NAPASIMANGOT akong humarap kay kuya Arteixec na nakaupo sa isang silya at napabuntong-hininga sa harap ko at si Elise naman ay nakasandal sa may gilid ng pinto.
Nakaupo naman ako sa may kama habang hawak ang kanang kamay ko sa tagiliran kong sinaksak ng kalaban ko kanina.
Hindi ko alam na may nakatago palang kutsilyo ang nakalaban ko at agad ako sinaksak. Oo nga't nanalo ako pero ito ang kinahantungan ko.
Mabuti at nakapagpahinga rin ang katawan ko dahil dalawang oras daw akong nakaratay dito sa kama ng pagamutan sa palasyo.
Inalala ko ulit ko ulit ang nangyari kanina at napangit-ngit sa inis.
Malakas na pwersa na pinagsusuntok ko ang kalaban ko na kanina pa nanghihina.
Nang makatayo na kasi ako na akala ko ay matatalo na ako, pero nang malala ko ang sinabi sa akin ni kuya Arteixec ay nagkaroon ako ng kumpiyansa at lakas loob na matatalo ang kalaban ko.
Iyon na ang dahilan para hindi na mabasa ng kalaban ko ang mga galaw ko at 'dun ko na ito napatamaan at hindi na naiiwasan ang mga atake ko.
Nang siya naman ang umaatake at mabilis ko na rin itong naiiwasan. Nababasa ko na ang bawat galaw niya.
Sa kasalukuyan ay walang tigil ko na itong pinagsusuntok at pinagsisipa hanggang sa tuluyan na siyang 'di makalaban.
Hindi ko siya tinuluyan dahil baka makapatay ako.
Tumayo siya malapit sa paghuhulugan, isang tira paniguradong mahuhulog na siya.
Mabilis ako tumakbo at sinipa ang paa niya dahilan para tuluyan na siyang mahulog.
"Ang panalo. Zianna Lukki." Napangiti naman ako ng marinig ko ang pangalan ko.
"Ano pa bang aasahan sa isang Lukki? Paniguradong mapapasama siya magiging mandirigma."
"Kapatid talaga siya ng pinuno, isang Lukki."
"Magaling siya... akala ko matatalo na siya ng mayabang na 'yon."
Sunod-sunod naman ang narinig ko at napatingin kay kuya Arteixec dahil ibat-ibang papuri na na naririnig ko.
Mukhang ganon ka sikat ang apelyido niya? Kung alam lang nila na hindi ko siya totoong kapatid.
Pababa sa sana ako ng entablado ng may sumigaw sa likuran ko.
"Hindi! Hindi ako matatalo ng isang babae. Babae lang siya, mahina!"
Napatingin ako sa likuran at humarap sa kaniya na gulat-gulat dahil mabilis siyang nakapunta sa harap ko.
Hindi ko napansin na may dala pala tong kutsilyo at nasasaksak na ang tagiliran ko.
Napaawang bibig naman ako ng hugutin niya 'yung patalim at napalayo sa kaniya habang hawak ang tagiliran ko umagos 'yung dugo.
Nakita ko naman sa may gilid ko na napatayo ang hari.
Akmang sasaksakin niya ulit ako ay nahawakan ko na siya sa braso at pinilipit sa likod.
"Walang hiya ka!" sigaw ko.
Napasigaw naman siya sa sakit at sinipa siya at isang pukpok sa batok ay nawalan na siya ng malay.
Napahawak ako ulit sa tagiliran at napaluhod.
Napansin ko naman na hindi sila umawat kanina.
What the hell?! Alam nilang susugod na 'yung bwiset na lalaking 'yun. Hinayaan lang nila.

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...