NAKATINGIN lang si Arteixec sa kanila, hindi niya alam ang nararamdaman niya sa mga oras na ito, iniisip niya kung paniniwalaan niya ba ang sinabi ng babae. He knows his sister is dead, ngunit hindi niya pa alam kung sino ang pumatay sa kapatid niya at anong ginawa ng mga ito.
Ang tanging makakapagsabi lang sa kaniya ay si Kimsoo. Pero kahit makailang beses niya itong tanungin ay wala pa itong balak magsalita kung si Kimsoo nga ang pumatay natitiyak niyang maghihirap muna ito bago niya ito patayin. Hindi siya titigil hanggat hindi niya natutukoy kung anong nangyari sa kaniyang kapatid.
Ngumisi si Arteixec sa kanila, at maingat na inalalayan si Elise na walang malay, "Akala niyo ba maloloko niyo ako. Matagal na siyang patay."
Ngumisi naman ang babae, "Gusto mo bang malaman kung bakit buhay siya? At gusto mo ba siyang makita? Tamang-tama. Walang malay ang kasama mo hindi niya maririnig ang gusto namin ipagawa sayo." sabi nito.
Tumingin ng masama si Arteixec sa mga ito.
"Huwag niyo akong pinagloloko, matagal na siyang patay!" sigaw ni Arteixec.
"At paano ka nakakasigurado? Nakita ba ng sarili mong mga mata ang pagpatay sa kaniya?" nakangising sabi ng babae.
Saglit na natigilan si Arteixec, ang totoo ay hindi niya alam.
"At paano ako nakakasiguradong nagsasabi ka ng totoo?"
Napatingin ang babae sa lalaking nakatakip ang mukha. Tumango lang ang lalaki.
"Sa tingin ko hindi ka matutuwa kapag nalaman mo ang sino ang nagtangka sa kapatid mo. Ang pinakakatiwalaan mo ba ay talaga bang mapagkakatiwalaan mo. " saad ng babae.
Napatiim-bagang si Arteixec.
"Tumahimik ka na! Hinding-hindi ako maniniwala sa mga sinasabi niyo. Umalis na kayo bago pa dumating ang kasama namin."
"Pag-isipan mo itong mabuti, pinuno ng mga Heirrs. Kung gusto mo talaga siyang makita pakawalan mo si Kimsoo at dalhin siya bukas ng gabi sa pinakadulo ng kakahuyan malapit sa bangin at ipapakita namin sayo ang kapatid mo kung hindi mamamatay siya." sabi ng babae at ngumisi.
Arteixec's do not decided if he would believe of what the girl has said. He hesitate, part of him wanting to see his sister kung totoo nga na buhay ang ito. Pero may pakiramdam siyang niloloko lang siya ng mga ito.
"Nakapag-isip ka na ba? Bukas. Magkita tayo bukas. Ikaw lang mag-isa." nakangising saad ng babae.
Una ng tumalikod ang lalaki at naglakad na paalis. Sinundan naman ito ng tatlo. Tinitigan lang ni Arteixec ang papaalis na kalaban. Napapikit siya dahil sa nalaman niya kung totoo rin ba ang mga ito pero kapag pinakawalan niya si Kimsoo para niya na rin niyang hinayaan na mamatay ang kapatid niya sa mga ito.
Naisip niya kung si Kimsoo ang pumatay sa kapatid niya bakit sinasabi ng mga Garghol na buhay ito, kakampi ni Kimsoo ang mga Garghol posible bang buhay ang kapatid niya?
Bakit sinasabi ni Kimsoo na siya ang pumatay sa kapatid niya? Posible ba na hindi tinuluyan ni Kimsoo ang kapatid niya, and they will use her as bait, lalo na sa kaniya. Natitiyak niyang may ibang pinaplano ang mga ito. 'yun ang kailangan niyang alamin.
He would not let himself fall for their lies. He need to make sure that his sister is alive. At gagawa siya ng paraan para mailigtas ito sa mga kamay ng Garghol.
Naisip niya kung gagawin niya ba sinabi sa kaniya ng babae. Pero ito lang ang pagkakataon para malaman ang totoo, kung hindi man niya naligtas ang kapatid niya noon ay ito na ang pagkakataon niya para mailigtas ito sanay sa pagkakataon ay magawa niya ito.

BINABASA MO ANG
CROWN
FantasyThis story is about, Love, hate, revenge, and betrayal. Are you willing to exchange the power you are seeking just for love or you will let the power consume you? A princess and prince, two different races... how they can find each other, and what w...