TAKBO lang kami ng takbo at iniwasan ang mga pana, ginamit namin ang armas namin na pinapatamaan ng pana ang gawi namin para maiwasan ito.
Mas dumami ito gaya kanina, napatingin naman kami sa kalangitan ng may tatama na amin. Great! Umuulan ng pana! sarkastik na pagkakasabi ko sa isip ko.
"Ano ba naman! Akala ko isang mabangis na hayop ang makakasagupa natin!" reklamo ni Zach habang hawak ang espada nitong iwinawasiwas para hindi siya matamaan ng pana.
"Kailangan natin silang lapitan para matapos na ito." saad ni kuya Arteixec habang tumatakbo napatingin ako sa iba na iniiwasan rin.
"Hindi kayo maubos-ubos!" sigaw ni Garry.
"Kailangan natin puntahan ang dulo ng gubat!" ani ko, at mabilis na tumakbo.
"Zia!" narinig ko sigaw nila at narinig ko naman ang yapak nila, nagmakalagpas sa mga pana ay napatigil kami.
Wala na ang pagatake.
"Bigla-bigla ka na lang tumatakbo, paano kung may mas malalang patibong dito." si kuya Arteixec.
"Nakita mo na naman na wala na ang pagatake." saad ko naman.
"Tsk."
"Puro ka na lang tsk. Tsk. Yung ata ang paborito mong line."
"Hoy 'yan na naman kayo. Zia, nagalala lang kami sayo lalo na si pinuno." si Zach na ibinalik ang espada sa gilid.
"Saan na tayo?" si Aly na patingin-tingin sa paligid.
"Sa gubat." Louie said, then rolled her eyes.
Masama naman tumingin si Aly kay Louie.
"Yah. Gubat. Ang galing mo talaga kahit kailan." panunuyang sabi ni Aly kay Louie.
Nagkibit-balikat lang si Louie at napatingin sa paligid.
"Nandito lang sila." sabi ni kuya Arteixec at naging alerto.
Naalerto na rin kami, naglakad ako kung saan malapit sa madahong paligid, at katabi ko ang katawan ng puno.
Sa paghakbang ko ng biglang may baging na pumulupot sa dalawang paa ko. Napatili ako at umangat na nakabalitad at nakabitin ako patiwarik. Argh!
"Zia!" sigaw nila at lumapit sa akin pero may isang net na bumulusok sa kanila kaya napaupo sila sa lapag sinusubukang tumakas mula sa pagkakatrap.
"Damn!"
"Anak ng!"
"Mapapatay ko talaga ang gumawa nito!"
Rinig ko ang sigawan nila sa ibaba at ako naman inangat ang katawan ko para matanggal ang nakapulupot sa paa ko.
Nakita ko naman na may lumabas sa pagkakatago ang mga nilalang na hinahanap namin. Dito lang namin pala sila makikita.
Isang Orge na mababangis na nilalang, hangad nila ang mangulo kung saan may makukuha silang mga taong kakakainin nila na dinadala kung saan ang kanilang pinuno at kanilang teritoryo.
Malalaki ang mga katawan nito kumpara sa amin, kakaiba rin ang kanilang hitsura, may malalaking pangil, may hitsura ng isang hayop may hawak na malaking pamalo, sa pagkakaalam ko ay nakikipaglaban 'din ang mga ito at kakaiba rin ang lengguwahe ng mga ito.
"Lagustra man men trado hovoi. (Mayroon na naman tayong nahuling kakainin.)" rinig kong sabi ng isang Orge at napatingin sa mga kasama ko. Nakikita ko naman ang mga Orge marami ang mga ito. Nasa dalawangpu sila kung titignan.
"Hoy! Pakawalan niyo ako dito!" napatingin naman sa akin ang iba at sinenyasan na tumungo sa akin.
"Iso magdan se babai bini. (Isang magandang babae.)" sabi ng isa, at tumingala sa akin.
BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...