XIV - First Time

88 17 0
                                    


[ Third Person's POV ]

Dalawang na buwan ng nakalipas mula noong nag-lasing si Duke at malaki na ang naging pag-babago sa mga buhay nila.

Naging mas malapit na sila Tin at Duke sa isa't isa, nag simula nang bumawi si Duke nung araw pag-katapos nyang maglasing. Palagi na silang nagsasabay umuwi dahil baka daw may mang-yaring masama kay Tin, walang mag-liligtas at tutulong sa kanya.

Sabay rin silang kumain kapag break time at Lunch, kaya madalas silang inaasar ng mga kaibigan nila. Umabot na rin ng seven months yung dalawang mag-honeybunch. Ang strong nila huh.

Nalaman rin ni Duke ang nangyari kay Tin, kaya mas lalo nyang binantayan si Tin. Ayaw nyang may masamang mangyari dito.

"Hoy Aphrodite!" Tawag ni Duke kay Cylestine habang naglalakad sya sa parking lot ng school. Huminto sa pag-lalakad si Tin dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa kanya.

"O ano?" Mataray nyang tanong dito. Nasanay na rin si Duke sa laging pag-susungit ni Tin.

"Grabe! Ang bilis mo maglakad" napahawak pa si Duke sa kanyang mga tuhod habang hinihingal.

"Yun lang ba? Uwi na ako" walang ganang sinabi ni Tin. Napasimangot naman si Duke.

"Sabay na tayo"

"May choice pa ba ako?" lagi na kasi silang sabay umuwi at pag hindi pumayag  si Tin ay pipilitin sya ni Duke.

"Wala, Tara!" Hinila ni Duke ang kamay ni Tin papunta sa sakayan ng jeep. Nakaramdam nanaman si Tin ng kakaiba dahil sa pag hawak ni Duke  sa kanyang kamay.

________________

[ Tin's POV ]

Nakakainis naman tong si Duke, nakatitig ba naman saakin. Yung puso ko tuloy wala nanaman tigil kaka-kabog.

"Hindi ka pa rin ba tapos?" Tanong nya saakin for the tenth time. Unti unti na rin akong nasasanay dito kay Duke, this last few months nag-iba na sya. Epekto siguro ng break up nila ni Rizza.

Speaking of Rizza, hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga ginawa nya, luckily hindi nya na ako nabu-bwisit. I heard na nag-usap sila ni Duke about dun sa nangyari.

"Hey...Wife you're spacing out" napabalikwas ako dahil nasa harapan ko na pala si Duke, hindi ko man lang napansin. He's calling me wife kapag andito kami sa bahay, pinabayaan ko nalang kapag kasi nagkasagutan kami lagi ako ang talo.

"Ano ba Duke! Pag ako inatake sa puso"

"Sorry...I'm just worried napapansin ko kasi lagi ka ng late matulog dahil sa kakabasa mo" sabi na Duke at kitang kita mo talaga ang pag-aalala sa mga mata nya.

"I'm Fine. Eight palang naman eh, ikaw ang matulog may practice pa kayo bukas. May laro pa naman kayo sa susunod na araw"

"Ok, Pagbibigyan kita ngayong week pero sa susunod 8:30 palang dapat matulog ka na" tumayo na sya at humiga na sa kama.

"Ang daya naman ata-"

"Matutulog na ako, good night!" Pinikit nya na ang kanyang mga mata. Hayss! Talo nanaman, pag-aaralan ko yang mga moves nya para ako naman manalo sa susunod. Hihingi ako ng payo kanila Andrew bukas.

Wala na akong gusto Dale, ewan ko ba. Ngayong friends na kami at naging close wala na akong nararamdamang kilig? Pero dati pag tumingin lang sya sa gawi ko daig ko pa yung nanalo sa lotto sa sobrang saya.

____________________

Humiga na ako sa tabi ni Duke, nawili ata ako sa binabasa ko at hindi ko na napansin yung oras. Hindi rin ako makatulog, what's happening to me?

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon