[ Tin's POV ]Tsk! Bwisit talaga yun, hindi man lang ako hinintay! Sya na nga yung cinomfort ko dito sya pa talaga ang may ganang mang iwan. Patay talaga saakin yun sa bahay.
Kakatapos lang ng last subject namin ngayong hapon at hindi na nga pumasok yung mokong na yun, ewan ko kung pano sya pinalabas siguro nag-drama yun sa harap ng nurse para lang bigyan sya ng excuse letter.
"Hoy Cylestina! San ka galing kanina ha? Alam mo bang mas pinili kong hanapin ka imbis na makasama ko ang honeybunch ko?" Bungad saakin ni Cass pagka-labas ko ng classroom.
"Ganon?....Sige, bye!" At nag-lakad ako paalis, wala kasi ako sa mood ngayon.
"Wag mo akong talikuran babae!" Habol nya saakin kaya mas binilisan ko na ang pag-lalakad, I badly want to go home!
"Bukas na lang tayo mag-usap!" Tuluyan na akong tumakbo para hindi nya na ako mahabol, mas mabilis ako tumakbo kaysa sa kanya kahit kabayo pa sya.
"APHRODITE CYLESTINE VAZQUEZZZZZZZZZZ! BUMALIK KA DITO!" sigaw ni Cass pero patuloy parin ako sa pag-takbo. Gagantihan ko pa si Duke sa pang-iindian nya saakin kanina. Takte sya!
_________________
Nang maka-uwi ako ay dali dali akong pumasok sa loob ng bahay. Excited na kasi akong sapakin yung walang hiyang lalaking yun!
"Ohh Anakshie!" Napatigil ako sa pag-lalakad ng marinig ko si momshie, siguro sa sobrang pagka-excited ko hindi ko na sya napansin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.
"Akyat na po ako, Momshie" paalam ko sa kanya.
"Sige! Bumaba ka mamayang six para makapag-hapunan na tayo"
"Sige po" umakyat na ako sa taas. Nang maka pasok ako sa kwarto ay tumambad saakin ang walang taong kwarto.
Wala si Duke?
Tiningnan ko ang CR pero wala namang tao. Nauna sya saakin umuwi ahh. Dali-dali akong bumaba sa hagdan.
"Momshieee" sigaw ko habang pababa.
"OH BAKIT TIN!? MAY SUNOG BA? MY GOSH! GAVIN, TUMAWAG KA NG BUMBERO DALI" pag-papanic ni Momshie, kasama nya pala si kuya King.
"Momshie, kalma" sabi ni Kuya.
"PAANO AKO KAKALMA? NASUSUNOG ANG BAHAY KAKALMA AKO!! TUMAWAG KA NA NG BUMBERO!"
"Momshie--" naputol agad yung sinasabi ko dahil sa nag-hehesterical na momshie namin.
"CYLESTINE, BAT NAKATAYO KA LANG DYAN? HUMINGI KA NG TULONG SA KAPIT-BAHAY"
"Wala namang sunog ah" sabi ko habang nag-kakamot ng ulo. Grabe mag-isip si Momshie.
"Anong wala? Diba sumigaw kanina si Tin?"
"Momshie, sumigaw lang ako dahil tinatawag kita"
"Susmariosep naman Cylestine! Pinakaba mo ako"
"Wala naman po kasi akong sinabing may sunog"
"Ahh basta! Yun na rin ang meaning nun! Bakit ka ba kasi sumigaw?"
"Itatanongko lang po sana kung nasaan si D-duke?" Ayan! Tinanong ko sya.
"Aysus! Bakit namiss mo ba? Ikaw ha nag-date lang kayo ganyan kana" pang-aasar saakin ng engot na si Kuya King kaya etong si Momshie nanglaki ang mata pati ang butas ng ilong.
BINABASA MO ANG
Locked Hearts
RomanceAphrodite Cylestine Vazquez and Duke Gabbriel Montecillo. Sperm pa lang ang dalawang ito ay ipinagkasundo na sila ng kanilang mga nanay na mag bestfriends at dahil sa sobrang excited ng kanilang mga ina ay ipinadala pa sila sa ibang bansa para doo...