Chapter 22

12 4 4
                                    

LAHAT ng espada ng mga kawal ay nakatutok kay Erlina, nagulat na lamang siya sa biglaang pagsulpot nito na pinangungunahan ng pinunong Arteixec.

"What is the meaning of this?" she hissed as she looked at Arteixec.

Napangisi ito sa kaniya, "What did you do such a thing, Erlina? Para gawin namin 'to." tanong nito.

Sandali naman tumahimik si Erlina, kung ganon balak nilang tapusin ang buhay niya.

Ngumisi siya sa mga ito, "Gawin ang ano?" maang-maangan na tanong niya.

"Oh, common. Wag mong sabihin hindi mo alam." sabat ni Clownie at napairap.

Ilang sandali ay naging alerto ang mga kawal, bigla naman agad umatake si Erlina gamit ang tubig niya at inatake ang lahat.

Napaiwas naman ang mga royal guard, pero natamaan ang mga ordinaryong kawal. Umiwas lang ang mga ito at hindi nila hahayaan makatakas ito kaya gumamit sila ng kapangyarihan.

Gamit ni Arteixec ang kaniya lang espada, dahil hindi niya sasayangin ang kapangyarihan niya para lang sa traydor, hinayaan niya na lang ang mga kasama niyang gumawa.

"Akala ko mabuti kang kaibigan, 'yun pala ay balak ka sa aming masama!" sigaw ni Aly at naghagis ng yelo kaya tumigas ang tubig ni Erlina na pinangsangga niya.

Napangiwi naman si Erlina ng mabasag ang panggala niya.

Gamit ang kanilang lang espada ay sinugod nila Clownie, Garry, Zach at Cervan si Erlina na patuloy na pag-iwas pero natatamaan siya ng mga ito.

Napabagsak na si Erlina na ngayon ay marami ng sugat sa katawan.

"Huwag ka ng lumaban! Sumama ka sa amin." saad ni Herya na masamang tinignan si Erlina na nakangisi pa rin.

"Patayin niyo na lang kaya ako." natatawang sabi nito.

Mabilis naman lumapit ang ordinaryong mga kawal para kunin si Erlina, pero nagtigas pa ito, gamit ang espada nito ay napatay na ang mga kaway, mabilis naman ang askyon ni Arteixec, nakalapit siya rito at hinapas ang batok para ito'y mahimatay.

"Ikulong siya at ihiwalay niyo ang selda ng ginoong Kimsoo ng hindi sila makapag-usap." ani niya sa ibang kawal.

"Masusunod."

"Nakabalik na ba si Zia?" tanong ni Arteixec kay Herya, umiling lang ito.

"Hindi pa. lalabas ako ng palasyo para makita siya baka nandoon siya sa pagdiriwang." saad ni Herya kay Arteixec, tumango lang ito.

==========

Napangiti na lang si Zia ng makita ang mga buong siyudad, napapalibutan ng mga magagandang disensyo, na ibat-ibat kulay at mga pailaw nabibigyang liwanag sa gabi.

Nakita niya rin ang mga nakasabit na bendiritas sa mga dulo ng mga gusali na animo'y hindi nagkaroon ng sakuna dahil nanumbalik ulit ang sigla ng mga siyudad.

May tugtugan, at may kumakanta na magaganda sa pandinig, sayawan at mga dulaan, sa iba't-ibang entablado nagpapakitang gilas ang mga gusto sa sumali o alinman na gusto nila.

Ito ang araw ng pagdiriwang kung saan kung ipapakita ng mga mamamayan ang mga bayani naghahatid ng kapayapaan sa Ethereal Kingdom.

May mga rebulto ng mga naging hari at reyna ng mga nakaraang libong taon na hanggang ngayon kinikilala, nakita niya rin ang rebulto ng kaniyang ama at ina.

Pero ang agaw pansin sa kaniya ang isa sa mga nag-iisang reyna ng Ethereal Kingdom na si Ethera na siyang namumuno sa lahat noon.

Matagal na panahong hindi pa nagkakaroon ng mga kontinente ang Ethereal Kingdom ay pinamunuan na niya 'to. Ito rin ang mismong nagmamaari ng korona na kasalukuyang nasa kaniya ama.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon