XLI- Special Gift

62 3 2
                                    

A/N: Antagal kong mag-update shet.

Namimiss ko na ang #Cyke. Kailan kaya sila magkakabalikan? :<

_________

[ Tin's POV ]

It has been a week after nung succesful surgery ko kay Mr. Valera. Thankfully walang mga complications sa mga nagdaang araw.

Dumadami na din ang mga pasyente ko kaya sobrang stressed ako.

"Huy Cylestine! Kumain ka na" suway saakin ni Abygail. Hindi ko namalayang napatitig ako sa pagkain.

"Hindi kusang lilipad ang pagkain sa bunganga mo, gusto mong pasubuan kita kay Sir Carlos eh!" dagdag pa ni Lily dahilan para maghagikhikan ang tatlo. Nagpintig naman ang tenga ko dahil may narinig akong Carlos, wala bang araw na hindi ko maririnig ang pangalang iyan?

"Ayieee Carline!" tukso pa ni Janella.

"Pag hindi kayo tumigil itutusok ko itong tinidor sainyo" agad naman silang tumigil. Buti nalang at wala masyadong tao dito sa cafeteria ng Hospital, kundi lagot na.

"Ito naman hindi mabiro" alanganing sabi ni Janella, as if naman kaya ko yung gawin.

"Doctora Vazquez!" umalingawngaw sa buong cafeteria ang isang sigaw. Hamahangos na lumapit saakin ang sekretarya ng Director.

"Bakit Jessica? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot ininom nya muna ang tubig na nasa table namin, na si Janella ang may ari.

"Wala ka talagang hiya sa Katawan Jessica. Tubig ko yan eh" pagrereklamo ni Janella.

"Oo alam ko. Pero Doc Tin! Pinapatawag ka ni Director" Oh? Bakit naman? May kailangan ba sya saakin?

"Dalian mo Doc, galit si Director" agad nya akong hinila at kumaripas ng takbo kaya ayun halos madapa na ako, runner ata tong si Jessica eh.

"Doc, mauna ka na"

"Bakit ako? Syempre ikaw, ikaw ang secretary eh"

"Takot ako, Doc. May boyfriend pa akong bubuhayin" natawa naman ako.

"Boyfriend talaga?"

"Doc naman eh, basag trip. Oo na wala na akong jowa" Masaya ding kasama itong si Jessica, madalas namin syang nakakasama pag may meeting. Minsan pa ay sumasabay sya saamin kumain pero dahil nga sobrang busy hindi na sya nakakababa sa cafeteria.

"Come in!" narinig kong sabi ni Director sa loob ng office nya. Nagkatinginan kami ni Jessica at nakita kong napalunok sya kaya ako na ang unang pumasok.

"Magandang tanghali po, Director...Ano pong maitutulong ko sa iyo?" tanong ko agad sa kanya. Nakaupo ang Director sa kanyang swivel chair at halatang problemado.

"The Valera's pulled out"

"What do you mean?"

"Umayaw na silang magbigay ng equipments" I got shocked of course. This is not right, we had a deal. Hindi sila dapat basta bastang umaayaw.

"Kinausap mo na ba sila? Bakit sila magpupull out?"

"I don't know pero one thing for sure, you're involved" Me? Why me? Binigysn ko sya ng nagtatanong na tingin.

"Papayag sila if you also agree to date Mr. Carlos Valera" WHAT THE!?

I thought it was a joke now he's taking it too seriously. I can't believe him, that fvcking assh*le!

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon