DALAWANG linggo na ay hindi pa rin nagigising ang prinsesa sa pagkakatulog, simula ng malason siya ay mas lumala ang kalagayan niya at nagpadagdag pa dun ang marami niyang sugat.
Ang mga nanalo sa kompetisyon ay tuluyan ng naging isang mandirigma, habang ang prinsesa naman ay hindi pa nababasbasan kaya naman hindi pa 'to tuluyang nakapasok.
Arteixec went to the throne room, kailangan niyang ibalita ang nangyari sa labas at iba pang mga bansa sa Frantician Kingdom City.
At mas lalo pang malalala rito ay nasa paligid lang ng nila ang traydor, at isa sa mga suspicious sa kanila ay ang kakapasok lang na bagong taga-ulat na ngayon ay isa ng mandirigma, si Erlina.
Dahil sa imbestigasyon ay nalaman na lang nila na nakatulog ang lahat ng kawal ng gabi kung saan unang na tagpuan si Zia.
At nagkataon na nabanggit ni Zia ang lalaking nakita nito sa Mindchasing maze, kaya naman nakakapagtaka na nandoon din si Erlina ng gabing 'yon.
At tungkol sa hindi kilalang lalaki at alam ni Arteixec na ang lalaking 'yun ang nakalaban niya sa may puno ng pandepensa kaya naman palaisipan sa kaniya kung anong ginagawa ng lalaking 'yon sa palasyo at pakiramdam niya na may tumulong sa lalaking 'yon na makapasok, kaya naman isa lang nasa isip niya. si Erlina.
Napayukom siya ng kamao ng maisip niya ang traydor sa palasyo, alam niyang mali ang mangbintang pero patuloy pa rin ang pagbabantay nila ng palihim ng ibang mga royal guard kay Erlina.
Para matunayan na traydor ito.
Malugod siyang yumuko, bilang paggalang ng makita ang hari na tulala, tila hindi naramdaman ang presensiya nito.
"Mahal na hari." Napakurap ang hari at napatingin kay Arteixec na parang nagulat.
"Pinunong Arteixec, nalaman mo na ba ang mga pag-atake?" biglaang tanong ng hari, kita rito ang matinding pagod.
He breath heavily, "Ayon sa mga royal imbestigator, ang mga kaguluhan at mga pag-atake ay galing mga garghol dahil may mga simbolo na patunay na sila ang mga kagagawan ng kaguluhan. At galit sa inyo ang mga ibang mga mamamayan dahil sa pag-aakalang walang aksyon tayong ginagawa. At ang mga namatayan na mga pamilya sa inyo sinisisi." he said.
Nakita niyang napayukom ang kamao ng hari at tumingin sa kaniya, "Talagang nag-uumpisa na sila. Sabihin mo sa mga mamamayan ng heirrs ay humingi ako ng paumanhin sa mga nangyayari. Ipinapangako ko na maayos muli ang kaguluhang ito." saad niya at napapikit.
Hindi gusto ng hari na mangyayari, ulit ang digmaan, pero 'yun lang 'din ang paraan para matapos ang kasamaan ay hindi na siya mag-dadalawang isip na ituloy 'to.
At ngayon, ang karamihan sa mga mamamayan ng heirrs ay galit at sinisisi siya sa mga nangyayari, hindi ba dapat hindi siya ang sinisisi sa mga kaguluhan ito, matagal na panahon niyang pinamunuan ang buong Fantrician City at naging tahimik 'to dahil sa pamumuno niya, pero ngayon may kaguluhan na naman ang nangyayari.
"Ano pong gagawin natin kay Erlina, kamahalan?" tanong ni Arteixec.
Napapikit lang ang hari, "Alamin niyo muna kung siya talaga ang traydor o may ilan pa dito sa loob ng palasyo. At gusto kong imbestigahan niyo rin si ginoong Kimsoo dahil siya ang nagpasok sa babaeng 'yan." may diin na sabi ng sa hari na tila nagtitimpi.
Tama lang na wala siyang ibang pinagsabihan pa patungkol sa anak niya, dahil marami ngang traydor dito sa palasyo.
"Masusunod po, kamahalan."
"Kumusta ang anak ko, ang prinsesa, gising na ba siya?" tanong niya, halata sa boses niya ang pag-aalala.
Umiling na tumingin sa kaniya si Arteixec, "Hindi pa po, kamahalan. Pero magaling na ang mga sugat niya at ang lason ay tuluyan ng naalis sa katawan niya, pero may kumplikasyon pa kaya naman hindi pa siya tuluyang gagaling." tumango na lang siya.

BINABASA MO ANG
CROWN
FantastikThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...