XII - Hangover

66 17 0
                                    


[ Tin's POV ]

"Haaaa??? Anong alak? *hik* Hindi ako uminom ng alak no! Saaaan Miggg lang!" Sabi ni Duke. Tanga tanga naman neto pag-nalalasing. Alak rin naman ang San Mig ah.

"Tara na nga sa taas! At wag kang maingay dahil pag-narinig ka ni mama mas lalo kang walang pag-asang mabuhay" hinila ko sya patayo at inalalayan ko paakyat sa hagdan. Ang bigat pa naman neto! Mas matangkad rin sya saakin kaya mas mahirap.

Ang laki na talaga ng utang saakin nitong si Montecillo at isinusumpa kong pagbabayaran nya lahat. Bwisit sya!

"Rizza...." ano nanaman bang trip neto at tinatawag ang pokpok na Rizza'ng iyon. Parang kanina lang halos mamatay na to kakaiyak.

"Baby...I love you" HANO DAWW!?

"Duke ano ang sinabi mo?"

"I love you, Rizza! Bakit mo ba to ginawa saakin? You're driving me crazy" si Rizza pala! Bakit may feeling akong na-dissapoint? You're driving me crazy too, Duke.

______________

[ Duke's POV ]

Nagising ako dahil sa mga sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Nasapo ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit.

Pakshet! Parang mabibiyak na ang ulo ko. Nang mag-mulat ako ng mata ay napansin ko kaagad ang table sa gilid ng kama at may nakalagay ditong papel kaya binasa ko to.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Hoy Bata este Lalaki pala!

Nag-handa na ako sa burol mo may mga itinabi na akong pang gawa ng sopas. Mag-handa ka na ring mamatay dahil gegerahin ka na ni mama at kung sakaling makaligtas ka...Ako na mismo ang tatapos sayo, kala mo nakalimutan ko yung pang-iiwan mo saakin ha?

Alam mo bang pinuyat mo rin ako kagabi? Hinintay kita hangang 10 at 12 na rin ako nakatulog dahil takte ka! Sinukahan mo ako! Nahirapan pa akong mag-isip ng palusot kay mama kahit na hindi effective dahil nalaman nya, dinamay ko pa si Burneneng sa palusot ko.

Alam kong may hangover ka pa! Nag-iwan ako ng gamot dyan at sa kabayaran mo sa pag-iwan saakin, LUNOKIN MO YAN NG WALANG TUBIG!

Wag ka ng pumasok dahil sinabi kong may sakit ka.

Ang iyong maganda at hindi stupid na asawa, Tin.

PS. Nag-iwan ako ng tubig sa study table, pasalamat ka mabait ako!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hinanap ko yung tubig na sinasabi nya at nang makita ko yun ay ininom ko na yung gamot. Nawala naman kahit papaano yung sakit, sana naalis rin nito yung sakit na binigay saakin ni Rizza.

Haysss! Napakatanga ko talaga!!!!!

Pano na si Mama? Malamang sa malamang sandamakmak na sermon at batok ang ibibigay non saakin.

Lalambingin ko nalang sya, para hindi magalit. Kaya ko to!

"G-good morning ma" bati ko kay mama at hinalikan ko ang pisngi nya.

"UPO!" Napalunok ako ng dahil sa boses ni mama. Talo nya ata yung terror namin eh, wala pa nga sa kalahati si sir sa bangis ni mama magalit. Dali dali naman akong sumonod sa kanya.

Muka akong batang naka-upo dito at nakayuko dahil pinapagalitan ng magulang.

"Anong ginawa mo kagabi at hindi ka naka-uwi agad?" Walang emosyon ang muka nya ngayon.

"Ma-"

"SAGOT!"

"Pumunta ho ako dun sa may malapit na Bar....uminom po ako"

"Hindi kita pinalaki'ng ganyan, Duke. Ano nanaman ba ang naisip mo kung bakit ka nag-lasing?!"

"Wala lang po-"

"ANONG WALA? GUSTO MO IPALUNOK KO TONG SANDOK SAYO!? MAG-SABI KA NG TOTOO DUKE!" May hawak syang sandok at kinakabahan na talaga ako dahil baka totohanin nya talaga.

"Ma sorry po...."

"SORRY? ehh pano pag may nangyaring masama sayo! Pano na lang pala kung nawala ka sa sarili mo at mamaya umuwi ka nalang dito na may nabuntis ka ng babae dahil nakainom ka nga?! May Asawa kang tao Duke, hindi ka katulad ng ibang ka-edadan mo na nagpapakasaya lang kung sino-sinong babae. Mahiya ka naman kay Tin, anak. Alam kong hinintay ka nya kagabi at sya yung umasikaso sayo. Nag-isip pa sya ng kung anong ipapalusot sayo para lang hindi kita mapagalitan ngayon, pero dahil kilala ko kayo alam kong nagsisinungaling lang sya. Ano nalang ang sasabihin ng Nanay Lily nyo? Na wala kang kwentang asawa!? Duke naman umayos ka!" Natamaan ako sa mga sinasabi nya. Ngayon ko lang napansin yung pag-mamalasakit saakin ni Tin. Yung pag-gawa nya ng paraan para maibsan yung sakit.

"Ma...." wala na akong masabi.

"Hala sige! Umupo ka na dyan at mag-agahan. Mag-pahinga ka pagkatapos, bilin yan ni Cylestine." Pagkatapos nun ay lamubas na sya ng pinto. Pupunta na siguro si mama sa trabaho.

Napangiti ako dahil doon sa mga sinabi ni mama. Si Tin ang may gawa ng lahat ng ito. Ang laki na ng utang na loob ko sa kanya, na-guguilty tuloy ako sa pag-iwan ko sa kanya kahapon, gusto ko lang talaga mapag-isa that time kaya hindi na ako umatend ng klase.

Babawi ako sa kanya....

____________

A/B/N: WAZUP WAZUP!? HINDI NA AKO NAKAKA-UPDATE!!!😂 NEXT YEAR NALANG ULIT! SEE YOU ON 2019

.

.

.

.

.

CHARRINGGG!! NEXT WEEK NALANG ULIT AKO MAG-UUD DAHIL...TRIP KO LANG? BABAGUHIN KO NA RIN YUNG STORY COVER NATIN😁 GAGAWIN KO NG MUKA KO...DE JOKE LANG, PINAG-IISIPAN KO PA KUNG sina Lee Min Ho (my labs😍) at si Park shin hye yung ilalagay ko...Peborit ko nga kasi sila, yung sa 'THE HEIRS' you know!? Nag-ki KKK drama rin si author na magands😂

May second option pa ako yung sa ANIME naman!!! 'Your name' tayo?

Abangan nalangggssss!!!!!!!!!!

Lovelotsssss!!!

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon