____________Sinundan ko lang si Duke kung saan sya dalhin ng mga paa nya kaya ngayon nagkahiwa-hiwalay na kami. Hindi ko alam kung nasaan sina Maria Cassandra, bahala sila dyan. Hindi nila kami sinundan kaya sila mag-hanap.
Napadpad sya sa department store, aba! May plano ba syang bilhin? Sa itsura nya mukang wala syang pera. Sinusundan ko sya hangang sa loob, nakakapagod na ha! Maya maya ay nandito na kami sa kids section.
P*ta! Bat to nandito? Don't tell me may anak na sya!? OH MY GOSH! may nabuntis na sya? Isusumbong ko sya kay mama.
"Hi sir! How may I help you?" Pagpapacute este tanong nung saleslady na pandak. Wala pa ata yan sa 3 feet eh.
"San yung mga teddybears?" Tanong naman ni Duke at saka ngumiti, yung pamatay nyang ngiti kaya may mga haliparot na mga babae sa likod ko ang nag-bubulungan.
"Look at him oh?"
"Ang gwapo nya friend"
"Excuse me! Boyfriend ko kaya yan" pagyayabang nung isa.
"Talaga?"
"Yes kaya back off girls, he's mine"
"Bakit nandito ang boyfriend mo?"
"A-ahh kasi...Binibilhan nya ako ng gift monthsarry na kasi namin next week"
"Ang sweet naman ng boyfriend mo"
"I know right!"
"Tara lapitan natin, pakilala mo kami"
"NO! I mean-masisira yung surprise nya saakin sa monthsarry namin pag-lumapit tayo. Magpapanggap nalang akong na-surprise"
Tss...Babaeng haliparot #1 nakakairita ka ha? Ginawa mo ng boyfriend, kakakita mo pa lang sa kanya. Wait! Don't tell me may ibang girlfriend si Duke!? Kala ko loyal sya kay Rizza.
"Sir para po sa pinsan nyo?" Tanong ng isa pang haliparot na saleslady.
"Ahhh hindi-"
"Sa kapatid nyo, Sir?"
"No-"
"Nanay nyo, Sir?"
"Hindi, nasan na ba kasi mi-" nakita ko ang pag-kunot ng noo ni Duke dahil sa pagputol nanaman ng saleslady. Naiinis na rin to, panigurado.
"Sa girlfriend nyo sir?" May panghihinayang na tanong ng saleslady kaya narinig ko nanaman ang bulungan sa likod ko.
"Yan na bes! Para sa girlfriend nya"
"Ang landi naman nung saleslady"
Mapagtripan nga. ^______^
Lumapit ako doon sa haliparot #2 este sa saleslady at kay Duke at ikinawit ang aking kamay sa kanyang braso at ngumiti ng malapad.
"Hubby! Buti nakita na rin kita"
"O M G! Girl, may ibang babae ang boyfriend mo"
Napangisi naman ako sa sinabi nung kaibigan ng #1 na hiliparot
"Para sa girlfriend nyo sir?" Malungkot na nakatingin saakin yung malandi na saleslady.
"Ang alin?" Patay malisya kong tanong. Ako muna sasagot, Duke ha? Feeling ko kasi ang sarap mang-away.
"Yung teddybear po" sagot nung haliparot #2 aka Saleslady.
"Ohh really? Nag-hahanap kasi kami ng regalo para sa anak namin, ang galing mo talagang pumili ng regalo hubby. Sa tingin ko magugustuhan yan ni Gallery" binigyan ko si Duke ng isang makisakay-ka-sa-trip-ko look kaya tumahimik nalang sya.
BINABASA MO ANG
Locked Hearts
RomanceAphrodite Cylestine Vazquez and Duke Gabbriel Montecillo. Sperm pa lang ang dalawang ito ay ipinagkasundo na sila ng kanilang mga nanay na mag bestfriends at dahil sa sobrang excited ng kanilang mga ina ay ipinadala pa sila sa ibang bansa para doo...