Chapter 28

16 2 0
                                    

LUMIPAS na ang umaga ay narito kami sa gitna ng kagubatan ng barrio ng Balkina, matapos namin maligtas ang mga bata ay naidala na namin ito sa kanilang mga kasama sa bayan.

Napatay na rin ang pinuno ng mga Orge pero hindi pa ang mga kasama nito.

"Paano nakatakas ikaw bihag?!" sabi ng Orge kay kuya Arteixec, napapikit na lang ako dahil sa biglaan kong paghina.

"Pakawalan mo siya!" sigaw ni kuya Arteixec sa Orge.

Nagpalabas ng apoy si kuya Arteixec at hinagis ito sa Orge, tumilapon naman ang Orge dahil hindi ito naiwasan.

Brother Arteixec ran towards me, he take off the chain that hitched both my hands and down to my foot using his sword.

Nang makawala ako ay agaran niya akong sinuri.

"Are you okay? Wala bang masakit sayo?" tanong niya.

Umiling lang ako sa kaniya, "W... wala na."

"Mabuti naman." sabi niya at napatingin sa mga pasugod na Orge papalapit sa amin mabilis niya iwinasiwas ang espada niya.

Nagpalabas naman ako ng bow at arrow, wala ang sandata ko dahil kinuha ng mga Orge ang mga dala naming armas kanina.

Pinatamaan ang mga lalapit sa amin.

Napatingin ako sa kararating lang na kasama kong mga mandirigma na kasama na ang bata. Pinana ko ang isang Orge na palalapit sa kanila at natumba ito.

Napatingin sila sa akin, at ngumiti.

Nakipaglaban na rin sila sa mga Orge.

Si Elise at Herya naman ang nagsisilbing proteksiyon sa mga bata para hindi maatake ang mga ito.

Nakita ko naman si kuya Arteixec na nasaksak na ang pinuno ng Orge.

"Kailangan na natin umalis, nakuha na natin sila." sabi ni Elise, mabilis na niyang dinaluhan ang mga bata palabas.

"May mga nakabantay sa tarangkahan, kami ang mauuna ni kuya Arteixec, sumunod na lang kayo sa amin." sabi ko at napatingin kay kuya Arteixec na tumango lang at mabilis na tumakbo.

Sumunod na rin ako.

Nang makarating ay may mga kampana na tumunog kaya naging Alerto kami.

Pinana ko naman ang mga nasa taas na maliliit na Orge ang siyang gumagamit rin ng mga pana. Pinana ko pa ang ilan at nagsihulog ang mga ito.

"Malapit na tayo." sabi ko at pinauna sila Elise.

Hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas.

"Nagugutom na ako. Wala ba tayong makakain dito?" sabi ni Zach.

"Pumunta na tayo sa bayan at kumain. Gutom ka pa rin?" napairap na sabi ni Clownie.

Natawa na lang ang ilan sa inasal ni Zach, maliban sa akin at si kuya Arteixec.

"Kuya." tawag ko rito, he shook his head then glanced at me.

"What?"

"I just want say thank you." Una nagtataka pa siya, pero tumango lang siya saglit.

"Kahit sino naman gagawin 'yun. Responsibilidad ka namin kaya kailangan maging ligtas ka." Nakaiwas na tingin nito sa akin.

Tumango na lang ako, "Ganoon ba, pero 'diba responsibilidad ko rin kayo, kailangan palagi ka rin nag-iingat, kayo. Ayokong malagay ang buhay niyo sa alanganin para protektahan ako."

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon