Chapter 24

19 2 2
                                    

Nalaman ng hari ang nangyari sa pagkawala ating prinsesa kaya naman agaran siyang nag-utos na ipahanap ito.

Dumating ang umaga ay mabilis na naghanda ang mga ilang mandirigma na ngayon nasa isang malawak na kagubatan sa labas ng siyudad.

Nilibot na nila ang ibang bayan pero nabigo sila, sa paglalakad ay nakaramdam sila ng paparating na isang matutulis na bumulusok papunta sa kanila.

Agad naman silang napaiwas ng at naglabas ng kani-kanilang sandala para maitaboy ang matutulis sinulid.

Mabilis naman lumabas ang tatlong babae na humarap sa kanila at naghanda ng mga atake.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo?" tanong ni Elise sa mga ito.

Ngumisi naman ang tatlo at mabilis na sumugod sa kanila. Si Elise, Arteixec at Cervan nagprisinta na labanan ang mga bigla naman umatake sa kanila.

"Garghol." sabi ni Clownie.

Habang ang pito naman ay nanonood lang sa laban ng mga ito.

Lingid sa kaalaman nila ay isa itong Garghol na hinahanap ang kanilang prinsipe at madala ang prinsesa sa kanilang reyna.

Sa gabi ay nagbabago ang kanilang hitsurang nagiging halimaw pero naruon pa rin ang kakayahan dahil ang wangis lang ang nababago.

Gayundin ang kanilang prinsipe na kalahati lamang ng mukha nito ang nagiging halimaw.

Mabilis at malakas ang mga atake na binibitawan ng mga ito, pero ramdam sa kanilang kalaban na nahihirapan sila.

Nagpalabas ng isa ng itim na apoy, habang ang isa ay lilang usok, at ang huli ay nagpalabas ng kaniyang mga armas na mabilis na pinatama sa kanila na naiwasan ni Arteixec, Cervan at Elise.

Nainip naman ang pito at sumugod na sa tatlo, nagulat naman ang mga ito ng umatake ay bigla silang umatras.

They looked at each other again, and one muttered in the middle, "Are you looking for your princess?"

Natigilan naman ang mga sila at tinignan ang tatlo ng masama.

"Nasaan siya? Saan niyo siya dinala?!" nangangalit na saad si Elise.

"Anong ginawa niyo sa kaniya?" si Arteixec.

"Just try to do something that hurt to our princess. We will kill you all of you." Garry said and was about to attack but Herya stopped him.

"The truth is, we haven't done anything yet." Napayukom naman sila ng kamao.

Naalerto sila ng akala'y aatake ang tatlo ngunit bigla na lang sila nagpasabog at lumabas ang usok. Bigla na lamang nawala.

Garghol quickly ran away from the warrior of the Heirrs because they knew they would not win against with them.

And all they have to do is to find the prince and brought the princess to their queen.

"Tumakas sila! Alam kong hindi pa sila nakakalayo. Kailangan natin malaman kung saan nila dinala ang prinsesa." saad ni Arteixec na kanina pang nagtitimpi.

"Pero wala na sila." sabi naman ni Zach. Mabilis na lumapit kay Clownie.

"Hindi pa nga nakakalayo 'diba kaya kailangan natin silang maabutan. Tara na!" Mabilis naman umalis si Elise palayo at sumunod na rin ang iba.

===========

Nagising na lamang si Zia sa isang kweba at nagtataka kung paano siya napunta sa kinaroroonan niya.

Napatingin siya sa kaniyang sarili na wala ng mga bahid ng sugat. Inalala niya ang nangyari ng may mga Garghol siyang nakalaban, at ang hindi natuluyang pagsaksak sa kaniya.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon