MSG7 :
"Third person's POV"
"Uy Dave bakit ka naman biglang umalis?"
'Nakakainis naman kasi malalaman ko na ang nakaraan ko!' himutok ni Momo sa isip niya. Huminto sa paglalakad si Dave nang makarating sila sa likod ng school.
"Naniniwala ka ba sa mga sinabi niya kanina?"
She sigh. Baka nga tunay ang sinasabi nito.
"Hindi naman importante 'yon. Kung totoo man na walang may gusto sa akin, ano pang sense para mabuhay ako?"
Mapakla siyang natawa.
"Hindi na pala ako mabubuhay, ni wala akong maaalala, wala rin naghahanap sa akin"
"You...." Madiing sabi ni Dave.
"Alam mo Dave, hindi ko alam kung bakit ko pa dapat alamin ang pagkatao ko. Habang buhay na ba akong gagala rito sa mundo? Hindi na ba ako kukunin ng kung sino mang susundo sa akin?"
"Nonsense." Nagtatakang nilingon nilang dalawa ang papalapit sa kanilang si Rhyi.
Kanina pa ba ito nakiking sa kanila?
"Anong ginagawa mo rito?" Nagcross arms siya.
Aba kung inaakala niyang nakakalimutan ko ang pang-aaway na ginawa nya kanina sa akin, mali!
Sabi niya sa isip.
"Ikaw, nagpahula ka?"
"Pano mo naman nalaman?" Mapanuri niya itong tinignan.
"Siguro sinundan mo ako!"
"Full of yourself? Nonsense."
Biglang nag-init ang ulo niya.
Ano bang may sense sa kaniya? Ang sirain ang mood ko?
"Ikaw! Hoy kingkong ano bang masama sa magpahula?"
"Talaga? Anong nakaraan mo?"
Talagang sinusubukan siya nito ah, sa tono pa lang ng pananalita.
"A rebelled daughter, blacksheep in the family. nobody wants me. Nobody care. M-masaya ka na? hindi ko nga alam kung bakit andito pa ako sa mundong ito—"
Hindi niya napigilan ang sarili na mapaluha dahil sa bawat bigkas ng salita ay tumatagos sa puso... Sobrang sakit."Hindi mo naman dapat paniwalaan ang walang kwenta—"
"Rhyi ano ba?! Ano ba sayo ang may sense at may kwenta? hindi naman masamang maniwala ah. What if wala na ngang nag-aalala sa akin? What if—" Wala siyang pakialam kung magmukha siyang bata na umiiyak at sinisigawan ang kaharap niya. All she felr right now is pain.
"I want to hug you."
She stunned. Biglang kumabog ng malakas ang d*bd*b niya.
"Nasisiraan ka na ba?"
Mas lumapit ito sa kaniya at mas lalong parang nahihilo siya na hindi alam kung humihinga pa ba.
"Don't believe what you heard in no such an evidence. Momo, you are torturing yourself from believing lies. It's only us who can tell what we really felt. Momo don't ever do that again."
Napalunok siya.
Hindi ako makapagsalita Rhyi, nakakadistract ka.
"What? you lost your tongue?"
Bumuntong hininga siya at umatras.
BINABASA MO ANG
My Special Ghost (COMPLETED)
SpiritualMay mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid. Noong una ay hindi maunaawaan ang halaga niya sa lugar na iyon...