XIII - Revenge?

81 20 0
                                    


[ Tin's POV ]

Grabe! Wala akong naintindihan sa tinuro ng prof namin. Lutang na lutang yung isip ko, bwisit kasi na Duke yun! Nag-aalala tuloy ako kung anong nangyari sa kanya. Sana naman may makakita sa kanyang mga kapitbahay para madala pa sya sa ospital, 9:30 am na at imposibleng tulog pa yun ngayon.

Malamang napagsabihan na sya ni Mama, kaya ko sinasabing patay sya kay mama dahil ang tindi nun! Tanda ko nahuli ni mama si kuya King sa may bilyaran, nagtataya...Piningot sya ni mama sa tainga tapos hinila sya hangang dito sa bahay. Ang sakit kaya nun, ikaw kaya hilahin mula sa kabilang kanto hangang dito sa bahay gamit ang tainga mo.

Kawawa si Kuya that time, pagkauwi dito tinalakan sya ni mama tapos pinaghahampas ng tsinelas. Hindi naman sa sinasabi kong masamang magulang si mama, mahal nya kami ganun lang talaga sya mag-disiplina.

"Aphrodite--"

"Tin nga, Grey. Aphrodite ka dyan ng Aphrodite, greek lang?" Putol ko sa katabi kong si Grey, sh*tmate~ este seatmate pala. Lagi nya akong tinatawag sa first name ko kaya nakakakrita!

"What? Ang ganda kaya ng Aphrodite, goddess of beauty and love-"

"Hep hep hep! Ano bang kailangan mo't nambubulabog ka nanaman?" Nag-kibit balikat ako na humarap sa kanya.

"You know what?-"

"Hindi ko pa know" putol ko sa kanya.

"Your name really suit you, sa ugali lang kasi eh. Sabit!" Tiningnan ko sya ng masama at hinampas yung braso nya kaya tumawa naman ng tumawa ang loko.

"Lumayo layo ka nga saakin, baka mamaya hindi ako makapag-pigil at masipa kita" banta ko dito.

"Brutal mo talaga, hayaan mo may time ka pa na mag-bago ng ugali. Siguro maligo ka ng sampung holy water baka matangal yang ka demonyohan dyan sa katawan mo"

"You know what?" Tanong ko sa kanya.

"O what?"

"G*go ka! Inuubos mo oras ko dyan ka na nga" tumayo ako at lumabas ng classroom, leaving that idiot laughing. Tuwang tuwa siguro dahil na pikon nya ako. Tsk!

Nag-lakad ako papuntang comfort room, aayusin ko ang sarili ko dahil feeling ko ang hagard-hagard ko na dahil doon sa letcheng Grey na yun.

Pero ng makapasok na ako sa Cr ay sinalubong kaagad ako ng malas. Wrong timing naman oh! Ang gusto ko lang naman ay tahimik na ayusin ang hagard kong muka, pero mas hahagard pa ata to ngayon dahil sa mga 'to.

"Oh? Eto pala yung kaibigan nung b*tch" bungad nya saakin.

"Na b*tch rin" pag-dugtong ng magaling na si Rizza, kasama nya pala yung mga espasol nyang alipores, may back-up huh?

"Edi b*tch na kung b*tch atleast hindi ako desperada kagaya ng iba..."

"What did you just say?" Namumula na sa ang muka ni Thalia.

"Desperada na nga bingi pa, itanong mo dyan sa mga kaibigan mong nginodngod sa harina" pang-iinis ko sa kanyang mga kaibigan. Mukang effective dahil ang sasama na ng tingin nila saakin.

"O kaya dyan sa kaibigan mong desperada rin, diba Rizza?"

"You son of a b*tch" sinugod ako ni Rizza pero hinawakan ko yung kamay nya na ipangsasampal nya san saakin at inikot yun sa likod nya. May pag-gagamitan rin pala ako ng mga itinuro saakin nila Manong Den, mga tricycle driver sila sa baranggay namin. Self-defense ko daw para pag may nag-tangkang rape-in ako ay madali daw akong makatakas.

Sobrang close kasi kami ng mga yun, since laging wala si Duke and it's either may sya practice ng basketball o nakikipag-landian sya kay Rizza. Si kuya King? Nasa computer shop, naglalaro. At alam naman nating lahat na gabi na umuwi si mama. Hindi rin nakakapunta si Momshie sa bahay kapag weekends dahil may bonding daw sila ng family nya, yung anak nung asawa nyang namatay.

Ang alam ko may asawa't anak na rin yun. May Instant anak at apo si Momshie. Ayy! Bat pala yun yung pinag-uusapan natin? Nasa kalagitnaan ako ng isang stressful event.

"Rizza, kita mo namang babae ako diba? Daughter dapat" saka tinulak si Rizza kaya napadaing sya sa sakit.

"Muka ka namang Lalaki ehh, look at the way that you dressed you looked like a Manang kaya" pinasadahan ng tingin ni Thalia ang buo kong katawan. Tuwing friday kasi ay pwedeng civillian ang isoot. Ano bang problema sa damit ko? Simpleng T-shirt at jeans lang naman ah. Sila nga dyan kulang kulang na sa tela ang damit nilalaiit ko ba sila? Naghihirap na talaga mga babae ngayon.

"Well, it's Ok atleast di ako katulad nyong mukang mga pokpok. Oh speaking of Prosti, Rizza naalala ko pala. Nasarapan ka ba dun sa lalaki?" Nakangisi akong bumaling kay Rizza. Hindi ko na pinansin sila Thalia'ng namumula ang muka sa galit.

"What the hell! Did i just hear pokpok?"

"O to the M to the G! Rizza is a Prosti?"

"Yucks, so kadiri! Let's make layo na sa kanya Thalia. She's sooooo kadiri kaya"

Bulungan ng mga friends or should I say soon to be Ex-friends ni Rizza.

"W-wag kayong maniwala sa kanya...S-she's a liar" aba! Ako pa talaga ang liar.

"Our friendship is over Rizza. I don't want to have a friend that is a Prostitute" mataray na sabi na Thalia. Meron nanaman bang Drama? Sang channel na ba to ilalabas? Hindi parin ako maka-get over dun sa hiwalayan scene nila ng #GabRi.

"Naniniwala kayo sa babaeng yan? I thought you hate her" Hindi makapaniwalang sigaw ni Rizza.

"Yes I hate her but I also believe to what she has said Because she is bad at lying" ay! Akala ko kampi kami tapos yun lang pala. Natandaan ko nung tinanong nya ako kung nasaan si Sendrick, may date pa naman ang mag-honeybunch at ayaw nilang may istorbo kaya sinabi ko kay Thalia na nasa Bahay nila sya dahil may sakit ang aso nya. Pero bwisit! Wala palang aso sila Sendrick, kaya hindi ako tinigilan ni Thalia at sinabi ko sa kanya ang totoo.

At dahil mabait akong kaibigan hindi ko sinabi kung saan sila nag-date.

"Let's go girls!" Sabi ng leader nila kuno na si Thalia.

"UGH!! I HATE YOU! YOU'LL PAY FOR THIS SON OF A--" inis na sigaw saakin ni Rizza pero dahil gusto ko pa nga syang asarin.

"Whoops! Daughter nga"

"B*TCH! GO TO HELL!" saka nag-walkout. Bibigyan ko na talaga si Rizza ng Best Actress award may pa walkout pa si mayora.

Nakakahagard na talaga sila!

_________________

A/B/N: Yoww yoww yowww! Mga ka pars! Sorryy talaga sa pagiging mabagal i'll try my best para mas maging mabilis ang takbo ng storya.

Continue supporting!😁😂

Lovelots <3

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon