III - End of Peace?!

95 25 0
                                    


_________

Ahhhh....sh*t! Hindi ko alam ang gagawin ko. Para namang wala akong kwentang kaibigan kapag wala akong ginawa, hindi ko kayang makita sya ng ganyan. Eto na nga ba ang sinasabi ko sa kanya eh, ipaglalaban pala ha?

[ Duke's POV ]

Pakshet! Ang sakit ng katawan ko, ikaw ba naman itulak sa kama at sipasipain ng nanay mo. Bwisit kasi yung babaeng yun, hindi man lang ako ginising. Alam nya namang grabe manggising si Mama. Walang awa!

"Oh bro! Tulala ka dyan, iniisip mo nanaman si Rizza no" si Dale na nakangisi ng nakakaloko.

"Inggit ka lang kasi" sagot ko sa kanya. Idadamay nya pa si Baby porket wala syang Lovelife papakielaman nya na buhay ko.

"Ohhhh! Kawawa ka naman Dale, hayaan mo andito pa naman ako eh. Mahal na Mahal kita" Akmang yayakapin ni Andrew si Dale pero itinulak agad sya neto.

"Mandiri ka nga, Garter!"

"Garter? Ipapatay ka kaya ni Dad pag narinig nyang binababoy mo apelyido namin"

"Kaso hindi nya narinig"

"Pocha ka talaga Lewis! Pag talaga ikaw nahabol ko" At nagsimula na sila ng Daily routine nilang paghahabulan hangang makita nanaman sila ng Student Council President at ipaguidance nanaman.

"Nagsimula na ba?" Natatawang sabi ni Sendrick na kakagising lang, Oo natutulog tong ugok na to sa klase buti nalang talaga at may gusto sa kanya si Thalia kundi matagal na tong nadrop out sa school.

"Buti naman at nagising na ang ating sleeping Prince, tara na baka magbell na at hindi pa tayo nakapagbreak"

Tumayo na sya at nag-unat unat. Naglakad na kami papuntang Canteen, naririnig ko pa ang mga bulungan.

"Ohhh emm jii! Ang gwapo gwapo talaga ng Dragons no?"

"Si Sendrick my labs! Friend picturan mo ako dali dapat kasali si Sendrick ha?"

"Lian! Yung asawa mo oh"

"Hala Oo nga! Hiii Fafa Duke"

"Kulang sila? Nasan sila Fafa Andrew at fafa Dale?"

Bulungan pa ba yon? Rinig na rinig ko nga ehh. Pagkatapak naman sa Canteen ay nakita kaagad namin ang kumpulan, Ano nanaman kaya ito?

"Hindi pa rin pala talaga kayo nagtatanda. Alam mo naman diba ang nangyayari kapag may nagtatangkang umagaw sa Sendrick ko!"

Si Thalia? Dali dali namang lumapit si Sendrick sa kinaroroonan nila. Don't tell me ang pinagti-tripan nanaman ni Thalia yung bagong girlfriend ni Sendrick. Alam kong may bago sya saakin kasi nagpatulong sa panliligaw dahil wala naman daw matutulong sila Andrew sa kanya.

Nakita namin ang isang babae na mukang dinaanan ng bagyo ang itsura. Naku! Mukang alam ko na ang kasunod nito, makikipag-break lang naman yang bagong girlfriend ni Sendrick sa kanya. Pustahan pa!

Sasampalin ni Thalia yung bagong girlfriend ni Sendrick na hindi ko alam ang pangalan ng may kamay na humawak dito.

"Don't lay your filthy hands to Cassandra's face kung ayaw mo sa face mo tumama tong kamao ko" napatingin ako dun sa babaeng pumigil sa kamay ni Thalia, nakakabilib sya palang ata ang nakakagawa nun kay Thalia. Lakas naman ng loob nun. Panigurado ipapatangal ni Thalia yung babae.

Ohhh Pakining sh*t!? Si Tin!?

"Ohhh, to the resque ang bestfriend mong epal nakaka-"

"Shut the f*ck up" napapanganga ang lahat dahil sa ginawa ni Tin. Sinalampak ba naman sa bunganga ni Thalia yung tinapay at hinila nya yung bagong girlfriend ni Sendrick paalis.

"Oh gosh! Girl are you alright?" Tanong ni Baby Rizza kay Thalia na parang nasusuka na ewan. Pffft! Kung nakikita nyo lang ang muka ni Thalia ngayon, Priceless! Hahahaha.

"Get me some water, Hurryyyyy!" Sigaw ni Thalia sa mga kasamahan nya kaya natatarantang tumakbo sa may Counter at bimili ng tubig.

"Ewwww! Sinubo ba naman saakin nung b*tch na yun itong tinapay na cheap? Uhhh so kadiri" maarteng sabi ni Thalia sabay spray ng alcohol sa buong katawan nya para namang germs yung girlfriend ni Sendrick at si Tin at kulang nalang inumin nya na yung alcohol.

"Thalia! Ano nanaman bang ginawa mo kay Cass? Pwede ba layuan mo na ako, gusto ko rin naman magkaroon ng maayos na relationship"

"I already told you, saakin ka lang magkakaroon nun at hindi ako titigil hangat hindi ka nagiging akin"

"Your impossible!" Sabay walkout ni Sendrick kaya eto naiwan ako kasama ang grupo nila Thalia.

"Kita tayo after school" I mouthed her, my girlfriend. Tumango naman sya at saka ako umalis ng Canteen para hanapin si Sendrick.

_____________

END OF CHAPTER THREE! Ikli no? Bitinin ko muna!

Click the ⭐ to Vote!😁

Kamsa~

^3^

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon