MSG3 :
“Momo's POV”
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang tinitignan ang reaksyon ni Rhyi habang nakatingin sa screen niya.
"I found him."
Isinarado na niya ang screen, tumayo ako at ngumisi sa kaniya. Sa wakas!
"Oh edi tara na!"
Tumango siya at kinuha ang phone at wallet.
-
Nakarating kami sa bahay na medyo luma na. Madalang ang mga taong naninirahan dito at may mga puno o ligaw na damo sa paligid.
"Rhyi? Ito na ata 'yon?"
Tinuro ko ang SUATO FAMILY sa gate na nakalagay. Tinignan ko ang kabuuang bahay,
"Hindi naman siguro 'to hunted house 'no?"
"Iho? Bibisita ka ba riyan? Yung lalaki d'yan ay iba ang takbo ng pag-iisip 'wag mo gagalitin ha?"
Sabi nung babae at pinasadahan ng tingin si Rhyi.
"Ooops! Crush ka ata?" Nagpipigil akong huwag matawa.
Inirapan niya lang ako, minsan hindi ko maiwasang isipin kung bakla ba si Rhyi.
"Tao po!" Sigaw niya.
"Laksan mo kaya?"
"Ikaw kaya sumigaw?" Inirapan ko siya.
"Tao po!" Sigaw ulit ni Rhyi, may matanda ang lumabas.
"Anong kailangan niyo?"
"Pwede po ba kayo makausap?"
Sabi ni Rhyi.
"Pasok."
Sabi nito. Nagtaka naman ako, bait naman pala...
Nauna na akong pumasok samantala si Rhyi ay tahimik lang.
"Ang creepy naman sa loob nito!"
Sabi ko at tinitignan ang mga upuan at larawan.
Napapitlag ako nang may ingay na parang nahulog kaya nilingon ko si Rhyi.
"Rhyi! Oh my gosh!"
Napatakbo ako sa gulat, tinutukan ng kutsilyo sa leeg nung lalaki si Rhyi at mukhang galit na galit siya.
"K-kumalma po kayo! Wag niyo po sasaktan si Rhyi! Rhyi mag salita ka nga!"
Natataranta na ako pero kalmado pa rin si Rhiyi samantala maiiyak na ako sa kaba!
Dumudugo na rin ang bandang leegan ni Rhyi at pumutok ang labi niya at dumudugo.
"Anong kailangan mo? Bakit ka pumunta rito?Magsalita ka!"
At diniin pa nito ang kutsilyo sa leeg ni Rhyi.
"T-tama na po... Please 'wag niyo na siyang saktan..." Hindi ko maiwasang mapaluha, natatakot ako.... Kasalanan ko 'to! Pinahamak ko si Rhyi!
"I-ikaw si Arnold Suato, kapatid mo si Ronald hindi ba?"
Dahan-dahang binaba ng matanda ang hawak niyang kutsilyo, naupo sa sahig habang umiiyak. Nakasandal si Rhyi sa pader ngayon at nakatingin sa sahig.
Hindi ko siya magawang lapitan. Nahihiya at natatakot ako sa ginawa ko, siguro nagsisisi na siya na tinulungan niya pa tulad ko. Umangat ng tingin ito at tinignan ako, bahagya itong ngumiti.
BINABASA MO ANG
My Special Ghost (COMPLETED)
SpiritualMay mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid. Noong una ay hindi maunaawaan ang halaga niya sa lugar na iyon...