Chapter 5

33 10 2
                                    

“ANONG sabi niyo!?” Isang sigaw mula sa babaeng hindi katandaan ang itsura, nanlilisik ang mga mata nito, nakangit-ngit, halos lumabas na ang ugat nito sa pagsigaw.

Natakot naman ng ilan at yumuko na lang, tiyak na hindi niya ito bubuhayin.

“Mahal na reyna, bigyan mo pa kami ng panahon para mahanap siya.” Sabi ng isa sa mga taga-sunod, takot na takot ito.

“Hindi na ako makapaghintay! Ang sabi ko dalhin niyo sa akin! Pero wala! Wala kayong nadala sa akin.” Sigaw ng babae, tumayo ito at lumapit sa takot na takot, napapikit namana ng mga ito.

“Hindi kasi ganon kadali ang pinapahanap niyo, mahirap siyang hanapin sa mundo ng mga mortal.” Sabi pa ng isa.

Pinaningkitan ng babae ang nagsalita, “Ang ayoko sa lahat, ang nagrereklamo sa mga utos ko. Pumalpak na ang isa, at ngayon palpak 'din. Mga wala kayong kwenta! Bumalik ulit kayo, at hanapin ang prinsesa, huwag na huwag kayong babalik hangga't hindi niyo siya nakukuha.” Sabi nito, at bumalik sa pagkakaupo.

“Masusunod po.” Tumayo na ang mga ito at umalis.

Nakayukom ang kamao nito, galit na galit dahil sa kagustuhan niyang makuha ang prinsesa at mapatay ito, pagkatapos nun ang hari naman ang isusunod niya, hindi niya nakakalimutan ang ginawa sa kaniya ng hari, ang pagkaubos ng garghol at kamuntikan siyang mapatay, ngayon na may kakayahan na ulit siya at bumalik na ang kaniyang lakas, makakapaghiganti na ito. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap ang prinsesa

“Saan mo siya dinala?” bulong nito, naisip niya ang hari kung saan nito dinala ang anak nito.

“Tila yata mainit ang ulo mo.” Narinig niya ang boses ng kaniyang asawa, nakakarating lang mula sa pagsasanay, nakangisi ito sa kaniya at lumapit.

“Kailangan mawala ang prinsesa.”

“Bakit hindi mo na lang hinatayin na sila ang maglabas sa prinsesa.” Sabi ng asawa.

Nagsalubong naman ang kilay ng babae, “Anong ibig mong sabihin?” tanong nito, hinihintay ang isasagot sa kaniya ng asawa.

“May sakit ang hari, kailangan nila ng taga-pagmana. Naisip ko na kaya itinago ang anak niya sa mundo ng mga mortal, para mapangalagaan ito. at kapag dumating araw na siya ang tatanghaling reyna.” Saad ng asawa.

Naisip naman niya na tama ang asawa, na maaring dinala sa mundo ng mga mortal ang anak nito ay para maprotektahan, hindi niya ito naisip noon pa dahil nabubulag na ito sa pagpatay sa anak ng hari, napangiti siya, nakakuha ulit siya ng panibagong plano.

“Kung ganon nga, kailangan kong gumawa ng panibagong paraan para mahulog sila bitag natin.” Sabi nito at tumawa. Tumango naman ang asawa, “At sa atin ang magiging tagumpay.”

Hindi nila alam na nakikinig ang anak nila, palihim niyang pinakikinggan ang kaniyang ina't ama. Natutuwa siya sa binabalak ng kaniyang mga magulang, nakangisi ito, dahil sa kagustuhan din niyang mawala ang mga kalaban nila at makuha ang kapangyarihan na dapat na sa kaniya lang.

Matapos niyang marinig ang usapan, ay nagpunta siya sa may kakahuyan, nilibang niya ang kaniyang sarili dahil sa pagkabagot, pagkatapos ay pumunta siya sa siyudad kung saan naroon ang nagraramihang mga paninda, at mga mamimili, inikot niya ang mga tingin sa mga ito.

“Gusto mo bang bumili?” Napatingin siya sa nag-alok sa kaniya, tinignan niya ang nasa kamay ng batang babae na bigla nalang sumulpot sa harap niya. Isang Kristal na kulay pula, pero hugis patatsulok.

Naningkit ang mga mata nito, at naglakad na. Hindi niya pinansin ang babae, nagulat na lang siya na sinusundan siya nito. Naroon ang bata sa likod niya nakangiti.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon