Chapter 3

44 9 2
                                    

MABILIS akong bumaba ng hagdan dahil male-late na ako, inayos ko ang long sleeve ko dahil nakatupi ito at inayos ko na rin ang neck tie ko, habang pababa ay narinig at nakita kong umiiyak si mom, hinahagod naman ni dad yung likod niya.

“Mom? Why are you crying?” sabi ko ng may pag-aalala.

Agad naman niyang pinahid ang luha niya ng makita ako, at ngumiti. Tumayo siya sa kaniyang upuan, umiling ito. “Wala ito anak.” Sabi ni mom at tumingin ito kay dad.

Lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kamay ni mom.

“May problema po ba? Mom, bakit ka umiiyak? May nangyari po ba?” tanong ko, tumingin ako kay dad, “Dad, ano po nangyari?” tanong ko pa.

Parehas silang umiling, nagsalubong naman ang kilay ko, “Bakit ayaw niyong sabihin sa akin?” nagtataka kong tanong.

“May tinatago ba kayo akin, ha?” sabat ko.

Ilang segundo silang hindi nagsalita, at nagtinginan, tuluyang ng humikbi si mom, hinagod ko naman agad ang likuran niya at niyakap siya.

“Hindi ko kaya, hindi ko kaya, ayoko mawala ka sa amin, Zia, anak ko.” Sabi ni mom, at humikbi. Hinagod ko naman ng hinagod yung likod niya.

Anong mawawala? Napatingin ako kay dad na malungkot 'din ito, parang maiiyak na rin siya. Kinalas ko ang pagkakayakap ko kay mom at hinarap siya, napuno naman ako ng pag-tataka.

“Ano bang sinasabi niyo? Anong mawawala? Mom, hindi ako mawawala, okay. Andito lang ako.” Sabi ko at pinupunasan ang luha ni mom.

Napaiwas ako ng tingin at tuluyang bumigay ang luha kong kusang tumulo, napakagat labi naman ako, napatingin sa kanila, “Hindi ko kayo maintindihan, mom, dad. Anong ibig niyong sabihin? Please, sabihin niyo naman sa akin, kasi pakiramdam ko, ako lang iyong walang kaalam-alam sa mga nangyayari.” Sabi ko at umiyak.

“Zia, kailangan mong sumama sa kanila.” Sabi ni dad.

“A-ano? Kailangan sumama? Ipapamimigay niyo ba ako? Sabihin niyo akin kung anong dahilan, hindi niyo na ba ako mahal, mom? Dad? Sabihin niyo naman, oh. Ayaw niyo na ba akong kasama? Hindi ako sasama dito lang ako sa inyo! Mom, dad. Huwag niyo naman akong paalisin, o ipamigay.” Sabi ko, habang bumubuhos ang luha ko.

Umiling ang mga ito, “Para ito sa kaligtasan ng lahat, Zia. Kailangan mong umalis.” Saad ni dad at umiyak na rin.

“H-hindi, hindi ako aalis. Bakit kailangan niyong gawin sa akin 'to?” tanong ko.

Hindi na sila nagsalita, tanging hikbi ko nalang ang naririnig ko sa bahay.

“Zia, kahit sa ayaw o gustuhin man namin, hindi pwede. Kailangan ka naming ibalik. Kailangan mong sumama sa kanila.” Sabi ni dad.

“Dad, sino ba kasi sila? Ni hindi ko matandaan na may kakilala tayo e, tapos ibibigay niyo ako basta-basta. Alam kong hindi niyo ako tunay na anak, pero bakit? Kilala niyo na ba ng tunay kong mga magulang, tinakot ba nila kayo? Mom? Dad? Kung ginawa nila 'yon, hindi ako sasama sa kanila.” Sabat ko at pinunasan ang luha ko sa pisngi.

Umiling lang sila.

“Sorry, Zia. Kailangan naming 'to gawin. Balang araw maintindihan mo rin.” Saad ni mom tumigil na ito sa pag-iyak, pero malungkot pa rin ang mga mata.

Hinagod ko ang ulo ko, napapikit. Unti-unti kong pinoproseso sa utak ko ang mga sinabi nila, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng biglang may lumitaw na ilaw na hugis bilog, bagay na alam kong ipapasok ako ng mga nagtangkang kunin ako.

Gulat akong napatingin kila mom at dad. Nakita kong may lumabas na tatlong lalaki at dalawang magandang babae. Kakaiba 'rin ang kasuotan ng mga ito, ito 'yung nakita ko rin sa lalaking nagligtas sa akin. Mahaba, at makapal na parang init na init ang mga ito, may ilan ding parang pang matandang desenyo, na pa bang nanggaling sila noong panahon ng mga lolo't lola ko.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon