A/N: So ayun may 'mga' nagrereklamo saakin na mas madami pa daw ang author's note ko kaysa sa mismong update .
Pasensya XD dairy ko din to oh.
-----------------
[ Tin's POV ]
Hinayaan ko nalang ang sarili kong lamunin ng antok, wala akong tulog these past few days. Simula ng succesful operation ko kay Mr. Valera, nagsimula na din ang pagtanggap nila ng pasyente na ooperahan ko.
Parang bumalik ulit ako sa dati, nakakamiss rin palang magbukas ng mga laman ng tao.
Ngayon nalang ulit ako nakauwi sa bahay. Tulog na din ang lahat pag dating ko dito. Paniguradong kailangan ko bawian si Gaddiel dahil matagal tagal din akong nawala.
I was about to sleep when the door suddenly opened. Agad akong napadilat ng maramdaman ko iyon, baka mamaya ay pinasok na pala kami ng masasamang loob.
Then I saw a little man walking in the dark, holding his blanket.
"W-who are you?" tanong nya saakin. Siguro ay hindi nya ako makilala dahil madilim lang talaga sa kwarto ko. Humiwalay na din sya saakin ng kwarto after ng mahaba habang pamimilit sa kanya.
"I'm Mary" iniba ko ang boses ko ng sinabi ko iyan.
"Why are y-you here?"
"I'm here to eat you" sagot ko naman.
"WAHHHHH!" Bigla itong sumigaw kaya dali dali ko namang tinakpan ang bunganga nya, baka magising sila tatay. Nagpumiglas naman etong si Gaddiel.
"Shhh. Baby, wag maingay" suway ko. Napatigil sya ng marinig ako.
"Bakit kaboses mo si Mommy? Are you deceiving me, Mary?" He actually thought I was Mary.
"I'm mommy. Mommy was just teasing you" tumayo ako at binuksan ang lampshade sa gilid ng higaan. Agad na nanglaki ang mata ni Gaddiel.
"Mommy!" yumakap kaagad sya saakin.
"I missed you, young man" parang nawala lahat ng pagod ko ng mayakap ko si Gaddiel.
"I miss you more, Mommy" I know. Sobrang higpit ng pagkakayakap saakin eh.
"Let's sleep" pang-aaya ko sa kanya pero parang ayaw nya.
"What's wrong?" tanong ko.
"If I sleep, maybe tomorrow when I wake up hindi ko na ikaw makikita ulit"
"Of course not. Nag day off si Mommy para sayo" pinaalam ko ito kay Director, pumayag naman sya.
"Really?"
"Yes. So let's sleep, we'll bond tomorrow. Babawi ako" sumilay naman ang maganda nyang ngiti na minana nya sa daddy nya. Halos lahat ng features ay galing kay Duke. His eyes, lips, nose...Everything!
"I love you, mommy" sabi nito bago matulog.
"I love you too, Gaddiel" hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo bago tuluyang natulog.
. . . . .
"Wait lang, Diel. Upo muna tayo" Grabe! Hype na hype tong anak ko. Full energy. Wala man lang kapaguran.
Halos lahat ng rides nasakyan na namin ah. Wala pause pause, pagkatapos ng isa sasakay nanaman sa isa.
"Pero mommy, gusto ko po doon oh" turo nito sa may bumper cars. Paniguradong alog ang ulo ko dyan.
BINABASA MO ANG
Locked Hearts
RomanceAphrodite Cylestine Vazquez and Duke Gabbriel Montecillo. Sperm pa lang ang dalawang ito ay ipinagkasundo na sila ng kanilang mga nanay na mag bestfriends at dahil sa sobrang excited ng kanilang mga ina ay ipinadala pa sila sa ibang bansa para doo...