VII - Mall

82 18 0
                                    


A/B/N: nawala po ako ng isang araw para mag-type ng isang chapter! Sinikap ko na maraming matype para hindi pagalitan ni Manager. XD pero dahil tamad nga ako isa lang hahaha.

Third persons view po to dahil Trip ko lang.
___________________

[ Third Person's View ]

Lumipas ang mga buwan at mas lalong naging malapit ang mga kaibigan ni Duke at Tin. Madalas silang mag-kasama dahil nag-aaya ang kanilang mga kaibigan na lumabas.

"May gagawin ba kayo bukas, Honeybunch?" Tanong ni Cassandra sa kanyang nobyo habang sila ay naka-upo sa Canteen. Limang buwan narin sila at kahit papaano ay hindi naman masyadong ginugulo ni Thalia ang relasyon nila.

"Wala naman, bakit?"

"Feel ko kasing mag-mall bukas. Linggo naman eh. Ano game kayo?" Masiglang tanong ni Cassandra sa barkada.

"G ako! Ikaw, Garter?"

"Ummm...May date kami bukas ni Hillary"

"Hillary? Sino nanaman ba yan?"

"Hindi mo kilala? Si Hillary Ellis, yung sikat na model"

"Hillary Ellis? Wala pa akong naririnig na ganyang pangalan"

"Wait parang nakita ko na yang pangalan na yan" pilit na inalala ni Cassandra kung saan nya yun nakita.

"Hillary Ellis...Model sya sa isang Magazine, right?" Napatingin ang lahat kay Tin na nagbabasa ng libro.

"Oo, tama tama" proud na proud na tumango si Andrew sa mga sinabi ni Tin.

"O? Yang mukang yan nakapingwit ng model!? Iba ka talaga, Garts"

"Model ata yun ng mga underwear" Napatingin ulit sila kay Tin na nanglalaki ang mata, maliban nalang kay Duke na busy sa pagte-text kay Rizza, nag-bati na rin ang dalawa. Sinuyo ni Duke si Rizza at dahil sa kalambingan ni Duke ay pinatawad na sya neto.

"Aba! Model pala ng bra at panty ang hanap mo, bro?" Pang-aasar ni Sendrick sa kanyang kaibigan.

"Hahaha, plano mo pa atang maka-iscore. Sige! Pag-butihin mo yan" Gatong ni Dale sa pang-aasar.

"Mas pipiliin mo pa talaga yang babaeng model ng underwear kaysa saamin? You're so bad talaga! Pero sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa gala natin" nag-pout si Cassandra pero tinakpan ng mga kamay ni Sendrick ang muka nya.

"Honeybunch, ano ba?!" sigaw ni Cassandra habang tinatanggal ang kamay ni Sendrick na nasa mukha nya.

"Wag ka nga'ng mag-pout sa harapan nila dapat sa harapan ko lang. Masyado kang cute Hon kaya ayaw kong may ibang nakakakita ng ka-cute-an mo maliban saakin" namula naman ang ang mga pisngi ni Casaandra dahil sa mga sinabi ng kanyang nobyo. Hinila sya ni Sedrick papalapit sa kanya at binigyan ng mahigpit na yakap.

"Tama na ang landian nasa harap tayo ng pagkain" pambabasag ng bitter na si Duke dahil nami-miss nya na rin kasi si Rizza, ilang araw na rin silang hindi nagkita dahil may sakit DAW sya.

"Bitter nanaman si boss, ang tagal naman atang magkasakit ng loves mo" sabi ni Dale.

"Oo nga no? Ilang araw narin, baka may cancer na pala yun hindi natin alam tapos namata-"

"Shut up, Tin"

"What? I was just joking"

"Hindi nakakatawa ang Joke mo"

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon