang isip pa na sanayin ito hanggang sa lumaki.
"May dahilan kung bakit ko ginawa 'yon, ina..."
"At ano naman nang dahilan na' yon?"
She saw her son blinked as if thinking what her son would speak. Now, she knows by how her son had been acted. She knows her son very well, at walang dahilan para hindi ito makatakas mula sa kaniya. At alam niya ang bawat kilos at ugali ng kaniyang anak kaya naman malalaman niya kung nagsisinungaling ito sa kaniya.
"Nakita na niya ang mukha ko pero hindi niya rin kilala kung sino ako." saad ng kaniyang anak.
"Nakita niya? At wala kang ginawa?!" napatayo si Reia.
"Huli na para itago pa." mahinahon na sabi ng anak.
"Paano mo... Sinadya mo bang ipakita ang mukha mo?" Nanlaki ang mata ni Reia.
Umiling ang kaniyang anak, natititig lang si Reia sa kaniyang anak.
"Tulad ng sinabi ko, ina... May dahilan ako kaya ko ginawa 'yun," ngumisi ang anak. "Paiikutin ko siya sa aking mga kamay ng sa ganoon makaganti tayo sa ginawa nilang pangtataboy at pananakit sa atin."
Natawa naman si Reia, "Talaga bang gagawin mo ang bagay na' yan, aking anak? Hindi. Hindi mo gagawin 'yan mag-uutos ako ng mga mandirigma dudukot sa kaniya at dadalhin sa akin."
"Wala ka bang tiwala sa akin, ina?" nakatitig siya kay Reia.
Ngumiti si Reia, "Mayroon... Pero ang gusto kong pagtuunan mo ng pansin ay ang pinuno ng kawal. Nasisiguro akong hindi natin siya papaniwala agad pero si Kimsoo ang bahalang magsabi sa kaniya. At hari naman nasisigurado kong nakakaramdaman siya ng pagkabalisa sa mga malalaman niya. Ako na ang bahala sa prinsesa ng Heirrs," ngumisi si Reia."Kapag nakuha na natin ang kailangan natin, ikaw ang uutusan kong pumatay sa kaniya."
Natigilan naman ang kaniyang anak at hindi nakapagsalita, blangko lang tingin niya kay Reia.
"Kung ganoon... Wala rin pala akong pagpipilian, gagawin ko, ina. Kung 'yun ang ikakatuwa niyo." agad na tumalikod ang kaniyang anak paalis.

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...