Chapter 11

22 4 1
                                    

KINAUMAGAHAN ay maagang dumating si Arteixec sa lugar kung saan sila unang nagsanay ng prinsesa.

Bigla siyang naurat dahil wala pa 'dun ang hinihintay niya.

May usapan sila na madaling araw ang kanilang pagsasanay pero lumipas ang kalahating oras ay wala pa ang hinihintay niya.

Mabilis siyang tumayo dahil sa inis at dali-daling pinuntahan kung nasaan ang prinsesa.

Pagkarating sa malapit sa pinto ay agad nanlaki ang mata niya dahil hindi masyadong nakasara ang pinto, agad siyang kinabahan na baka napahamak ang prinsesa na baka may pumasok sa loob at dinukot ito.

Mabilis siyang lumapit at agad na binuksan.

Ang kaninang kaba ay agad na nawala at napabuntong-hininga na lang nang makita na natutulog ito sa mesa habang nakapatong ang mukha nito sa nakabuklat na libro, at yung iba ay nakatabi.

"Bakit hindi mo sinarado ng maayos ang pinto. Tsk! Paano na lang kung may pumasok at dinukot ka. Hindi ka nag-iingat." Pabulong na angil niya, sinadya niyang pahinaan ang boses niya para hindi magising ang prinsesa.

Lumapit siya rito, ang kaninang pagkainis ay biglang nawala at agad na napangiti nang makita ang laman ng libro.

Kaya pala.

Nang maalala niyang may pagsasanay sila ay agad siyang sumimangot. Hinahati niya lang ang oras niya sa pagtuturo sa mga estudyante at sa prinsesa, pagkatapos ng pagsasanay ay agad na siyang babalik para magturo sa mga mag-aaral dahil isa 'yon sa obligasyon niya bilang pinuno na matuto ang mga ito para maging isang mahusay na mga mandirigma.

Dali-dali niyang tinapik ang prinsesa, makailang tapik muna bago ito magising sa pagkakahimbing.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito habang papikit-pikit halatang inaatok pa.

"Baka nakalimutang mong may pagsasanay tayo, Zia. Tsk!" nakasimangot na sabi niya.

Agad naman na nanlaki ang mata ng kaharap niya at mabilis na tumayo.

"Oo nga pala. Umalis kana, KUYA." sabi nito at diniinan pa ang salitang 'kuya.' Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ng prinsesa.

"Ano?" Nagtatakang tanong niya.

"A, ang ibig kong sabihin, umalis ka muna dahil mag-bibihis ako."

Agad naman siyang lumabas at nag-antay.

Pagkarating ng ilang minuto ay lumabas na ito ng silid. Bumungad sa kaniya ang nakangiting prinsesa.

"Anong klaseng ngiti 'yan?"

Napataas naman kilay nito at sinungitan siya.

"Ano bang pakealam mo."

"Bakit ganyan ka makangiti?" tanong niya dahil curious siya kung bakit maaliwalas ang mukha ng kaharap niya.

Napabuga na lang siya ng hangin dahil sa sagot nito sa kaniya.

"Bakit? Bawal na ba ngumiti?" sabi nito at naglakad na palabas sumabay na rin siya.

"Kahit kailan talaga, parating walang kwenta ang mga sagot nito." bulong niya na may halong inis. Mukhang narinig naman ng katabi niya pero hindi malinaw sa pandinig nito kaya nag-salita ito.

"May sinasabi ka?"

"Tsk!"

"Sungit."

Pagkarating ay nagbuhos na agad ng puting likido sa kinatatayuan nila kasabay ng pananggala na bumalot sa kanila.

"Bakit ba kailan mo pang magpatak niyan? Para lumabas itong barrier." Nakita niyang umupo ito sa may batuhan, at naghagis ng maliit na bato sa panangga.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon