Chapter 7

36 8 0
                                    

"NATUKOY na ba kung sino ang sumira sa pandepensa?" tanong ng hari.

Nagkatinginan naman ang ilan sa loob.

"Kamahalan, ang ilang mga taga-imbestiga natin ay patay na." nagulantang ang hari sa narinig niya.

"A-anong ibig niyong sabihin!?"

"Natagpuan silang bangkay na sa mismong puno(main) ng pandepensa at kasalukuyang ihahatid ang kanilang bangkay sa libingan. Kung saan naroon rin ang kanilang mga pamilyang naghihintay."

"Paanong nangyaring patay sila? Wala bang kahit anong bakas na makikita kung sino ang salarin!?"

"Wala ni isa, masyadong malinis kamahalan." Napikit ang hari sa mga nangyayari sa labas ng palasyo at ang kinababahala pa nito ay ang mga pamilya ng mga namatayan tiyak na sa hari ito isisisi. Napayukom siya ng kamao, hindi siya pwedeng maging mahina ngayon.

Habang nag-iisip ay isa lang ang pumasok sa isip niya.

Magtutuos ulit tayo Reia, sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na mabubuhay pa.

Sa kabilang banda, nag-uusap ngayon si Elise at Arteicex. Natakatayo sila may balkonahe kung saan tanaw ang magagandang tanawin.

"Gagawing lihim ang pagkatao ng prinsesa!?" gulat ni Elise.

Tumango si Arteicex, "Paano kung hindi pumayag ang prinsesa sa planong 'yan?" saad pa ni Elise.

"Hindi ko alam. Basta ang kailangan natin ay madala na siya rito at magsanay." Tinitigan niya si Elise, napalunok naman ito.

"H-hindi ko alam kung kaya ko siyang kumbinsihin na pumunta rito." May pag-aalinlangan sa tono nito.

"Ang sabi mo kaibigan mo siya, siguro naman ay makukumbinsi mo na siyang pumunta rito. Dahil marami ng araw nabuhos niya para makapag-isip isip." Saad ni Arteicex.

"H-hindi ko alam kung k-kaya ko?" napapikit naman si Arteicex at napangisi siyang nakatingin kay Elise.

"Sige... huwag mo gawin, sa iba na lang ako mag-utos yung karapat-dapat sa trabaho mo." Nanlaki naman ang mata ni Elise ng biglang pag-alis na sana si Arteicex pero hinawakan ni Elise ang braso nito.

Tinignan siya ni Arteixec.

"Sige, gagawin ko na. Basta huwag kang mag-uutos sa iba. Sa akin lang." determinadong sabi ni Elise.

Ngumiti naman sa kaniya si Arteicex na ikinabilis ng tibok ni Elise.

"Okay. Umaasa ako." Hinawakan ni Arteixec kamay na nakahawak sa braso niya at ibinaba.

"Alis na ako." Sabi naman nito at umalis na.

Naiwan naman si Elise na nakangiti. Hay! 'yung puso ko ang lakas ng tibok.

Pagkaalis ni Arteixec ay nagpunta siya sa may puno ng pandepensa para malaman kung anong impormasyon ang makukuha niya roon, sa ilang royal guard. Pagkarating niya ay naroon ang ilang mga tagabantay na matataas ang ranggo. Madali niya itong nilapitan.

"Pinuno!" tawag ni Herya.

Madali naman napalingon ang iba pa.

"May nakuha ba kayo?" tanong nito.

"Isang papel lang nakita namin at may nakasulat rito." Agad na binigay ni Herya ang papel na lukot.

Agad naningkit ang mata ni Arteicex ng mabasa niya ang nasa papel, mabilis niya itong nilukot sa kamay niya.

"Sasabihin kaya natin 'to sa hari?" cool na tanong ng kasama nila.

Agad naman siyang binatukan ng katabi niyang babae.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon