Chapter 4

39 9 2
                                    

DALAWANG araw ng nakalipas matapos ang nangyari. Ipinaliwanag na akin ni mom ang lahat, habang lumilipas ang araw ay mas nagiging bukas ang isip ko, kung sino nga ba ako at kung ano tunay kong pagkatao, hindi ako makapaniwala na hindi ako ordinaryong tao, at anak ako ng isang hari. Tinanong ko rin sila kung paano ako napunta sa kanila, dati na silang tagasunod ng hari, nasaksihan nila ang pagbubuntis ng reyna at namatay ito ng dahil sa karamdaman, halos hindi na nagsasalita ang hari sa nangyaring 'yon napabayaan niya ang kaniyang sarili at napabayaan na ang sanggol at nasasakupan. Kaya sila nag-alaga sa akin habang hindi pa bumalik sa katinuan ang ama kong hari. Dito na nagkaroon ng pag-aaklas ang Garghol, ang matinding kalaban ng Heirrs na umatake dahil nalaman nila ang nangyari sa hari, nagkaroon ng biglaang digmaan. Natauhan naman ang hari dahil nanaginip daw ito na kausap ang aking ina, at binigyan ng babala. Kaya naging handa 'rin ito, natalo ang Garghol sa digmaan ngunit nabigong patayin ng hari si Reia, kusa nalang siyang naglaho at hindi na nakita. Inatasan ng hari na alagaan at palakihin ako sa mundo ng mortal kung saan ako lumaki, dahil maraming may gustong umangkin ng kapangyarihan at trono, dahil maaaring maraming magtaksil sa kaniya.

Hindi ko maiwasan ang kabahan, once na mapunta ba ako dun ano kaya mangyayari, napabuntong-hinga ako.

Nandito ako ngayon sa cafeteria, nakalugmok ang mukha ko sa mesa, nagdesisyon akong pumasok kahit na sinabi nila mom na wag ng pumasok dahil hindi naman na daw ako mag-aaral dito.

Pinilit kong pumasok dahil ayoko rin naman nakatambay sa bahay, tinatamad din akong magshopping dahil wala rin naman akong kasama, wala si Kyla. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita simula nung nag-usap kami, sinubukan kong tawagan ang number niya pero hindi niya sinasagot, laging busy.

Hindi ko maiwasan mag-alala, baka kung napano na o may may nangyari ba sa kaniya. Pinuntahan ko na rin siya sa tinitirhan niyang renta, pero wala rin siya. nagtanong na rin ako sa mga nandon hindi daw nila alam kung nasaan siya.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa, umayos ako ng upo at nag try ulit na subukan tawagan si Kyla, pero busy pa rin yung line. Ibinaba ko 'yung phone ko sa mesa. Naramdaman ko na lang na may umupo sa harap ko.

“Can I Sit here?” base sa boses niya familiar sa akin, si Ronald. Nakita kong may dala itong pagkain.

“Nakaupo kana.” Sabi ko.

“Ang sungit mo naman.” Natatawa niyang sabi.

Napaangat ako ng tingin kaniya. Nakaramdaman ako ng pagkairita, nabwibwisit talaga ako kapag nakikita ko ang lalaking 'to.

“Ano kailangan mo?” nakataas kilay kong tanong.

“Kailangan agad? Hindi ba pwedeng umupo lang at kumain?” sabi niya at kinain 'yung burger at uminom ng softdrink. Tumingin sa akin na naka playful smile.

“Tsk.”

“Bakit hindi ka pa kumakain? Ilang minuto na lang mag-start na naman 'yung klase” sabi niya.

“Ano bang pakealam mo?” pagtataray ko.

“You don't have money? Bibilhan kita, di mo na ako kailangan bayaran, basta ikaw.” sabi niya sabay kindat.

Napapikit na lang ako sa inasal nito, “Pwede ba? Tigilan mo ako. Hanggang kailan ka pa ba titigil?” sabi ko habang magkasalubong ang kilay ko.

“Hanggang maging tayo.” Sabi niya at ngumiti.

“Manigas ka.” May diin na sabi ko at tumayo na.

Maglalakad na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Dahil sa ingay ng pag-usog ng upuan ni Ronald. Napatingin 'yung mga tao dito sa cafeteria.

“Ano bang problema mo?” sabi ko at piniglas ang kamay ko para mabitawan niya.

“I like you.”

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon