[ Tin's POV ]July 19, i can't believe na umabot kami ng isang taon ni halimaw- este ni Duke.
Papunta kami ngayon sa isang resort nila momshie sa La union. Kilala kasi ang lugar dahil sa malalaking alon. Gusto daw kasi nila Kuya Leo at King na mag-surf.
Mga buang talaga, pwede naman sila mag-surf ehh. Sa Internet hahaha, Tang*ina ang corny ko!
Pero seryoso maka-asta sila kuya parang sila yung may anniversary.
____________
Grabe! Hilong-hilo na akooooo!
Buti nalang nakarating na kami dito.
"Momshie...." tawag ko kay tita pag-kababa sa van, hindi nya ako pinansin dahil busy sa cellphone nya.
"Hmmmm?"
"Momshie, huyy!"
"BOOM! Hahaha! Kala mo maiisahan mo ako Layla ha? In your dreams" nagulat ako dahil sa bigla nyang pag-sigaw. Lyla? Sino yun?
"Momshieee"
"Wait lang Tin, inaatake yung Turret namin" T-turret?? Ano naman yun?
"Momsh-"
"Yannn! Attack! Taluhin nyo si Po (Kung fu panda)- ay si Akai pala, bakaw yan ehh" bakaw? Akala ko sa basketball lang yun. Sino naman kaya si Akai? Yan diba yung kanta ni Moira?
Kahit Akai titibo-tibo, ang puso ko ay titibok-tibok parin sayo-
Bwisit! Mas lalo akong nahilo dahil kay Akai na yan, lalabas na talaga.
"HAHAHA! Buti nga sainyo, sinabihan nyo pa ako ng vovo. Talo tuloy kayo! MVP pa ako, bwahaha!"
Hindi ko na kaya.
"Momshie" mahina kong tawag.
"Ayyy Tin, Sorry hindi na kita napansin. Nakakainis kasi yung kalaban ko sa Mobile Legends: Bang Bang" buong pangalan talaga? Pwede namang ML nalang. Naririnig ko yan kila kuya kanina, pati pala tong si Momshie nakikilaro rin.
"Asan po yung CR?"
"Huh? Cr? Na-jejebs ka!" Hindi na ako nakareklamo dahil bigla nya akong hinila papuntang Cr.
Mamaya ko nalang sya kokontrahin, konti nalang talaga lalabas na.
Nang makarating kami sa hotel ay dali-dali akong hinila ni Momshie sa CR. Ka-agad naman akong pumasok sa isang cubicle at doon-
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
sumuka.
"TIN? Mhayghad! Bat ka nagsusuka?" Pag-hihysterical ni momshie.
"Nahilo lang ako sa byahe, momshie. Don't worry" tinanggap ko naman ang inabot nyang tissue saka dumertyo sa sink para mag-mumug. Ang pangit kaya ng lasa ng suka.
"T-tin, Hindi ka naman ganyan dati ahh. Kahit libutin natin ang buong Pilipinas hinding-hindi ka mag-susuka" Oo nga no? First time kong mag-suka ng dahil sa byahe.
"Ewan ko ba, Momshie. Lagi nalang akong nahihilo tapos-"
"Hindi ito ang unang pagsusuka mo ngayong linggo right?"
Natigilan ako. Actually simula nung monday bigla nalang akong gigising kasi feeling ko babaliktad yung sikmura ko, araw-araw akong nag-susuka. Especially in the morning.
Tumango ako.
"Nahihilo ka ba minsan?"
Tumango ulit ako.
"Pansin ko malakas ka ng kumain ngayon tapos panay pa ang tulog mo"
Well, ganun ako ngayong bakasyon. Siguro sinusulit ko lang yung oras ngayon na walang pasok. Finding my inner peace through sleeping, I guess?
"Sana mali ang iniisip ko..."
"What are you thinking, momshie? Sabihin mo saakin. You're making me nervous"
"By any chance... May nangyari na ba sainyo ni Duke?" Napalunok ako.
"B-bakit mo naman yan tinatanong, momshie?"
"Cylestine kung may nangyari nga sainyo ni Duke, pwedeng ang sagot sa lahat ng pag-tataka natin ngayon ay.... Maybe you got Pregnant"
WHAT? B-buntis?
"M-momshie-"
"Answer me honestly, Tin. Did something happend between you and Duke?" Dahan-dahan akong tumango. Napapikit si Momshie at paulit-ulit na nag-buntong hininga.
"Why? Hindi na ba kayo maka-paghintay ni Duke? Masyado pa kayong bata para magkaroon ng anak!"
"H-hindi pa naman tayo sure"
"Malakas ang pakiramdam ko dito Tin. I'll call Melissa to buy a pregnancy test, just to make sure" nag-dial eto sa cellphone nya. Tahimik lang akong nakasandal sa sink at iniisip kung ano nalang mangyayari saakin. Pano pag b-buntis nga ako? Ano nalang magiging reaction ni Duke?
Ewan ko ba sa sarili ko, para akong natutuwa na kinakabahan na natatakot.
Nag-hintay kami ng sampung minuto bago dumating si ate Melissa at inabot yung plastic kay Momshie.
"Here...Go.."inabot nya saakin yung pregnancy test. Pumasok na ako sa cubicle.
______________________
Nakatayo pa rin ako dito sa cubicle, nakatitig lang sa resulta ng test.
| |
Dalawang linya. Ibig sabihin non ay....
POSITIVE.
"Tin, lumabas ka na. Ipakita mo saakin ang resulta" si momshie.
Lumabas ako sa cubicle at nanginginig ang kamay na inabot kay Momshie ang pregnancy test.
"Positive...." mahina nyang bulong.
"M-momshie-- A-anong gagawin ko?" Nagsimula ng tumulo yung mga luha ko.
"Hindi naman natin pwedeng ipa-abort ang bata..." the thought of aborting my baby, hurts me.
"Ano nalang magiging reaction ng asawa mo dito? Nila Gallery? Ano ang magiging reaction ng mama mo dito?" Si mama. Naging maingat sya saamin. Pinapaalalahanan kami na wag daw muna syang bigyan ng apo saka na raw pag may trabaho na kami.
Ang layo pa namin doon. Kakatapos lang namin ng highschool. May college pa.
"H-hindi ko alam" pag-kasabi ko nun ay biglang nag-ring ang cellphone ni momshie.
"Hello? Ohh A-ate? Kami? Nasa Cr kami...A-ano na-jejebs kasi ako kanina kaya hindi muna kami nakasama sainyo sinamahan ako ni Tin. Kasi ano... Sumama yung tyan ko, naparami ata yung kinain ko. Ok sige sige! Bye~" saka nya pinatay yung phone.
"Tara na hinahanap na nila tayo" nauna na si momshie na lumabas.
____________
A/B/N: I know, ang pangit diba! Sobrang tinatamad kasi akong gumawa ng UD XD
Pagbigyan nyo na ako makapagrelax😂 pramis! I'll try hard na maka update ng mas mabilis mga 2 minutes from now expect a new update!😆
Yun lang!
Thanks sa nagbabasa netong walangkabuluhan na kwento!
Abangan nyo rin ang next kong kwento😆.... IASWAL♡♡♡
BINABASA MO ANG
Locked Hearts
RomanceAphrodite Cylestine Vazquez and Duke Gabbriel Montecillo. Sperm pa lang ang dalawang ito ay ipinagkasundo na sila ng kanilang mga nanay na mag bestfriends at dahil sa sobrang excited ng kanilang mga ina ay ipinadala pa sila sa ibang bansa para doo...