ABALA ang lahat ng mga mamamayan ng Heirrs dahil sa mga pag-atake ng mga nakaraang linggo, at nagtuloy-tuloy pa ito. Lumipas pa ang tatlong linggo.
Nag-utos na ang hari na hanapin ang mga kuta ng Garghol kung saan ang mga ito namamalagi at nagtatago, nagpadala ng mga kawal sa iba't-ibang bansa ng Fantrician City.
At ang ilang mga opisyal ay nagpapatuloy ng mga balita ukol sa kasalukuyang nangyayari, at ipinapadala ito sa palasyo.
Bantay sarado ang lahat, palabas at papasok ng Fantrician City. Nalaman ng iba't-ibang kontinente ang nagaganap ngayon sa Fantrician City, at ang mga kaguluhan na nangyayari.
Kaya mabilis na agad sila gumawa ng mga aksiyon para mabantayan ang kanilang nasasakupan, dahil wala silang balak na ipahamak ang kanilang mga mamamayan.
Ngayon, ang magandang mga syudad at parang nawalan na ng buhay, at nawalan na ng kabuhayan ang iba sa mga mamamayan. Walang natutuwa sa nangyayari, puro hikbi, sigawan, ang naririnig sa iba't-ibang mamamayan dahil sa mga maraming nasawi.
Maliban sa taong sumira ng lahat, marahang 'tong tumawa habang nakikita niya ang mga taong wala ng mga pag-asa.
Dala ang kaniyang mga alagad ay mabilis silang nagpunta kung saan mismo sila nagtatago. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nahahanap.
"Mga inutil!" Napailing ito at napangisi.
"Mahal na prinsipe, ano na ang susunod nating gagawin, hindi ba dapat, binabawi na natin ang ating tirahan." saad ng kaniyang alagad.
"Ito na itirahan natin," ngumisi ito at tumingin sa mga alagad. "Babawiin natin ito sa kanila. Tatawagin 'din natin tong Night Kingdom, ay... hindi. Ang buong Ethereal ay gagawin nating Night Kingdom." saad niya at marahang tumawa at ngumisi.
Natuwa naman ang kaniyang mga alagad.
Nakarating siya sa kuta, nakangiting hinarap ang kaniyang ina at ama.
"Nagawa ko na, ina. Magsabi lang kayo sa akin at gagawin ko."
"Magaling! Aming anak, hindi mo kami binigo."
Ngumisi lang ito. Handa siyang magsunod-sunuran para makamit ang mga mithiin ng kaniyang magulang, kahit pa ang pumatay ay gagawin niya, para lang sa kanila.
At walang makapigil sa kaniya, kahit na sino pa.
"Gagawin ko alam para matuwa kayo sa akin."
"Mabuti kong ganoon, maari ka ng mag-aliw-aliw sa siyudad."
Napangisi na lang habang tinatahak ang mga daan, na halos wala ng masyadong mga Heirrs, noon ay dito dinadagsa ang mga pagdiriwang na gustong-gusto niya noon.
Hindi siya kapansin-pansin sa mga kawal na naglilibot dahil may ilan-ilan 'din dito na kasabayan niya at ang kaniyang pananamit ay napakasimple lang.
Mula sa hindi kalayuan ay nakita niya ang mga kasuotan na pangmaharlika, sinubukan niyang bilangin ang bilang nila, nasa labing isa, at namataan niya ang pamilyar na babae, napangisi siya, si Erlina na ngayon ay kasapi ng mandirigma.
"Tignan mo nga naman, at napakadali lang sa kaniya ang makapasok." Napangisi ito, at naglakad na, papunta siya sa isang creek na kung saan ay maraming magagandang bato sa ilalim na paborito niyang puntahan noon.
Ilang taon na 'rin na hindi niya ito napuntahan at ngayon ay babalik siya, hindi na niya nais balikan ang mga bagay na kung sino siya noon, dahil ngayon ay iba na siya.
I changed now.
Matapos ng ilang metrong paglalakad ay napadpad na siya sa nais niyang puntahan. Tinignan niya ito mula sa malayo at napansing niyang may babaeng nakatalikod at tinignan ang ang kagandahan ng creek.
BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...