XV - Anong nakain mo?

91 19 0
                                    


A/B/N: Don't Forget to Vote nga pala!

___________________________

[ Tin's POV ]

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang bakanteng space sa tabi ko. Ang aga naman atang nagising ni Duke, may practice ata sila.

Bumangon ako at naramdaman na sobrang sakit ng katawan ko, then reality hits me. MAY NANGYARI NGA PALA SAAMIN!

Kaya pala sobrang sakit 'down there', Bwisit na Duke yun pinagod ako. May quiz pa naman kami ngayon. Sinubukan kong tumayo at naramdaman ko yung kirot, ganto ba talaga pag first time?

Hirap na hirap kong kinuha ang mga damit ko at pumunta na sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako at nakita ko sila mama at kuya na kumakain, aba't di man lang ako hinintay.

"Morning ma....Kuya" bati ko at humalik sa pisngi ni mama ganun din kay Kuya.

"Good morning rin Tin-Tin, Kamusta tulog?" Tanong saakin ni Kuya King, Tsk! Hindi ata ako pinatulog ng kapatid nyo.

"Ok lang naman. Bakit pala maaga kang nagising kuya?" Tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Dadaan muna ako sa Com" bulong nya saakin.

"Com?"

"Computer shop. Ano ba naman Tin, slow lang? Kala ko ba matalino ka?" Bulong nya. Adik talaga to! Walang araw na hindi mag-cocomputer.

"Pag yan nalaman ni mama"

"Wala yan! Basta secret lang natin ha?"

"Ewan ko sayo" pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.

______________________

Naglalakad na ako dito sa hallway ng school, ang hirap pa ring mag-lakad.

"Beshywaps" napatalon ako sa gulat dahil dito kay Cass. Grabe! Pano pag inatake ako sa puso dito? Perahas talaga sila ni D-duke....

Bat ako nauutal? Iniisip ko nanaman kasi yung lalaking yun, naalala ko tuloy yung kagabi. Sh*t! Tumigil ka nga Cylestine!

"Hoyyy! Bessywaps" tawag ulit saakin ni Cass.

"O ano?"

"Aga aga ang sungit mo" nakanguso'ng sabi ni Cassandra.

"Ano nga kasi yun?"

"Tinatawag lang naman kita ah, masama ba?"

"Oo!" Nag-lakad na ulit ako, humabol naman tong si Cass.

"Hulaan ko, meron ka no?"

"Wala"

"Liars go to hell"

"Eh hindi naman ako nag-sisinungaling"

"Bes kasi! Galit ka ba saakin?" Tiningnan ko sya, ano ba namang klaseng tanong yan?

"Pano mo nasabe?"

"Ayyy yung kalbo lang ang peg?"

"Tss! Tara na, malate pa tayo ikaw ang may kasalanan"

"Hindi yan!"

"Ahh basta!" Hinila ko na sya papunta sa classroom namin. Kung ano ano kasing sinasabi.

_______________

Mag-isa nanaman akong nag-lalakad papuntang labasan. Iniwan kasi ako ng magaling kong bestfriend at mag-mamall daw sila ni honeybunch nya, Na-weweirdohan parin ako sa kanilang dalawa. Ang pangit naman kasi ng endearment nila.

"Tin!" I heard a familiar voice called me. Not now.

Binilisan ko ang pag-lalakad. Lupa, Kainin mo nalang ako ngayon oh! Wag lang maka-harap ang lalaking to.

"Tin!" Tawag nya ulit pero tuloy parin ako sa paglalakad.

"Aphrodite Cylestine Vasquez-Montecillo! Hintayin mo ako" napahinto ako sa pag-lalakad. Bat nya ako tinawag ng ganun? Pag may naka-rinig lagot talaga sya saakin.

"Anong bang problema mo Duke?" Inis na tanong ko sa kanya pag-kalapit nya saakin.

"Ikaw! Bakit hindi ka manlang huminto? Kita mong tinatawag kita" hingal na hingal nyang sabi.

"Bat mo ako tinawag ng ganun? Eh pano may pag-nakarinig?"

"Anong ganun?" Aba't nag-patay malisya pa ha, eh kung tadyakan ko kaya to ngayon! As in now na!

"Just answer it, if you don't want to experience hell!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Ok lang na-experience ko naman ang heaven kagab--"

"DUKE! Manahimik ka nga!" Umakyat na lahat ng dugo ko sa katawan papuntang muka. Paniguradong pulang-pula na ako.

"Just stating the truth"

"Sasagutin mo o sasagutin mo?" Tinaas ko ang aking kamao. Napalunok naman sya, tama yan! Matakot ka! Hwahahaha.

"Totoo namang Aphrodite Cylestine Vasquez-Montecillo ang pangalan mo"

"Wag mo ng ulitin!"

"Bakit?"

"Basta!" Nag-lakad na ako palayo sa kanya pero ang tigas talaga ng bungo ng lalaking to at sinundan ako!

"Stop following me!" Sabi ko kahit nakatalikod, alam kong nandyan sya.

"Ehh Ayaw!" Parang bata syang umiling-iling.

"Ano bang nakain mo't ayaw mong makinig"

Lumapad ang ngiti nya. Luh! Anyare dito? Lumapit sa sya saakin, tenga ko to be exact.

"Nakalimutan mo na agad, Wife?" bulong nya saka lumayo at ngumiti.

Kumonot ang noo ko, anong pinagsasabi nito?

"Ikaw lang naman yung kinain ko"

(-///-) F*ck! He got me!

I'm speechless, bwisit na lalaki to!

"Let's go home" saka hinila ako.

__________

A/B/N: Yowww yowww! Long time No Update ahhh😂 Sareh ok? Hindi ko na kasi nabubuksan ang wattpad ko sa kadahilanang naging isang AROHA na ako!❤ Yieeeeee! Na-inlabs kasi ako kay Rocky😍 gwapo nya kasi tapos kyoot pa sya tapos magaling syang sumayaw as in sobraaa tapos ang astig nya mag-rap pero mas gusto ko syang kumanta😂 Share ko lang?

Feeling ko mas mahaba pa ata yung Note ko kaysa sa UD ko😂 Yaan na!

Sige gora bells na ako!😋

_lablotssssss💙

PS. Akin lang si Rockyyyyy!😆💞

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon