A/B/N: Ayan hahaha! Dalawa na update ko...Sana magustuhan nyo.
_____________
[ Flora (momshie) Lesage's POV ]
Nauna na akong mag-lakad kay Cylestine. Kailangan ko muna ng space, kailangan pa ng utak ko i-accept ang mga pangyayari.
Cylestine is pregnant, for goodness sake! Ang bata pa nila. They just finished highschool, pano mag-aaral si Cylestine neto? Baka i-bully sya ng mga kaklase nya, bawal rin syang himunto sayang ang pinag-aralan nya. I know Tin can do better than anyone else, she's smart. May future sya.
But I'm also happy, it's a sign na nag-improve ang relationship nila ni Duke.
"Ohh Flora, Nasaan si Tin?" Bungad agad saakin ni Ate Ivy, ang nanay ni Tin. Ate Ivy is really strict pagdating kanila Tin at Duke, kaya ayaw na ayaw nyang mag-kaanak agad sila. She wants the best for them, I guess?
"Oo nga para makapagsimula na tayo" si Ate Gallery, ang mama naman ni Duke. Actually, Ate Ivy and Ate Gallery are opposites. Ate Gellery really wants to have a grandchild, sya pa nga ang pumipilit kanila Duke and Tin ehh. Minsan nga pati si Gavin sinasabihan nya na bigyan sya ng apo.
I don't know why they become bestfriends.
"Papunta na rin yun dito, nauna lang ako" saka umupo sa isang upuan doon.
Ilang minuto at dumating na rin si Cylestine.
"Finally dumating ka na rin! Kain na tayo" nilapitan agad sya ni ate Ivy.
"A-ahhh sorry p-po....ano po kasi..."
"Wag ka na mag-paliwanag. Sinabi na saakin ni Flora" tumingin sila saakin. Aba! Bat nyo ko tinitingnan?
"C'mon let's eat para makapag-pahinga na para mamayang gabi makapag night swimming tayo" aya ni ate Ivy sa lahat at nauna nang umupo.
[ Tin's POV ]
"Anong gusto mo Tin? Oh! I'll just order your favorite, menudo" sabi ni mama. Yesss! Gusto ko nun!
Tumango tango ako.
Ng sinerve na ang pag-kain ay parang may naamoy akong mabaho. Uhh! Ang baho talaga. Tiningnan ko yung minudo at inamoy ito, bakit ang baho nito? Panis na siguro?
"Ma, panis na ata etong minudo. Ang baho ehh!" Inamoy naman ni mama yung menudo.
"Hindi naman ahh!" Bakit ganun? Ang baho kaya!
"Ayaw ko ng kainin to" sabi ko.
"Kumain ka anak" si mama habang kumakain. Parang sarap na sarap sya. Hmp! Ambaho talaga!
"Eto tin, gusto mo?" Turo ni Duke sa plato nya. Ayyy! Mukang masarap tumango naman ako kaya nagpalitan kami ng plato. Ang bait naman talaga ng asawa ko.
"Woow naman! Ang sweet mo talaga pareng Duke" sabi ni Kuya Cyrus Zeus Vazquez, ang kuya ko. Kasing edad nya lang sila kuya Leo kaya barkada silang tatlo pero minsan lang sila magsama kasi nasa malayo sila nila mama nakatira.
Bat pala yan nandito?
____________________
Napapikit ako para damhin ang masarap na simoy ng hangin dito. Nasa balcony ako ngayon ng kwarto namin ni Duke.
Hindi pa rin nag-sisink in sa utak ko yung tungkol sa... p-pregnancy thingy.
"Hey Wife, anong ginagawa mo dito? Dapat nagpapahinga ka na" napalingon ako sa may pintuan at nakita si Duke na nakapamewang doon.
BINABASA MO ANG
Locked Hearts
RomanceAphrodite Cylestine Vazquez and Duke Gabbriel Montecillo. Sperm pa lang ang dalawang ito ay ipinagkasundo na sila ng kanilang mga nanay na mag bestfriends at dahil sa sobrang excited ng kanilang mga ina ay ipinadala pa sila sa ibang bansa para doo...