Lumipas ang dalawang araw halos hindi na ako natutuwa sa pinagagawa niya sa akin, basa dito, basa roon. Halos ipabasa niya sa akin ang limpak na mga libro, wala siyang ibang ginawa kundi bantayan ako baka daw tumakas ulit ako.
E, paano ba naman kasi nangangalay ako kakayuko kakabasa kaya umalis ako sa silid at pumunta sa kung saan may batis. Libro nga sa school hindi ko binabasa, eto pa kaya?
Sinunod niya ang sinabi ko na ipapasyal niya ako kaya medyo nakakabisado ko na mga lugar dito, pero ng siya na ang masusunod. The heck! Para akong bata na kailangan sundin ang magulang, halos hindi ako makagalaw dahil nakabuntot siya lagi sa ginagawa ko. Mas Malala pa 'yung mga pinapagawa niya kumpara sa akin.
Madaling araw na pero hindi pa ako tumatayo sa kama nanatili lang akong nakahiga.
Narinig kong may kumatok sa pinto kaya napapikit ako at nagtalukbong na kunwari ay tulog pa.
Naramdaman kong bumukas ang pinto at may taong papunta sa gawi ko, si Arteixec. Sino pa ba?
Mabilis niyang tinanggal ang nakatalukbong sa akin.
"Alam kong gising ka na kaya tumayo ka dyan." rinig kong sabi niya pero hindi ko pinansin nagkunwari pa akong tulog.
Naramdaman kong tinanggal niya ang unan na yakap ko. Shit! Gigisingin niya talaga ako?
Nagulat ako ng hilain niya ang binti ko at bumagsak sa lapag pero mahina lang. "The hell! Ano bang problema mo? Kita mong natutulog 'yung tao e!"
"Gising ka na. Tumayo ka na at magbihis, ako ang magiging guro mo ngayon." Napakunot ang noo ko bigla.
"Akala ko si Elise ang magtuturo sa akin?" tanong ko, napag-usapan naming kagabi na si Elise ang magtuturo sa akin kung paano gumamit ng espada.
"Hindi na ako pumayag. Nagbago ang isip ko." Napapanganga ako bigla.
"Ibang klase ka rin talaga... napag-usapan na natin kagabi na si Elise ang magtuturo sa akin. Ikaw pa mismo nagsabi sa akin si Elise ang magtuturo." Nakita kong napapikit ito at tumingin sa akin.
"So, you assumed that Elise will teach you? Bakit ba masyado mong pinapalaki ang usapan natin, pwede ka naman manahimik at sumunod na lang." sabi niya.
Tumayo ako, "Kasi ayokong ikaw ang magturo sa akin."
"She will be easy on you because you're a princess and a friend. Gusto mo ba 'yun? Nagmumukha kang mahina dahil wala ka pang kakayahan, dahil hindi ka niya kayang saktan."
"Fine. Tatahimik na." sabi ko at pumasok sa silid na puno ng mga damit, nagbihis at nag-ayos na rin ako.
Nandito na kami sa tagong lugar na sinasabi niya. Nakita kong may kinuha si Arteicex sa bulsa ng damit niya, isang bote na may laman likido na kulay puti.
"Para saan ang bagay na 'yan?"
"I thought you read a book." Napakagat ako sa labi ko, nung tumingin sa akin ay agad ako umiwas.
"Tsk."
"Hindi ako mahilig magbasa."
"Alam mong hindi dahilan 'yan. Isa kang prinsesa, at responsibilidad mo na malaman ang lahat ng tungkol sa Frantician City, sa mga heirrs, garghol, at iba't-bang uri ng nilalang na narito sa mundong 'to. Oras na makoronahan ka at maging isang reyna, higit pa sa responsibilidad ang kailangan mong gawin, alam mo rin dapat ang mga galaw ng mga kalaban, at sino ang tunay na kalaban. Maging matalino ka." Sabi niya at ibinuhos ang puting likido sa lapag.
Napabuntong-hinga na lang ako sa sinabi niya, tsaka ko lang narealize ang sinabi niya na tama siya isa akong prinsesa kailangan kong mangalagaan ang nasasakupan ko at maging responsible. Mali na nagrereklamo ako sa pinapagawa niya sa akin.

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...