#MSG21
“Third Person's POV”
"Anong sinasabi mo Momo? That's impossible."
Si Dave ay hindi makapaniwala sa sinasabi ni Momo.
"Tama Momo, I can do miracle but that doesn't work on you." Nag-shrug ito habang nakangisi.
Bumuntong hininga naman si Momo, bakit ba naiiba siya? Anong problema sa kaniya? Anong mali?
Inakbayan siya ni Lian at inilayo sa dalawang lalaki,
"Momo may mga bagay talaga na dapat ya know..."
"Lian paki ayos wala akong maintindihan ya know."
"Pfft. Hahahaha! okay 'wag mo nalang isipin, ang mahalaga ay importanteng asikasuhin mo na ang dahilan ng pinunta mo rito."
Tila nabuhusan naman siya ng tubig at nagising sa katotohanan.
"Muntik ko nang makalimutan!"
"Hindi lang muntik, Momo nakalimutan mo talaga."
"Ayts oo na. Sige may aasikasuhin muna ako."
"Momo ha paalala yung aasikasuhin mo hindi yung alak na imposibleng makapag-palasing sayo."
Nang-aasar na wika ni Lian bago siya nito iwan sa may tabi. Tiningala ang bahay ng mama niya,
"Ma, a-andito po ako..." Pinigil niya ang sariling mapiyok dahil napaka-daming memories ang meron siya dito sa bahay na ito.
"Sorry ma ha, wala ako sa birthday mo—ay mali dahil andito ako. Ang kaibahan lang hindi kita mayayakap o mahahalikan ni makausap hindi na..."
Nakangiting lumakad siya papasok sa bahay nila.
"Asan ka ma?" Nagtatakang tanong ni Momo nang makitang wala sa sala ang kaniyang mama. Tanging ang mga bisita lang naroroon. Kanina lang andito naman ito kasama pa nga sina Lorraine at Rhyi.
"Ang aga naman umuwi ng kaibigan mo iha, akala ko pa naman ay boyfriend mo siya." Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses.
"Ah hehe pasensya na po mainipin po talaga 'yon."
"Hahaha! pareho pala sila ni Lily.."
"Ah ma pahinga na po kayo o mag pa-party pa po kayo?"
"Magpa-pahinga na ako, ikaw na muna bahala sa party."
Tumango lang si Lorraine at sinundan ng tingin ang papaakyat na ginang. Nang tuluyan na maka-akyat ay umalis na si Lorraine. Agad namang sinundan ni Momo ang ginang sa taas. Lumusot siya sa pinto ng ginang pero wala ito roon kaya naman malungkot siyang bumuntong hininga.
"Ma naman, akala ko ba tanggap mo na, na wala na ako? Ma 'wag mo naman akong pahirapan."
Agad siyang nagtungo sa dati niyang kwarto at hindi nga siya nagkamali, andoon ang Mama niya sa gilid ng kama naka-upo habang yakap ang larawan niya. Nilapitan niya ito, sa bawat hakbang niya papalapit ay parang dinudurog ang puso niya.
"Ma, S-sorry... Hindi po ako nag-ingat."
Mahinang wika niya at pinipigilang humikbi dahil sobra siyang nasasaktan.
"Bakit hindi ko pa rin matanggap? Kasalanan ko ito eh naging pabaya akong ina. Nawala na nga ang ama mo, nawala ka pa sa piling ko. Sorry anak...sorry kasalanan ni mama, kung sana hindi ako pumayag na kunin ka niya sa akin pero kasi mas gusto mo siya noon kesa sa akin, kaya kinailangan ko pang mag-intay ng 18th birthday mo. Anak, sabi ko pagdating mo babawi ako eh kung alam ko na ganito lang ang mangyayari sana hindi na kita kinuha pa, sana buhay ka pa....k-kahit hindi mo ako kilalanin bilang isang ina... Sana bigyan mo ako ng panahon para makabawi sa pagkukulang ko."
BINABASA MO ANG
My Special Ghost (COMPLETED)
SpiritualMay mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid. Noong una ay hindi maunaawaan ang halaga niya sa lugar na iyon...