XXIV - We meet again

86 17 0
                                    

A/B/N: As promise! ; )

_____________

[ Tin's POV ]

Kinabahan ako bigla ng magtama ang mata namin buti nalang at nahimatay sya kundi baka ako yung mamatay dahil sa kanya. Hindi ko pa rin sure kung bakit sya nawalan ng malay... probably because he's stressed or tired.

Dumating na si Page kasama ang mga tauhan ng restaurant. "I told you to continue the Cardiopulmonary resuscitation, didn't I?" Pagalit na sigaw nya. Ganito sya palagi when it comes to patients, she's too serious. As if lahat ng pasyente nya ay mamatay. Hindi nya ba matandaan ang muka ng walang hiyang 'to?

"I already did! He suddenly fainted when he woke up" sagot ko.

"Take him! Let's go to to the nearest hospital" utos nya sa mga tauhan, agad namang sumunod ang mga ito. Binuhat nila si Duke paalayo. Akmang aalis na rin si Page kaya hinawakan ko ang kamay nya para pigilan. "Where the hell are you going?"

"I'll go with them--"

"He's not your responsibility, Page! He's not even your patient so please stop this nonesense already!" Hindi ko na napigilan ang boses ko dahil bigla nalang itong nagtaas.

"Tin you're also a doctor. We can't just stand here and do nothing"

"Hindi mo ba nakikita? Dadalhin na nila yung lalaki sa ospital. They don't need us there. Maraming doctor doon na tutulong sa kanya, Page" sigaw ko.

"Bakit ba ganyan ka? Dati pag may mga nangyayaring ganyan parang kapamilya mo yung nasa alanganin kung iligtas mo!"

"That man is Duke Montecillo, for pete's sake! The freaki'n Duke Montecillo" halatang nagulat sya sa sinabi ko. Napabuntong hininga ako.

Why are we here at the first place? Sana hindi nalang talaga kami pumunta dito!

"I-i'm sorry" siguro ang ngayon nya lang din napansin na si Duke iyon. Malaki ang pinagbago ni Duke, he's now a full grown man.

"No it's--"

"But I'm really bothered about his condition. Hindi natin alam ang dahilan kung bakit sya nawalan ng conciousness" sabi nya.

"Please, Tin. Kung ayaw mo syang makita ay wala ka nang magagawa dahil tadhana na ang kusang naglalapit sainyo" pagpapatuloy nya pa. Ayaw ko nang makita ang muka ng Montecillo'ng iyong.

"We'll visit him tomorrow. Is that fine?"

"Good enough! Tara sa Hotel!" Tsk! Bakit ba may gantong kaugalian si Page? Parehas naman kaming ganito na kahit hindi namin pasyente ay nag-aalala kami ng husto. Kung hindi lang si Duke yun baka parehas kaming nasa hospital ngayon ni Page at naghihintay na magising ang pasyente para lang kamustahin.

Kaso si Duke yun! Ang dakilang manloloko ng sangkatauhan!

_________

[ Duke's POV ]

Pagmulat ko ng mga mata ko ay puro puti lang ang nakikita ko. Where the hell am I?

"D-duke? Finally your awake!" Nakangiting bati saakin ni Jake. Ang t*rantadong tumulak saakin sa swimmingpool na iyon.

"Lumayo ka nga saakin gunggong ka! Pano pag natuluyan ako ng dahil sa biro mong iyon?" Inis na singhal ko sa kanya.

"Sorry brad! Hindi na mauulit!"

"Tanga mo naman kasi, sinabi nya na ngang hindi sya marunong lumangoy! Anong pumasok dyan sa kokote mo at tinesting mo pa?" Binatukan sya ni Prince. Isa sa tropa namin. Nagkakilala kami sa isang event na dinaluhan ng mga artista. Naging mag-bebestfriends kami pagkatapos nun.

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon