ILANG minuto na lang ay mag-uumpisa na ang laban. Ito na huli na sana sa pagkakataong 'to ay mapagtagumpayan ko at matalo ang makakalaban ko dito na napakalawak na space kung saan maglalaban.
Inalala ko pa 'yung mga nangyari kanina na pinagpipilitan nila akong hindi na sumali sa kompetisyong 'to. Pero ito ako ngayon at napapilit sila.
Hindi ko hahayaan na dahil lang sa hindi pa ako tuluyang gumagaling ay aatras na ako.
Napalingon ako sa mga royal guards na hindi pinapahalatang tumitingin sa akin at sa hari na mukhang malalim ang iniisip.
Tumingin ang aking amang hari sa direksyon ko at agad akong umiwas ng tingin. Ayokong makita ang emosyon na lumalabas sa kaniyang mata. Batid kong alam niya kalagayan ko at desisyon ko na sumali. I don't want to ruined their plan, because I know they are doing this for my own good, at tanging magagawa ko lang ay tumulong at gawin ang dapat gawin.
Sometimes... I feel bad about myself, a useless princess, I think. I let my father king carrying all the responsibilities, and all the burden we had been cause to him when my true mother died, alam ko kung gaano kasakit mawalan ng taong minamahal at sa akin... ang pangungulila niya sa akin ang nagdadala sa kaniya sa matinding kalungkutan at parang kasalanan ko 'yun... at pakiramdam ko nagiging pabigat ako sa kanila, sa kaniya.
Simula ng tumapak ako rito ay sa kompetisyon ko lang siya unang nakita, at masaya ako na nakita ko na ang mukha ng tunay kong ama... nung unang niya kong makita, alam kong nagagalak siya at nangungulila pero 'yun ang hindi ko naramdaman dahil siguro may mga magulang akong nagpalaki sa akin sa mortal world.
Nang malaman ko na may karamdaman siyang hindi na napapagaling, ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na 'yun.
Nagsisisi ako dahil hindi ko inisip na may nag-hihintay sa akin at ang kagustuhan ko noon na pumunta ng mortal para makita sila mom at dad ay nagalit pa ako sa kanila. I know and I'm guilty, pero hindi naman nila ako masisi dahil hindi ako lumaki dito, at hindi ang totoo kong magulang ang kinalakihan ko.
Kung marami pang pagkakataon ay ibibigay ko sa aking ama ang pagmamahal ng isang anak, nang makaramdam ulit siya ng kasiyahan sa mga mata, at tuluyang maging masaya.
Pero sa pagkakataong 'to tila napakalayo niya. Iniisip ko na narito lang ako sa palasyo, nasa iisang lugar lang kami pero tatlong beses ko pa lang siya nakikita, ang layo ng agwat naming dalawa.
Kapag nanalo ako sa kompestisyon 'to. 'Dun ko na siya tuluyang makikita at makakausap o makakasama ng ilang sandali at sa pagkakataon na 'yun ibibigay ko ang alam kong matagal niya ng hinintay... ang pagmamahal. Kahit sa sandaling 'yon habang narito pa siya ay ibibigay ko na ang lahat, dahil ayokong mawalan at pagsisihan kung ano pa mang mangyayari, dahil katulad ng tunay kong ina ay hindi ko na ito mayayakap o maririnig ang boses niya kailanman.
Sapat na ang isa... at habang narito pa ay nararapat lang na pahalagahan ang bawat sandali na meron siya at 'yun ang gagawin ko.
Wait for me, father. I will do everything to win this battle... I will make you proud.
Nagsimula na ang pagpapatunog ng trumpeta, nagsisimula na. Napatingin ako kay kuya Arteixec na nakatingin din sa akin at napatingin sa hari, tumango lang ang hari sa kaniya at nabaling ang dalawa sa aking atensiyon.
Alam kong tutulungan nila ako pero hindi ko hahayaan na may dayaan na mangyayari dahil 'yun ang pinakaayaw ko sa lahat, patas ako lalaban kung magkagipitan man ay nariyan sila para lakasan ang loob ko.
Sana lang ay magamit ko ng maayos ang pinahiram na akin na kapangyarihan... dahil kalahati lang ang pinahiram sa akin, kumpara sa mga makakalaban ko ay alam ko na ibibigay nila ang meron sila kaya naman alam kong mas malakas sila, pero hindi lang naman kapangyarihan ang laban 'dito, kundi kung paano ka makaka-survive at matatalo ang kalaban mo.

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...