MSG : 4

470 83 18
                                    

𝗠𝗦𝗚4 :

“Third Person's POV”

Ilang beses napamura sa isip niya si Rhyi, Hindi nito akalaing mapapasama ang pag ngiti niya. Ilang beses siyang napailing sa salamin bago lumabas ng banyo. Nakita niyang wala na si Momo sa table kaya hindi na siya nagtuloy roon at umalis na lang. Habang naglalakad si Rhyi papunta sa gym ay may  nagpop na message sa cellphone niya.

ANNOUNCEMENT : You can go home students, suspended ang class one week.

Napailing na lang siya at inilibot ang tingin, Halos lahat ay nakangiti, Sino nga ba ang ayaw sa suspended class?





NANLAKI ang mata ni Rhyi nang gulatin siya si Momo sa biglang pagsulpot nito.

"Bulaga! Hahahahaha! mukha mo!"

Naiinis na naglakad papuntang hagdan si Rhyi at inirapan si Momo bago tuluyang nakaakyat ng hagdan.

"Ano na naman ba ang ginawa ko? Bugnutin talaga yung kapre na 'yon."

Naiiling na sabi ni Momo at sinundan si Rhyi sa taas.

"Normal lang naman na magulat ako hindi ba? Multo kaya 'yon! Hays, nababaliw na ako, bakit ko ba kinakausap sarili ko sa salamin?"

Biglang natawa ng bahagya si Rhyi nang mapansin niyang kinakausap nito ang sarili. Naka topless na siya ngayon at akmang ibababa ang towel sa balakang, nang biglang sumulpot si Momo sa harap niya.

"Aaaaaaah!"

Nayanig ang banyo ng sigawan ng dalawa.

Hindi magkanda ugaga si Rhyi kung pupulutin ba ang towel o tatakbo, Ganun din si Momo na hindi alam kung tatakpan mata niya o titili na lang.

Sa huli ay nadulas si Rhyi at nadapa. Natulala si Momo sa nakita at kalaunay biglang natawa.





KINAGABIHAN ay nakabusangot si Rhyi kay Momo. Na ngayo'y pinipigilan ang pagsilay ng ngisi sa mga labi. Sinulyapan niya si Rhyi pero salubong ang kilay nitong tinignan siya.

"Ano?" Tumikhim pa si Momo bago niya sagutin ang tanong ni Rhyi pero hindi nito mapigilan ang pagngiti niya sa paggalaw ng  labi.

"Hehehe wala naman," Tapos ngumuso siya at napatingin-tingin sa paligid na animoy nang-aasar.

"Ano lang kasi... Ang tambok ng p*wet mo..."

Biglang natawa ng mahina si Momo at parang sasabog naman sa hiya si Rhyi. Hindi na ito nakapag-pigil at tumayo, na ikinagulat ni Momo para na itong mangangain pero nagawa pa ni Momong ngitian ito na parang walang alam sa nangyayari.

"I-ikaw!"

"Huh? Ako?" Turo nito sa sarili niya.

"Argh! May boxer naman ako noon ah!"

Bumughalit ng tawa si Momo,

"Hahahaha! kalma! May boxer ka naman."

Pero namumula pa rin sa inis si Rhyi at humalukipkip sa gilid. Tawang-tawa naman si Momo dahil natutuwa siya sa pinapakita ni Rhyi tila naaliw siya rito.

"Palibhasa walang p*wet?" Maangas na sabi ni Rhyi na ikinataas ng kilay ni Momo.

"May p*wet ako 'no! May b**bs pa!"

Pagmamayabang ni Momo rito. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi ni Rhyi at pinasadahan siya ng tingin, tingin na mapang-asar.

"Saan? Bakit wala akong makita?"

My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon