Chapter 25

20 2 1
                                    

"Nakita niyo na ba ang aking anak?" tanong ni Reia sa inutusan niyang hanapin ang kaniyang anak na sumuway sa kaniya.

May hawak siyang goblets na naglalaman ng alam alak at inikot-ikot ito.

"H... hindi pa po."

Lalong umasim ang mukha ng reynang nakatingin sa kanila, kumunot-noo at nagtangis ang bagang.

"Hanapin niyo siya at ibigay sa aking ang prinsesa! Siya na lang ang huling pag-asa natin dahil ang mga kakampi natin sa palasyo ay nahuli na!"

"Pero mahal na reyna. Kusa naman po uuwi ang prinsipe, tsaka baka pinatay na niya ang prinsesa."

Nanlilisik ang mata nitong tinignan ang mandirigma, lumapit siya sa nagsalita at mabilis na sinakal ito.

"Hindi niya pinatay ang babaeng 'yon. Baka may namamagitan sa kanilang dalawa kaya niya inilayo ang babaeng 'yon!" Mabilis naman niyang binitawan ang sakal-sakal niya at napatungo ito.

Naghabol naman ng hininga ang mandirigma.

"Kilala ko ang aming anak, hindi-hindi 'yun susuway kung walang malalim na dahilan. Ngayon niya lang ito ginagawa kaya nasisigurado kong dahil 'yun sa prinsesa." May diin na sabi ng reyna.

"Kung ganoon ay umiibig siya sa isang kaaway? At hindi ba ay ipinagbabawal na umibig sa ibang lahi?" tanong ng isang madirigma.

Natahimik naman ang reyna at napayukom ang kamao. Hindi maari! Narinig niya ang sinabi ng mandirigma, hindi. Hindi mali ang umibig sa lalo pa't naranasan niya ito sa tunay na ama ng kaniyang anak na isang Firro na mula sa Redland Kingdom.

Lalo pa't alam ng kaniyang anak na maaring umibig ang magkaibang lahi kaya maaring umibig siya lalo na sa isang kaaway.

Hindi ko hahayaan 'yon.

"Ipagpaliban niyo muna marami pang ibang pagkakataon para mahuli ang prinsesa. Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ay ang aming anak. Makakaalis na kayo."

=========

Matapos ng nilang kumain at nagtungo sila palaruan kung saan ang maraming papremyo napagdesisyon nilang maglaro dahil gusto ni Zia na makuha ang premyo.

Ilang minuto ay hindi niya pa napipilit si Vain na sumangayon.

"Sige na naman, Vain. Pumayag kana. Alam kong matutuwa ka 'ron."

"No."

"Please... naman gusto kong makuha ang premyo 'dun para ibigay sayo."

Natigilan naman si Vain at tumingin kay Zia.

"Ibigay sa akin? I said no." napailing na sabi ni Vain kay Zia. Habang si Levi naman ay patingin-tingin sa dalawa at nagtataka sa ikinikilos ng prinsipe. Umiibig ba ang prinsipe sa prinsesang 'to? hindi maari.

Ngayon niya lang nakita ang kakaibang kilos ng prinsipe, hindi nito gusto na may pumipilit sa kaniya pero ang prinsesang nasa harapan niyang ay napapayag ang prinsipe.

Kung pipilitin man niya ay sasaktan niya ito, masyado ring mainitin ang ulo nito, walang pakealam sa iba, pero ang prinsipeng kasama niya ngayon ay kakaiba, malayo sa ikinikilos niya pagdating sa kaniya at sa magulang nito.

Hindi siya makapaniwala at napangiti na lang dahil kahit papaano ay naipapakita na nito kung sino siya, ang tunay na pagkatao ng prinsipe.

Kung alam niya lang na ang isang kaaway pala ang makakapagpabago sa kaniya ay sana noon pa, dahil ngayon ang laman ng puso at utak ng prinsipe ay ang paghihiganti.

Oo. Isa siyang Garghol pero hindi pa rin maitatangi na naging mabuti ang mga Heirrs, at may galit dahil kasama sila sa mga isumpa at hindi nila ginusto kailanman at wala na rin ang kanilang tirahan.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon