A/N: Tinatamad na talaga ako mag update. I need inspiration. Bigyan nyo ako ng jowaaaaaa!
Charot! Hahaha.
-----------------
Nagising ako ng wala nang katabi sa higaan, ang aga naman atang gumising ng anak ko. Mabilis akong tumayo at nag gayak. Nasa pinto palang ako ng kwarto namin ay naririnig ko na ang mga tawanan nila sa labas.
"Eh si Tito Harry mo? Gwapo din ba?" magiliw tanong ni tatay sa anak kong center of attraction kada araw.
"Yes, but Grandpa is far more handsome than Tito Harry" nakita ko ang ngising kaninang nakasilay sa labi ni Harry ay unting unting nawawala. Kasabay nito ang tawa ni tatay at ni tita Dolor.
"Tama yan, apo"
"But I'm the most handsome, the cutest and the most attractive boy in the whooole entire universe" Bawi ni Gaddiel dahilan para si Tita Dolor at Page nalang ang natirang tumatawa. Napasimangot naman si tatay.
Natandaan ko ang mga reaction nila nung una kong pinakilala si Gaddiel sa kanila. Parang hihimatayin ata si tatay dahil nauna pa akong nagka anak kaysa Kuya, na hanggang ngayon ay wala pa ding asawa, sina tita Dolor at Harry naman ay tuwang tuwa dahil sa taglay na kakulitan ni Diel. Nahaluan din ito ng lungkot ng sabihin kong nauna nang nawala ang kuya ni Gaddiel.
Nakakatuwa lang na si Diel ang nagpapasaya at nagpapangiti sa kanila nung burol ni tito Henry. Alam kong hindi nya mapapawi ang lungkot na nararamdaman nila pero atleast nabawasan man lang ng konti.
Dito ko na rin pinatira sila Tita dahil mahihirapan na silang mag bayad ng upa dahil wala na si tito, sya ang naghahanapbuhay para sa kanila.
"Look mommy's awake!" dali daling lumapit saakin si Gaddiel at dinamba ako ng yakap.
"Good morning, baby boy"
"Correction it's Big boy, mommy. Hindi na ako baby"
"You will always be my baby" sabi ko at tinadtad sya ng halik.
"Oh tama na kayong mag-ina. Tayo'y kumain na at baka mahuli ka pa sa trabaho mo, unang araw mo pa naman ngayon" sabi ni tita Dolor. Natanggap na ako ng Manila Matrix Hospital at eto ang first day ko bilang head physician, salamat nalang dahil may good records ako doon sa Hospital na pinagtatrabahuhan ko dati.
"Hoy ikaw bulinggit! May pasok ka pa. Tama na yang kakakapit mo sa nanay mo, para kang tuko" suway ni Page sa anak kong hanggang ngayon ay hindi pa din humihiwalay saakin.
"Hala ka, Diel! Mamaya maglue ka na dyan sa mommy mo" pananakot ni Harry kay Diel.
"Ok lang! Para lagi ko syang kasama" Sad to say, iba talaga mag-isip ang anak ko. Masyado syang ehem--matalino para sa mga panloloko nila.
"Tara na't kumain. Para kayong mga walang trabaho!" agad kaming pumunta sa dinning room at kumain. Hindi nawala ang mga asaran namin. I would love to start every day this way.
__________
"Welcome to Manila Matrix Hospital, Doctor Vazquez" nagsitayuan at nagsipalakpak ang mga kasamahan kong doctor na nandito sa Conference room ng aming Ospital. Ipinakilala ako ng Director nila dito, at isa yung malaking pribilehiyo.
I must say, they have a good welcome.
Nakipagkamay ako sa mga doctor na nandito at nakipagsocialize. Syempre! Sila ang makakasama ko buong stay ko dito sa pinas ano.
"Is it true na lima lang ang fail mong surgeries sa buong pagiging doctor mo?" tanong saakin ng bago kong kakilalang doctor na si Dra Lily Alcaras. Sya ang head ng dentistry dito.
"Tatlo" i may have sound rude pero nadevelop ko na ang pagiging ganito.
"Ayyy sorry. Tatlo pala"
"That's amazing. Minsan nga papanoorin kitang mag-operate" sabi naman ni Dra. Janella Lee, isang gynecologist. May lahi ata tong Korean or somewhat Japanese base sa facial features nito.
"Hoy wag ka nga! Busy ka masyado. Madami ka pang papaanakin" natawa kami parehas ni Dra Alcaras sa biro ni Dra Abygail Sanchez, isa ata sya sa pinakamagandang surgeon na nakilala ko.
"Alam mo, I would love to work with you" sabi saakin ni Dra Sanchez. Well we could. Tumango naman ako.
"Ako din! Samahan mo akong manganak--este magkaanak--este magpaanak pala" tumawa kaming lahat dahil sa kalokohan nitong si Dra Lee.
"Baliw ka talaga, Janella" usal ni Dra Sanchez dahilan para mapasimangot si Dra Lee.
"Pakunsulta ka na kaya kay Doctor Kit" tukoy ni Lily kay Dr Salvador na isang psychiatrist. Kaagad na pumula ang mukha ni Janella.
Hmmm...I smell something fishy
"OMO! Tingnan mo si Nella oh! Namumula" tukso ni Abygail.
"Ayyieeee" pag gatong pa namin sa tukso nya dahilan para maging kasing pula na ng kamatis ang mukha ni Janella.
"Tara na! Baka makita tayo dito ni Director na nagchichismisan"
"O sige! Mamaya nalang ulit. Cylestine sama ka saamin maglunch mamaya ha?" tanong saakin ni lily.
"Sure.. "
"Yown! Haha, see you all" pagpapaalam ni Lily. Ganun na din sila Abygail at Janella.
Napangiti ako sa pagiisip na may makakasama na ako dito sa ospital na to. Akala ko forever alone nalang ako eh.
Nagsimula n akong mag-trabaho. I guess working here isn't what I expected. Hindi naman ako na hospital sick---you know pag hindi mo ospital ang pinagtatrabahuhan mo. Kung may home sick may hospital sick din.
Ktnxbye.
_____________A/N: Oh my my my may update na ulit!😂 Ok na ba to? Medyo maikli pero ok na yan! Kinareer ko na kasi ang pagiging Carot---este Carat ko eh :> ahihihihi!
Dakilang shipper ng Meanie couple!
Visit my works to read IASWAL!!!!!!
THENK YOUUUWWWW!
BINABASA MO ANG
Locked Hearts
RomanceAphrodite Cylestine Vazquez and Duke Gabbriel Montecillo. Sperm pa lang ang dalawang ito ay ipinagkasundo na sila ng kanilang mga nanay na mag bestfriends at dahil sa sobrang excited ng kanilang mga ina ay ipinadala pa sila sa ibang bansa para doo...