IX - Nabarang si Tin?

66 17 0
                                    


[ Duke's POV ]

Naglalakad-lakad kami ngayon dito sa supermarket dahil nag-text si mama kay Tin na bumili daw ng grocery. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga pinag-gagagawa ni Tin kanina, kung ano anong naiisip. Kanina yung sa Date tapos sumunod may Anak na kami at ipinangalan talaga nya kay mama. Tsk!

Hinahanap ko yung cooking oil pero andaming brands, Ano ba binibili dito? Hindi ako sanay mag-grocery. Pinagpatuloy ko parin ang pagpili ng may naaaninag ako sa counter. May nakita akong mag-jowang walang hiya na nag hahalikan sa harap mismo ng counter.

Nangunot ang noo ko ng nakita ko yung babae. T*ngina, Anong nangyayari!? Bakit sya andito!? Akala ko may sakit sya!? Sino yung g*gong kasama nya?!

Naikuyom ko ang aking kamao ng makitang ipinakita ni Rizza dun sa lalaki ang isang....CONDOM!? May mangyayari sa kanila.

Bumabalik saakin yung mga ala-ala ko sa kanya pero kung dati masaya ako tuwing naiisip yun pero ngayon nasasaktan ako. Natandaan ko yung nang ligaw ako sa kanya.

"Rizza Dela Fuente, mag-iilang buwan na kitang nililigawan. Bakit hangang ngayon hindi mo parin ako sinasagot?" Nandito kami ngayon sa harap ng bahay nila Rizza, kakagaling lang naming sa mall kaya hinatid ko sya dito.

"Hindi ka naman nag-tatanong kaya hindi kita sinasagot" Sh*t yun ba? Kailangan ko lang syang tanungin.

"Ayy ganun ba? Sige! Rizza, will you be my girlfriend?" Kinakabahan ako.

Ngumiti sya ng napakatamis. "Yes!!" YES!!!! Finally! Kami na! For six months antagal ko syang hinintay, worth it talaga. Niyakap ko sya ng napaka-higpit.

"I love you" binulong ko habang mag kayakap kami.

"I love you too" ang bilis ng tibok ng puso ko.

KAMI NA!

Mapait akong napangiti dahil sa biglang pag-flashback nun sa utak ko. Ang saya saya ko nung time na yun pero sa tingin ko hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Grabe naman ata si tadhana at ipinakita pa talaga saakin ang malaswang live show nila.

Napahinto ako sa pag-iisip ng may isang pares ng kamay ang humawak sa aking pisngi at iniharap sa muka nito. Si Tin, nakita ko ang awa sa mga mata nito. Nakita nya rin ba?

"Ok ka lang?" May halong pag-aalala sa boses nya. Nagtanong pa kung halata namang hindi. Umiling ako sa tanong nya.

"Bayaran na natin to tapos ililibre kitang ice cream para gumaan ang loob mo" hinila nya na ako sa may counter at binayaran yung mga grocery. Dinala nya ako sa isang Ice cream parlor.

"Anong gusto mo? Rocky road? Cookies 'n cream? Ube? Eto mukang masarap, Tutti Frutti. Ahhh! Etong green tea kaya? Halaaa! Ang ganda ng kulay nun oh, Mint chocolate chip! Sige yun na lang saakin. Ikaw Duke, anong gusto mo?" Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Tin. Madalas kasi tahimik, naka pokerface at napaka-cold nyan, parang ako, pero yung pinapakita nya ngayon para syang bata.

"Woi, Ano? Ililibre na nga kita eh"

"Kahit ano lang"

"Diba Mangga ang favorite mo? Etong Manggo sorbet nalang kaya, sige eto nalang." At binili nya na nga yun. Umupo kami sa table na malapit sa bintana.

"Pano mo nalaman na mangga ang favorite ko?"

"H-huh? Diba ikaw lagi ang nakaka-ubos ng mangga dun sa bahay. Lagi ngang Mangga ang pinag-aawayan nyo ni kuya, hahahaha" sagot nya. Ngayon ko lang napansin.

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon