X - May sapi si Tin!

70 17 0
                                    


[ Tin's POV ]

Kinabukasan pag-katapos ng bangayan ng mag-kuya sa kwarto namin ay naging tahimik si Duke. Ewan ko ba dyan, kahapon lang maraming kalokohan sa katawan pero ngayon iba ang aura nya, Cold.

Kanina nga may isang hindi kapanipaniwalang nangyari, nagising si Duke ng mas maaga saakin. isn't it Amazing!? Isang mirakulo ang naganap at dahil dun, mamamanata na talaga ako sa mahal na araw.

"Hoy Bessy! Hindi mo ba gagalawin yang pagkain mo?" Nandito nga pala kami sa Canteen ngayon. Lunch na kasi, hindi namin kasama yung barkada ngayon dahil may practice daw sila ng basketball. May laban kasi sila next week sa ibang school, yung BAU (Bernardo Armand University) daw.

"Wala akong gana" tinulak ko palayo saakin ang plato at kinuha naman to ni Cassandra, ito talagang Maria'ng to ang takaw. Member ata to ng Super Patay Gutom Club.

"Pansin ko ha? Ang dami mong kumain, buntis ka ba?"

"Haa? Buntchish ka dyan. Di lang akosh nakhokokain ng aga- *cough cough* sh*t tubigs!!" Binigyan ko naman sya ng tubig, minsan talaga may pagka tanga tanga yang babaeng to.

"Thank you!"

"Tss, di kita maintindihan. Magsalita ka ba naman ng puno yang bibig mo. Pano nalang kapag namatay ka dahil nag-stuck nalang dyan sa lalamutan mo yang mga kinain mo? Edi ako ang sisihin dahil ako kaharap mo. Ayaw kong makulong"

"Grabe naman, exaggerated ka masyado bes! At hindi ako buntis, tingin mo magpapa-score ako? Ne.ve.r!"

"Malay ko ba, mamaya pala naisahan ka na ni Sendrick"

"Bess naman ehh! Hindi no...Hindi pa" numumula ang muka ni Cass at hinampas pa ang braso ko. Mananahimik na nga ako para di masaktan.

"Aba't may plano"

"Shempre, pag-kasal na kami ni Honeybunch no"

"Tsk!" Tumayo na ako. Di naman ako kakain ehh, maglalakad-lakad nalang ako.

"Bessy, san ka?"

"Dyan lang. Kita nalang tayo mamaya"

"Hoy! Walang iwanan. Besssssyyy! Hintayin mo ko~" pinabayaan ko lang syang maging mukang tanga dun na nagsisisigaw. Naglakad na ako palayo.

_____________________

Nag-ala Dora ako dito sa school ngayon. Wala kaming pasok ng dalawang subject ngayong hapon sa kadahilanang may emergency meeting ang mga teachers kaya hangang ngayon naglalakad lakad pa rin ako. Hindi ko alam kung pano pero nakarating dito sa may likod ng College of Nursing Building, ganto ba talaga ang epekto ng pagiging gala?

"Hindi kita maintindihan ehh"  nagulat ako ng may marinig akong isang pamilyar na boses. May multo na ba dito? Hala! May mga istorya pa naman dito sa building na ito.

"Baby, Let's fix this"

"Fix this? Sabihin mo nga saakin, paano? The damage has been done. Nasaktan mo na ako! T*ngina sinira mo na ang puso ko pati ang tiwala ko pano tayo mag-sisimula ulit kung wala na akong tiwala sayo? Natatakot na ako na baka saktan mo lang ulit ako"

"Baby, just give me a second chance, give us a second chance"

"Hindi ko na kayang sumugal, Rizz"

May nag-aaway ata, at dahil likas akong chismosa sinundan ko yung boses. At Oh my! Sila Duke at Rizz at sh*t na-iyak si Duke. For the first time in forever, nakita ko syang ganito.

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon