XXVIII - Philippines.

71 7 3
                                    

A/B/N: yowwewew! Im backkkkkkk from death--- este bakasyon!😂 La selpon eh!

[ Tin's POV ]

Hmmm....Philippines! Sabi ko sa aking isip.

"Mom it's hot in here" reklamo agad ng anak ko pagkababa namin ng eroplano. Napangiti ako at napailing.

"Ay grabe ka Diel ha? Saan mo nakuha yang pagiging reklamador mo?" biro ni Page sa kanya. Sumama saamin si Page at naiwan naman si Kuya Leo sa New york, binigay na ni Page ang kumpanya kay Kuya Leo dahil mas gusto nya daw ang pagdodoktor.

Kawawa naman si Kuya Leo dun, nagiisa nalang at walang lovelife. Hays! Nag aalala ako baka tumandang binata. Sinong gusto magkusa dyan? Jowain nyo na!

"Mom! I want to go back"

"No we're not, this is what your lola momshie's last wish to me"

"What? Do you want me to die because of dehydration?" Grabe! Ang exagerated masyado ng anak ko.

"You'll get used to it naman Diel" sabi ni Page.

"Besides....we're here to see your....dad. Ayaw mo ba nun?" tanong ko sa kanya. This is the first time that i opened up this topic to him.

"Dad? Really mom?" hindi himig ng kasiyahan ang narinig ko.

"Why? Ayaw mo ba?"

"I don't need a dad! I've seen you cry many times- scratch that many many many multiple times because of him" i got shocked because of what he just said. Hindi ko alam na nakita nya pala yun.

. . . . .

"So what's your plan, Tin?" Seryosong tanong ni Page saakin. Nakaupo kami sa dinning table ng bagong bahay namin dito sa manila. Natutulog na si Gaddiel sa kwarto nya upstairs.

"Well...I'm planning to apply in Manila Matrix Hospital" I've heard many things about that prestigious hospital.

(a/n: wala ako maisip eh😂 ewan ko ba kung totoo yang hospital na yan)

"Sa iba ako mag-aapply"

"What? Ayaw mo ba doon sa Manila Matrix? Maganda daw dun"

"Yeah I know pero malakas ang feeling ko na hindi ako para doon. I know I'll find a nice hospital for me to work on" tumango naman ako sa kanya. It's her choice naman.

"Pero about sa daddy ni Gaddiel, what's your plan to him?"

"That's what I don't know. Saka ko nalang iisipin kapag dumating na ang oras" But I'm planning to hide my son from Duke. I know ang selfish ko, pero hindi ko kakayanin na kunin sya saakin knowing Duke he'll surely do that. He has a right! But if the time comes I'll fight my rights kahit ubusin ko pa ang pera ko hindi ko hahayaan na kunin sa akin ang anak ko.

"Ok! If that's what you want pero mahirap yan Tin" saglit na katahimikan ang namayani saamin.

"By the way, i'm planning na patirahin si tatay dito sa bahay. Nakakahiya na kanila tita Dolor"

"I see, ok lang naman para may magbabantay kay Gaddiel dito" wala pa nga palang nakakakilala kay Gaddiel at Gaveniel dito.

. . . .

"Tatay" tears started running from my eyes when I saw him, my father. Kaninang umaga ko pa sya sinasundan. Nakikita ko ang pagkasurpresa sa mukha nya. "T-tin?" agad akong lumapit sa kanya para yakapin.

"Cylestine, nagbalik na ang anak ko" mangiyak-ngiyak nyang sambit habang niyayakap ako ng mahigpit.

"Ang laki na ng pinagbago mo, anak" Sabi nya at pinahid ang mga luha ko. Andami ko ring nakikitang pagbabago sa kanya. He looks stressed out at kitang kita ang pamamayat nito.

"Saan ka ba kasi nagpupunta? Pinagalala mo kami, mas lalo na ang asawa mo" Si Duke? Pinagalala ko? Really huh?

"I needed space and time, tay. Ok naman po ang naging takbo ng buhay ko sa loob ng mga walong taon na iyon. Ikaw tay? Bakit parang namayat ka ata?"

"Ako kasi ang nagbabantay sa Tito Henry mo sa ospital" tukoy nya sa asawa ni Tita Dolor.

"Nasa ospital si Tito Henry? Bakit?"

"May sakit sya sa puso, Cylestine. Hindi na nga alam ng tita Dolor mo kung saan kukuha ng pera eh" malungkot nyang pagkekwento saakin.

"Nasaan po sila ngayon?"

"Si Dolor ang nagbabantay kay Henry habang wala ako. At ang pinsan mong si Harry ay nasa trabaho. Naghahanap din nga ako ng trabaho eh para makatulong man lang sa Tita mo, nakakahiya naman at pinapatuloy nila ako sa bahay nila"

"Pwede nyo po ba akong dalhin doon?"

"Oo naman anak. Malamang matutuwa ang Tita mo pag nakita ka" he smiled. I missed that.

Agad din kaming bumyahe papunta sa ospital na sinasabi ni tatay. Nagkwentuhan muna kami habang nasa taxi, nalaman kong sobra syang naghirap pagkatapos nilang maghiwalay ni nanay.

"Dolor?" lumapit si tatay kay Tita Dolor na umiiyak. Pansin kong walang taong nakahiga sa hospital bed na katabi nya.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" niyakap ni tatay ang kanyang kapatid na lalong umiiyak.

"Kuya Fred....a-ang asawa ko"

"Nasaan si Henry?"

"W-wala na sya...Kuya wala na ang asawa ko" mas lalo pa syang humagulgol. Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat at nagsimula nang maglandas ang mga luha saaking mukha.

"B-bumitaw na sya." pagpapatuloy ni tita. Nasabi saakin ni tatay na may problema si tito sa pagtibok ng puso, it can be faster or slower than a normal heartbeat of a person. We call it arrhythmia, Most sudden cardiac deaths are caused by abnormal heart rhythms. Siguro yun ang nangyari sa kanya.

"Sinabi mo na ba to sa pamangkin ko?" umiling si tita sa tanong ni Tatay.

"Ako na ang tatawag. Tin, bantayan mo muna ang tita mo"

Agad akong lumapit kay tita Dolor at niyakap sya. "Alam ko pong nasa maayos na kalagayan na ngayon si t-tito Henry" pag aalo ko dito.

"C-cylestine? Ikaw na b-ba talaga yan?" tumango ako kaya mas lalo pa syang napaiyak. Hala! Pinapatahan ko na nga sya eh.

"K-kung buhay ang T-tito mo ngayon, p-panigurado tuwang tuwa yun. Nag-alala sya ng husto nung mawala ka, tanda ko pa noon l-lagi syang sumasama pag susubukan kang hanapin ng asawa't pamilya mo" malapit si Tito saakin dahil halos isang taon din akong nanirahan sa kanila.

"W-wala na ang tito mo Cylestine" niyakap ko nalang sya ng mahigpit. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya basta ang alam ko ay isa to sa mga malulungkot na araw na dumaan saakin.

__________

MUST READ! MUST READ!

A/N: Nakaupdate na din sa wakas😂 grabe! Nasobrahan na ata ang pagka slow update nito. Next update? Probably next next month pa ulit😆

BTW! Basahin nyo na din ang part 1 & 2  ng It all started with a liga na ipupublish ko na din pagkatapos nito. Pasilip ng konti! Hahahahah! Para makabawi!

VISIT MY WORKS!

To be continued<3

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon