[ Tin's POV ]Ano yun? Bat parang may tumutusok sa muka ko?
Minulat ko ang mga mata ko at nasilayan ang isang gwapong halimaw- este lalaking nagngangalang Duke.
"Buti nagising ka na" sabi nya pero hindi pa rin tinitigilan ang pisngi ko.
"Kanina ka pa gising?" Bumangon na ako at umupo sa gilid ng higaan. Kaharap ko ngayon yung glass door kitang kita ang napaka-gandang view ng sunset.
"Yup" He said popping the 'p'.
"Bakit di mo ako ginising agad?"
"You're cute when you're sleeping" nakangiti nyang sabi saakin.
Nakaramdam ko nanaman yung kakaibang pagbilis ng puso ko. Baka may sakit ako sa puso? Lahat nalang kasi ng sinasabi't ginagawa ni Duke, ang lakas ng tama saakin.
"Uhhh....Duke tara na, baka hinahanap na tayo nila mama" pag-iiba ko ng usapan para makaiwas. Ano naman isasagot ko sa sinabi nya? 'Alam ko' o kaya 'I know right'??
"Ok, mauna ka na mag-bihis. I'll wait for you here" napapansin ko. Napapadalas ng mag-english tong si Duke. Feeling Foreigner lang?
Pumasok ako sa Bathroom ng kwarto, infernes malaki. Ayy! Mag-suot kaya ako ng swimsuit? Last na rin naman eh. Matagal tagal akong hindi makakapagsuot ng ganun dahil surely after ng ilang months malaki na ang tyan ko. I'll miss my body. Hayyyss!
Isinuot ko yung bulaklakang off-shoulder swimsuit na binili ni momshie para saakin, nagsuot naman ako ng short. May hiya pa naman ako ehh.
Pagkalabas ko ay sumalubong agad saakin ang naka-kunot noong si Duke, Ano nanaman ba ang meron? Pupunahin nya ba tong suot ko? Alam ko na yang mga ganyan, nababasa ko sa libro.
"What's that?" Tanong nya.
"Saan?" Lumingon lingon ako.
"What are you wearing?"
"Swimsuit. Ano ba naman, ang laki laki mo na hindi mo pa alam ang swim-"
"Shut up and change, Now!" hindi ko pa natapos ang pag-pipilosopo ko sa kanya ay nagsalita na agad sya. Aba't ang bastos naman netong lalaking to!
"Pano kung ayaw ko?" Pang-iinis ko sa kanya pero imbis na mas lalong magalit ay ngumisi eto.
Luhh? Nabuang ata.
"Ayaw mo?" Humakbang sya papalapit saakin at nakatingin lang ng diretyo sa mata ko.
"U-uhhh....Ayaw?"
"Ayaw mo talaga?" Humakbang pa sya papalapit, hindi ko namang maiwasang humakbang palikod dahil malapit na sya saakin.
"Ok sige! Ako nalang magpapalit sayo" nakangisi nyang sinabi saakin at hinila papuntang Cr.
HOMAYGOSHIS!? ANO DAW?
"Tinanong na kita kanina, sabi mo ayaw mo. Edi ako nalang magpapalit sayo kaso baka hindi lang ata pagpapalit ng damit ang mangyayari dito eh" sabi nya saakin ng may pilyong ngiti sa labi. MANYAK TALAGA!
"BASTOS KA! Lumayas ka dito! Kaya kong magpalit"
"Sabi mo ayaw mo"
"Kapag hindi ka umalis, ipapalunok ko tong mga sabon sayo"
Lumabas naman sya habang tumatawa. Bwisit talaga yang lalaking yan!!!!
___________________
Nandito kami ngayon sa labas ng hotel. Nag-set up sila Kuya Cyrus ng bonfire habang nasa loob pa kami kanina.
"Tara! Walwal!" Masayang sabi ni Kuya Leo.
"Hoy Leo! Anong Walwal? Gusto mo bang ipukpuk ko sayo tong bote!?" Pagbabanta ni Momshie, patay ka!
"Ikaw naman ma! Di na mabiro"
"Aba! Subukan mo lang talaga Leo Jose, hindi kita pinalaking basag ulo't lasenggero" sabi ni Momshie na ikinatawa nami.
"Tara na't kumain, mamaya na magkwentuhan" eto talagang nanay ko, Killjoy!
......
"Akingggg sintaaaaa! Ikaw na ang tahanan at mundooowwww~" nagtabon ako ng tenga dahil sa pagkanta nila kuya.
Pagkatapos naming mag-swimming ay nag-aya na sila kuya na magbonfire at Grabe! Ang ingay ng mga to! Nag-gigitara kasi si Tatay ngayon, etong si Kuya Leo at Kuya Cyrus naging Duo, sige ang biritan kahit di kagandahan ang boses, Si Kuya King naman todo hataw sumayaw kahit Mundo yung kanta nila kuya. May tama na kasi. Ang lalakas pa ng tawa nila Mama dito.
"O ikaw Duke? Nanahimik ka lang dyan ha, hindi ka makakatakas! Sample naman ng dance moves dyan oh" Sabi ni momshie, dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya. Hahaha oo nga no? Ang tahimik nya. Muntik ko na ngang makalimutan na kasama pa sya dito.
"Pass po ako dyan"
"Hay naku sissy napaka mahiyain naman netong bunso mo" natatawang wika ni momshie.
May kumalabit saakin at nakita kong si nanay iyon. Binigyan nya ako ng sumunod-ka-saakin-wag-ka-aangal look saka Tumayo at naglakad papalayo. Wala naman akong magagawa kundi sundin sya.
"Bakit po, nay?" Tanong ko kaagad sa kanya ng makahabol ako.
"Wala lang. Gusto ko kamustahin ang bunso ko. Ano? Kamusta ang buhay may asawa?"
Eto, buntis na. Hayyyss! Kung pwede lang sabihin sayo nay.
"O-ok lang naman po, nay. Medyo naging ok na rin kami ni Duke"
"Tama yan! Para makabuo na agad kayo ng apo ko, hahahaha!" Agad na nanglaki ang mata ko. Ibig sabihin gusto nya na magka-apo? Matatanggap nya na yung baby namin.
"P-pwede kaming magka-anak ni Duke? Ok lang sa iyo?"
"Ano? Joke lang yun, bawal pa! Ayaw ko pa magka-apo. Ang bata bata ko pa para maging lola. Wag mo sabihing gusto mong mabuntis na? Naku tin! Subukan mo lang talaga... Hindi na kita ituturing na anak" May halong pagbibiro sa tono nya pero alam kong seryoso sya.
"H-hindi...Nagulat lang ako sa sinabi mo, nay. Ikaw pa naman ang laging nagsasabi na wag kaming gumawa ng milagro kahit na kasal kami" sh*t, wala na....Pano ko to sasabihin sa kanya. Alam kong hindi ito matatanggap ni nanay.
"Pero seryoso, anak. Wag muna, bata pa kayo. Mag-focus na lang kayo sa pag-aaral diba pangarap mong maging doktor, matagal tagal pa bago ka makapagtapos. Pano ka makakapag-aral ng maayos kung may anak ka?" I smiled weakly to her.
"Tara na baka kung ano na ang ginawa nila Flora dun" aya nya saakin at sabay kaming naglakad papunta sa bonfire.
______________
A/B/N: Nagpaputol ako ng buhok😣 skl! Pero konti lang nanghihinayang yung nag-gugupit saaking Bakla dahil maganda daw yung buhok ko.
HAPPY NEW YEAR NGA PALA! New year New story😏 Abangaannn~~~ (hahaha nalate na! Nakalimutan ko ipublish)Grabe! Nakawala na rin sa stress...Weekend naaaaahhhhh!
Lovelots<3
BINABASA MO ANG
Locked Hearts
RomanceAphrodite Cylestine Vazquez and Duke Gabbriel Montecillo. Sperm pa lang ang dalawang ito ay ipinagkasundo na sila ng kanilang mga nanay na mag bestfriends at dahil sa sobrang excited ng kanilang mga ina ay ipinadala pa sila sa ibang bansa para doo...