"PLEASE, someone help me.”
Ilang sandali lang ay naramdaman kong wala mga magagaspang na kamay ang nakahawak sa braso ko, agad akong dumilat ng makarinig ako ng daing at sigaw. Napatingin ako sa mga ito na nakahandusay na. May mga hiwa ang mga ito sa ibat-ibang parte ng katawan.
My eyes became wide, when their body suddenly vanished.
Nakita ko ang iba na may inaatake, gamit ang espade nila. Isang makisig na lalake ang hinahabol ng mga ito, at nagagawa niyang iwasan ang mga atake gamit ang kaniya rin espada. Nanlaki ang mga mata kong may aatake sa kaniyang likuran.
“Sa likod mo!” sigaw ko, nakuha naman niya agad ang atensiyon ko, napatingin ito sa akin at mabilis na sinaksak ang kalaban. Bago pa man siya tamaan ng atake sa likuran ay umikot siya rito para makaiwas, hinawakan ang ulo nito at hiniwa niya ang leeg, bumagsak ito at nawala na ng parang bula.
Nanlaki ang mga mata kong ng may maramdaman ako matulis na bagay na nasa leeg ko, nanigas ako bigla. Nandito sa siya sa likuran ko habang hawak ako. Nakita ko naman ang lalaki na naningkit ang mga mata at 'di gumalaw sa kinatatayuan niya.
“Tingnan natin kung kaya mong iligtas ang babaeng ito.” sabi nito at diniinan ang espada sa leeg ko, napaungol ako bigla. Ramdam kong nagkaroon ng maliit na hiwa ang leeg ko. Napapikit ako dahil sa takot. Katapusan ko na.
“Do it. Kill her.” Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito, na may panghahamon.
Hindi niya ako ililigtas? Napalunok ako bigla, nang mas idiniin niya pa ang espada nito sa akin. Nakita ko naman ang akala kong magliligtas sa akin, na nakatayo lang walang balak na iligtas ako. Nanlumo ako at napapakit, ang lalaking ito ang unang makakasaksi ng kamatayan ko. Sana man lang nakapagpaalam ako kila mom at dad, nasabi ko man lang na mahal na mahal ko sila bago ako mawala sa mundong ito.
Ilang sandali ay wala na akong naramdaman na pagkakahawak sa akin, narinig kong bumagsak ang espada nito. Napatingin ako sa likuran na nakahadusay at katulad ng nangyari kanina nawala rin ito. Napatingin ako sa taong nagligtas sa akin inilagay niya ang espada niya sa lagayan nito nasa gilid ng bewang. Guminhawa ang nararamdaman ko ng wala na ang halimaw na nagtutok sa akin ng espada.
Napatingin ito sa akin at yumuko ito sandali akin na agad kong ipinagtaka. Nagsalita na ako, “Hayst. Buti naman wala na. Akala ko talaga hahayaan mo akong mapatay ng halimaw na iyon.” Sabi ko.
Hindi ito nagsalita, lumapit ako sa kaniya at ngumiti.
“Salamat sa pagligtas sa akin.” Sabi ko at inilahad ko ang kamay ko pero hindi niya ito tinanggap. Tinitigan niya lang ito at ilang sandali lang tumingin sa akin. Binawi ko naman ang kamay ko at bahagyang napatawa. Hindi ata uso sa kanila ang pakikipagkamay.
“Ah, ako nga pala si Zianna, ikaw, sino ka? At yung mga halimaw na nakaitim na nagtangkang kidnapin ako kanina, sino ang mga iyon? At anong kailangan nila?” Hindi ito nagsalita, mukhang walang interes na kausapin ako nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil tumalikod ito at naglakad, mukhang aalis na.
“T-teka! Sagutin mo muna yung tanong ko.” Hinawakan ko ang braso nito, napatingin ito sa akin, nanlaki ang mata nito pero agad din naniningkit. Napatigil ako bigla at binitawan siya.
“Sorry.” sabi ko.
Hinarap niya ako at nagsalita, “Sa ngayon, wala pa akong pwedeng sabihin sayo, kung ano man ang katanungan mo, malalaman mo rin iyon, malapit na.” nagtaka naman ako bigla, bakit hindi niya ba pwedeng sabihin iyon sa akin ngayon?
“Bakit?”
“Dahil wala ako sa posisyon na sabihin sayo ang nalalaman ko.” Sabi niya.
“P-pero---”

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...